Violetish!
Kwento to ng aking irog sa akin kagabi. May kaklase daw kasi syang ubod ng TH kung mag-ingles nung nasa elementary pa sila. Itatago natin sya sa pangalang “Ricci”.
Guro: Ok class, each of you should name a color. Let’s start with you Joboy.
Joboy: Red!
Wowee: Blue!
Spencer: Green!
Nung si Ricci na, halos lahat na ng kulay ay nabanggit na.
Guro: Well, Ricci?
Ricci: Um…*nag-isip sandali* Violetish light!
Wahahahahahahaa ang galing! LOL mula ngayon yun na ang favorite color ko, ang VIOLETISH LIGHT! ![]()

November 21st, 2007 at 4:49 pm
nyahahaha.. idigo peborit ko eh.
haha. biro lang.
November 21st, 2007 at 5:03 pm
im favorites is colored pb!im loves color pb!
November 21st, 2007 at 5:40 pm
amp..purple lang un e!!!
pero sosyal sya ha!! violetish light!
November 21st, 2007 at 5:55 pm
meron mas astig purple forest nightmare..
parang flavor ng selecta..
November 21st, 2007 at 6:57 pm
sabi nung classmate ko kun anu daw ba yung mamink-mink na kulay, kaya ayun eto na peburits ko
November 22nd, 2007 at 4:57 am
Pano na yan, wala nang greenpinoy? Violetish light pinoy na lang? Tahanan ng mga malnourished na kamote…
November 22nd, 2007 at 11:51 am
^
taro flavor! hehe
November 22nd, 2007 at 12:24 pm
hahahaha malnourished kamote! maganda pangalan ng banda yan!
November 22nd, 2007 at 12:44 pm
Gawa tayo ng banda! Wala nga lang akong alam itugtog… nde rin naman ako kagalingan kumanta…
(depression… kidlat… bagyo…)
November 22nd, 2007 at 1:07 pm
hahahahaha gusto ko nga e. ako kakanta. naghahanap ako ng gitarista!
November 23rd, 2007 at 2:17 am
Ito talagang si Ricci o… buti na lang magaling siya kumanta at maganda ang boses nya…
Ay… was I not supposed to say that? Okey lang, nang mabukelya na ang panlilinlang nya… hehehehehe….
Heniwey, with your permission, magse-sharing in the city sana ako. Because on a similar note:
Tinawagan ako ng nanay ko minsan pagkagaling niya sa tiangge.
Aling Tess: “Anak, naibili ko ng bagong casing yung cellphone na ibinigay mo sa akin!”
Rexler: “Baket, maganda naman yung kulay niya noong ibinigay ko sa iyo ah!”
Aling Tess: “Oo nga naman. Maroon. Kulay natuyong regla.”
Rexler: “Ikaw na nga ang binigyan, nanlait ka pa. Eh anong kulay yung binili mo?”
Aling Tess: “Umm… VIOLATE!”
True story ito.
So, according to my mom, sa Tagalog, and primary colors ay dilaw, pula at bughaw.
Ang secondary colors: kahel (oweynge), luntian (gween) at… at… LAPASTANGAN!
Hahahahaha… dat’s mah mommah… kaya naman ako ganito ka-jologs eh…
November 23rd, 2007 at 12:21 pm
hahahahahaa mabuhay ang mga nanay!!!
January 28th, 2008 at 11:27 pm
um, i dont get it..
really..
bakit violetish light?!
January 29th, 2008 at 9:58 am
LOL wala lang syang maisip.