Tama si Donna Cruz.

Nagresign ako ngayong araw na to.

Makalipas ang tatlong taon dito sa kumpanya, nagkaroon narin ako ng lakas ng loob na gawin ang matagal ko ng pinag-iisipan.

Maraming masasayang panahon na hinding hindi ko makakalimutan. Mahal ko ang mga tao dito, dahil lahat sila sa isang punto ay naging malapit kong kaibigan at meron akong baong isang kwento mula sa bawat isa sa kanila.

Sa isang punto minahal ko rin ang kumpanya dahil sa laki ng tulong na naibigay nito sa aking buhay at pagkatao. Lahat ng hindi ko natutunan sa bahay, eskwelahan at sa paglalakbay, natutunan ko dito.

Dito ko nalaman na ang isang boss na mahirap pakisamahan sa trabaho ay pwedeng maging barkada sa labas. Nalaman kong pwedeng maging higit pa sa ka-opisina ang mga katrabaho mo. Na pwede mo silang ituring na pamilya.

Dito ko rin nalaman na marami ang nagsasakripisyo. Na totoong may mga nagpapa-aral ng kapatid, nagbibigay sa magulang o kung ano pa mang malaking responsibilidad. Nabuksan ang aking isipan na hindi lahat ng ayaw sumama sa gimik e KJ o di kayay kuripot lang. Meron silang mas malalim na dahilan. At sobrang laki ng respeto at paghanga ko sa kanila, dahil higit sa sarili nila ang iniisip nila kaya sila nagtratrabaho.

Ngunit talagang dumarating sa buhay ng isang tao na kailangan nyang gumawa ng isang napakalaking desisyon. At dumating na ang panahon ito para sa akin.

Mananatili ba ako sa isang kumpanyang nagbibigay sa aking ng malaking seguridad sa buhay ngunit halos araw araw ay kinakalaban mo ang sarili mo dahil malaking bahagi sayo ay hindi na kayang umapak pa sa opisina o tatahakin ko ba ang landas na wala pang seguridad sa ngayon ngunit alam kong ito ang mahal kong gawin at alam kong magiging matagumpay ako sa hinaharap?

Pinili ko ang ikalawa. Gusto ko ng maging malayang pumili ng aking gagawin at gawin ang magpapasaya sa akin.

Kaya ako nagresign.

Malungkot na masaya ako. Pero sigurado ako ngayon lang to. Mas matimbang parin ang saya sa aking puso, dahil alam kong sa pag-alis ko sa kumpanya, maraming pinto ang bubukas pa sa akin.

Kailangan ng sundin ang sinasabi ng aking puso.

Music, pasok!

“Sharamdaram, shudaram…Sharamdaram, shudaram…Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito!”

82 Responses to “Tama si Donna Cruz.”

  1. chroneicon Says:

    totoo ba to?! pota! alam ko ang nararamdaman mo GP! ang saya ng mga tao jan at namimiss ko na rin sila pero talagang may malaking sablay lang. goodluck sa career pare

  2. Tama si Donna Cruz. - PinoyPortal, Pinoy News, Philippine News, Philippine Events Says:

    […] View post details at Greenpinoy […]

  3. shayleigh Says:

    huh?! for real? as in?!?! tapos na naman ang APril’s fool di ba? ^_^

  4. jeck Says:

    ASTIG!!!
    well, nagulat talaga ako kanina nung sinabi mong nag-resign ka na. isang napakalaking desisyon sa buhay mo at nakaya mong sundin ang tibok ng iyong puso. eto rin yung hinihintay ko sa blog mo na ‘to, yung mga posts mo na ikaw ang may gawa tulad ng ginagawa mo dati sa blogspot mo. ayos ‘to pare. tara, job hunting tayo! wehehehe

  5. greenpinoy Says:

    chrone! salamat! alam kong alam mo ang aking nararamdaman! hehehe

    shay, hindi to joke LOL sharamdaram shudaram!

    jeck, tara…san? LOL!!!

