Usapang tattoo! :)
Kung napanood nyo na ang aking mga videos, alam nyo na meron akong mga tattoo! Oo meron akong 4 ngayon at sigurado akong madadagdagan pa ang mga to!
Ito ang aking mga tattoo sa katawan (hindi kita dyan yung sa binti).

Bakit ko gusto ng mga tattoo? Kasi maganda silang tignan sa katawan lalo na pag maganda ang design at ang pagkakagawa. Pero syempre, hindi lahat ng tattoo ay maganda para sa akin. Ayaw ko yung mga tattoo na:
- Gawa sa kulangan, yung tipong OXO o kaya SIGE SIGE o kaya’y hubad na babae na tuldok lang ang utong.
- Green ang kulay imbes na itim!
- Kahit anong klase ng cartoon character. Meron akong kalaro sa tennis dati, ang tattoo nya sa binti ay si Snoopy na may hawak na tennis racket. Utang na loob ahahaha
- Minurder na Chinese o Japanese characters! Mali yung character o kaya’y hindi bagay sa tao yung ibig sabihin ng character! Kung hindi ka kagandahan, wag ka maglalagay ng character na “beauty” ang ibig sabihin ahehe
- Nasa kahit anong parte ng mukha. Kilay lang ang pwedeng ipa tattoo!
- Sa sobrang liit e hindi mo na makita kung ano ang desenyo!
at ang pinaka ayaw ko at sana, please lang Lord, wag mangyari sa akin:
- ANG TATTOO NA MALI ANG PAGKAKASULAT!


August 4th, 2007 at 9:13 pm
seksi! sana lower pa ung shot mo ahehehe joke lng ;P ako din may gusto nkong tattoo design e..
sorry..pero alin ba dun ung mali ang pagkaksulat? ung letter “A” ba?
August 5th, 2007 at 12:14 am
nagbibiro naman si kennyjunkie e, kulang ng ‘e’ yung ‘awesome’
Napansin ko yan sa birthday youtube video e, sabi ko sa sarili ko “Wow, nagpatattoo sya ng San Miguel sa likod, lasinggero talaga.” ahahhahaha
pero malimit akong nasasagwaan. kanya-kanyang type yan. pero kahit tattooan mo pa ng tae ng kalabaw si dennis trillo hindi ko tatanggihan. (ahahaha umiral na naman si badingky-winky! lahat ng comment ko dito nauuwi e ne?)
ayoko ng tattoo.
henna ok lang at yung temporaryng binabasa para dumikit
August 5th, 2007 at 2:51 am
kanino’ng likod yung asa pangalawang peechure?
hahaha. ganda talaga nung sans souci. naka-inhale ka nung kinuha mo yung shot noh? hehehe joke.
—
oist, mag nag-tag sa akin sa blog. tag na rin kita ha, para komedy naman hehe. nasa blog ko. daan ka. tag your it!
August 5th, 2007 at 2:52 am
i meant, may nag-tag sa akin sa blog. hehe. pwede ka ba maglagay ng “edit comment” dito?
August 5th, 2007 at 3:13 am
huwaw~ ang macho! ^_^ at least di ka naman mukhang flabby from da behind. ^_^
August 5th, 2007 at 2:06 pm
ahehehehe LOL fionixe!!!
clare, pano ba yang tag na yan? ahahaha ano ba dapat gawin ko? LOL promise hindi ko alam.
james, may tat si dennis trillo…hindi ko lang alam kung ano pero parang asa braso ata…
kenny, kung lower pa baka masuka ka na ahahaha
August 5th, 2007 at 4:29 pm
basta punta ka sa clare chronicles. andun yung “rules” hahahaha.
—
kenny, singit ako. maniwala ka sa kanya, hahaha. wala lang gusto ko lang gatungan. miss you tenks!
August 5th, 2007 at 5:03 pm
syet..”A” pala ung napindot ko..
(weh palusot pa hehehe)..borlogs lang akezh haha
;P
August 5th, 2007 at 8:21 pm
LOL ok clare ill check it out! miss you narin!
kenny: ahahahahaha ok lang yan baka naman kulang ka sa tulog sa kakaisip sa akin LOL
August 6th, 2007 at 2:07 pm
cge ipagkalat mo pa relasyon natin! hahaha ;P
August 6th, 2007 at 2:42 pm
ahahahahahaha LOL
August 16th, 2007 at 11:28 pm
Sooooh sooooh SEXY
August 17th, 2007 at 10:49 am
ahahhaah sino, si awsome? LOL
August 18th, 2007 at 12:58 pm
ikaw tol at yang daga sabraso mo
August 19th, 2007 at 12:37 pm
ahehe salamat. pero hindi yan daga ahehe
August 20th, 2007 at 8:48 am
kaw naman di mabiro I meant muscles magturan ka lng at hihimurin ko
August 20th, 2007 at 10:56 am
ahahahahah LOL
January 13th, 2008 at 2:12 am
pano b pag assemble ng pang tattoo?
January 13th, 2008 at 2:13 am
pano gumawa ng pang tattoo?
January 13th, 2008 at 12:15 pm
jasper, yun ang hindi ko alam. gusto mo refer kita sa tattoo artist
just let me know.