Website ng Pilipinong Makulit of the Month! (May 09)

Pasensya na at medyo natagalan bago nakapagfeature uli ng Website ng Pilipinong Makulit of the Month ang www.greenpinoy.com :)

Pero heto at nagbabalik na ang inaabangan ng mga utaw buwan buwan! Para sa isang bonggang bonggang pagbabalik, nararapat lamang na isang website na ubod ng kulit ang mafeature dito! At wala ng iba pang website ito kundi ang…

tunaynalalakibanner

WTFOMGLOLIPOPZ!

Hahagalpak talaga kayo sa kakatawa sa blog na to. Walang pakundangan kung tumira *digs?* hahahahahaha!

Tignan nyo tong manifesto nila:

MANIFESTO NG TUNAY NA LALAKE

  1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.
  2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
  3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
  4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
  5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
  6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
  7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
  8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
  9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
  10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.

Walang ya. Ahahahaha napatambling talaga ako sa #8.

Sa mga author ng Hay! Men!, mabuhay kayo!

Kayo ay mga Pilipinong Makukulit at sana naman mga tunay na lalaki! LOL!!!

*ano kaya tingin nila sa akin? tunay na lalaki kaya? EMG! ahahha*

facebook twitter Google Buzz MySpace delicious