  6. watusiboy Says:

    good luck sa iyo greenpinoy. sabi nila magiging successful ka rin eventually kung gusto mo ang ginagawa mo. ‘di ko sure kung totoo yan dahil papunta pa lang rin ako.
    teka, bakit may feeling ako na papasok ka sa showbiz? hehe. gud luck ulit! :)

  7. kulot Says:

    truenesss ba yan

  8. M Says:

    talagang tunay na tunay pala yung binabanggit mo samen nung mga nakaraang taboo nights. aba, eh di gora lang nang gora. ako din nahihirapan ako dito kahit maligayang makapiling ang mga katrabaho mong puro sira ulo pero responsableng mga empleyado.

    boloks pa sa ngayon ang nakikita kong takbo ng career ko dito kasi nahihirapan ako at di natutuwa.

    madami na din akong naririnig na ganung payo sa iba. follow your dream and wants to have a happy career. teka, ganun nga ba yun? ah basta parang ganun nga ata.

    sige, goodluck sa bagong landas. masukal man ang susuungin mong landas, alam kong dadating ang panahon na makakabisado mo din ang lahat ng sulok ng iyong bagong pook-trabahuhan.

    that’s all, thank you.

    shadam dadam. shadadam.

  9. Lyzius Says:

    masasabi ko ay CONGRATS…nakatagal ka ng 3 taon sa isang trabaho…sa walong taon ng aking profesyunal na karir (namets) wala pang kumpanyang tinagalan ko ng dalawang taon…pinakamahaba na ang 20 months…

    tama nga si mareng Donna… as in napapapitik pa ang paa ko sa

    shadam dadam, shandaram…ooohhoooohooo!

  10. jeck Says:

    aplay tayo sa whitebird. LOL!!!

  11. greenpinoy Says:

    maraming salamat watusiboy, mariano at lyzius! mahirap man ang daan sa umpisa, alam ko sa sipag at tyaga (pucha parang politiko lang a) mararating natin ang tagumpay! (pay…pay…pay…pay…)!

    jeck, ano yun? LOL!!!

  12. jeck Says:

    di pa ako nakakapasok dun e. pero sabi ng nila sherwin at chie, maganda daw dun. nakanood na sila. sa may roxas blvd yun sa baclaran. wahahahaha!

  13. greenpinoy Says:

    tang ina parang gay bar ata yan? LOL wala pa sa kondisyon katawan natin. bawal tayo dun. hahahahahahahahahaha

  14. R.J. Says:

    goodluck GP. tama ka napakaraming windows jan sa tabi tabi. silip ka lang.

    oist saan yang sinasabi nyo ha?! whitebird? pangalan pa lang pambading na ah. hahahahahahha!

  15. antuken Says:

    goodluck na lang sa yo… nawa’ymaging matagumpay ka sa ano mang career na pupuntahan mo…

  16. greenpinoy Says:

    rj, baka naman sabihin nila namboboso lang ako LOL!!!

  17. greenpinoy Says:

    salamat antuken! :)))

  18. chroneicon Says:

    hoy jeck! ano yang pinagsasabi mo? d pa ko nakakapunta dun, maging kami man ni cristy fermin!

  19. utakmunggo Says:

    okx lang yan, kanya kanyang diskarte dahil ang buhay ay parang life, ganun talaga.

    best of luck sa lahat ng plano mo para sa pyutyur.

    wag ka lang mag resign sa pagba-blog ha.

    :)

  20. greenpinoy Says:

    chrone…onga eh…maimbento yan si jeck pati kayo dinamay. sa chicos tayo nagpunta diba? LOL!!!

    munggo, salamats!!! :) di ako magreresign dito for sure! :)

  21. gasti Says:

    parang may nabasa na rin akong ganyan dati. kelangan talaga sundin ang tibok ng puso. sa pagiging palabiro mo hindi ko na tuloy alam kung alin ang seryoso sa hindi. haha! uy si jeck nakahanap na ng pag aaplayan. gay bar pa amputs! haha!

  22. chroneicon Says:

    gagu!!! suntukan na lang :D

  23. Bethelyn Says:

    wow, i didn’t have the slightest idea! pero goodluck narin sayo GP! you are free to choose whatever it is that you desire. have faith and do not be discouraged. best of luck!

  24. jeck Says:

    huy chie, pa-girl ka pa! ampf! nakapunta na kayo dun, suki kayo nila sherwin dun eh. bwahahahaha!

  25. greenpinoy Says:

    LOL gasti, totoo to, promise! LOL

    chrone…wag ka ng magdeny ate. bonggang bongga ka pa nga nung gabing yun! LOL!!!

    salamat beth logs!!!!!! :)

  26. Lyzius Says:

    GP, baka magtatayo ka na ng sarili mong corporation…ahihihi…kung kelangan mo ng taga timpla ng kape kunin mo ako ha…ahahaha

  27. M Says:

    Whitebird? Taena, pangalan pa lang malalaman mong malagkit na agad ang sahig ng lugar eh! ODKP naman!

    Yung 50% ng resignation fee mo eh kailangang mapunta sa magagandang bagay. Tulad ng mga magagandang girls! Ahaaaay! Sama ko dun boss GP ha?

  28. Jaired Says:

    ok lang yan… kuya..medyo mahirap sa una….sa huli, alm kong masasabi mo sa sarili mo na “YES!” Yes, hindi dahil sa nakagawa ka ng isang site na tinangkilik ng buong bayan, kundi: “YES! nakatagal ako nang walang trabaho..” kasi sa totoong lang kuya, nakakapanghina ang walang trabaho…pero kaya mo yan kuya..gogogogo

  29. greenpinoy Says:

    lyzius, wish ko lang ganyan hahaha

    m, ODKP!!! hahahaha may resignation fee ba?! LOL

  30. greenpinoy Says:

    jaired, wag naman walang trabaho hahahaha meron naman! click click! :)

  31. Myk Says:

    Fulltime blogger ka na?

  32. greenpinoy Says:

    hahaha LOL myk! nako, wala akong talent dyan! :)

  33. james Says:

    all the best jason. bilib ako sayo!

  34. toxiceyeliner Says:

    woah…

    goodluck sa mga plano mo a!!!

  35. chroneicon Says:

    puta kayo mga girls, wag nyo ko bukingin. si jeck lang ang may pic nun no. girl ha

  36. Bethelyn Says:

    CHRONEICON - puta kayo mga girls, wag nyo ko bukingin. si jeck lang ang may pic nun no. girl ha…

    hahahha…puta ka, sexy time nanaman kayo ha. wahahaha…pero si jeck ang panalo nung isang gabi. i heart you mamon! wahaha…

  37. Bethelyn Says:

    gp - click click!!! goodluck!!! potek ka girl, hindi ka nagkukuwento na magreresign ka na pala. hahaha anyway, buwan yata ng pagreresign ang may, dahil nung friday e nag pasa na din ako ng resignation letter! ahahhaha

  38. greenpinoy Says:

    thanks james!!! by the way, yung font mo, super sikat dito sa pilipinas!!! its everywhere!!! :) congrats!

    thanks steph!

    chrone lola, watch mouthlaloo!

  39. jamiekawaii19 Says:

    grabe…. ang haba ah….. yung 8th paragraph tuloy-tuloy….. walang hinto….

  40. jamiekawaii19 Says:

    magtayo ka na lang ng hobby shop…

  41. greenpinoy Says:

    beth! korak! hahahaha bat naman girl LOL!!! wag naman baka maniwala na sila nyan. chrone o!!! LOL!!! matagal kong pinag isipan to beth :)

  42. greenpinoy Says:

    hahaha jamie naman binilang mo pa talaga ang mga paragraph?

  43. yoj Says:

    goodluck GP sa career na tatahakin mo.. mgaabroad kna din? :)

    potek! LSS na sken yan… “Sharamdaram, shudaram…Sharamdaram, shudaram…Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito!”

  44. greenpinoy Says:

    hahahaha hindi ako magaabroad :) dito ang buhay ko :) salamat yoj! :)

  45. jamiekawaii19 Says:

    magnursing ka na lang…. back to school!!!!! yeah!

  46. jenta Says:

    kinaylangan q pa basahin ung mga comments pra malaman qng totoo 2.. hehe.. gaya nung sa April Fool’s mo! amp!
    anyways! apply kang prof! woo! saya mo cgurong prof! HOO! XD

  47. damdam Says:

    kung san ka masaya suportahan ta ka.. :) good luck GP! dito alng kami… mag lako na kayo ng resume ni jeck! ahehehehe.. ingats kayong dalawa.. may back pay pa yan.. buhay ka pa nyan! wee!!! :)

  48. Rosalie Says:

    WOW!… ang puso talaga ang dapat sundin!

    salute to ur boss and co workers too…
    for 3 years napag tiisan ka nila. Joke.
    Sana walang iiyak.. dahil di naman jan nag tatapos ang pagkakaibigan!

    cheers!

  49. The Gasoline Dude Says:

    Nagulat ako sa post na ‘to! Hindi ko akalain, wala ka naman kasi nabanggit. Ay meron pala, pero hindi ko inexpect na ganun kabilis.

    So libre yung Northpark? *LOL*

    Good luck, kaibigang GP. Somehow I know how you feel. Just resigned recently as well. Tara, Singapore tayo! Hahaha! = P

  50. The Gasoline Dude Says:

    Pahabol: I-record natin yung Kapag Tumibok ang Puso!
    Ung magandang record, at isama sa album! Woot woot! = P

  51. Leyn ♥ Says:

    tsk tsk.

    welcome to the club!

    hanap ka na agad ng trabaho,
    wag ka gumaya saken,
    nawili ng mundo ng mga unemployed.
    hahaha.

    shumasharamdaram

  52. kuletz Says:

    oi GP kaya ko loko loko nnamn to eh.. gudluck pow!!! pde kang maging artista GP!!! nyahahaha pero ang prof malabo kasi baka maging tado lng ang mga kabataan pag ikaw naging prof nila!! hehehe peace!!!

    yun backpay mo nga pala, and2 lng kami pede mo ishare yan.. the more u give the more u receive.. hehehhe

  53. marie Says:

    mag-macho dancer ka na lang!
    alam ko galing mong gumiling! yup, the videos prove it.
    hehehh.

    good luck sa iyong new path of life. i know you’ll make it. =)

  54. chriscapade Says:

    awww… sa umpisa maninibago ka pero masasanay ka rin. Ganyang ganyan din ang nafeel ko dati sa previous job. Ang nakakapanghinayang is yung malaking sahod, deadma sa mga officemate no hehehehe! pero may mga ka close din nman ako dun.
    Ang hirap kasi na parang dina drag mo n lng ung paa mo para pumasok. Tapos pagdating s work naiinip k bakit ang tagal ng oras.
    Hay.. ngayon eto ako feelin the same way. Kelan kya ako makokontento?

    Sa u greenpinoy, goodluck sa career hunting!

  55. arhey! Says:

    “Mananatili ba ako sa isang kumpanyang nagbibigay sa aking ng malaking seguridad sa buhay ngunit halos araw araw ay kinakalaban mo ang sarili mo dahil malaking bahagi sayo ay hindi na kayang umapak pa sa opisina”

    amp eto na rin ang nararamdaman ko.. tagay na!!!!!

  56. rvet Says:

    ganyan din ang nararamdaman ko araw-araw, pero iba ang mga sirkumstansya kaya: tiis tiis muna.

    kaya pa naman.

    good luck!

  57. lethalverses Says:

    potek, akala ko joke lang ng mabalitaan ko… pero sa first two paragraphs pa lang, alam kong totoo.

    tama ka sa desisyon mo. bagama’t marahil ay magkaiba tayo ng pananaw at rason sa pag-alis sa kumpanyang iyan, tiyak kong IISA ang ikinalulungkot natin: ANG IWANAN ANG SAMAHAN AT PAGKAKAIBIGAN NA NABUO SA OPISINANG IYAN. Diyan ko lamang naranasan na kahit isang buwan pa lamang ako at talagang bagito ay natagpuan ko agad ang lugar ko sa grupo ng barkadahan diyan… dabest ang mga tao dyan, at sila ang mamimiss mo at hindi ang trabaho o ang kaukulang suweldo - gaya na din na naunang tinuran ni chroneicon…

    parekoy, tandaan mo na lang na ang pagkakaibigan ay hindi naiiwan sa pagsara ng TUTUT DOOR pagtalikod mo sa opisina.

    (HABA NG COMMENT KO, at anong white bird ang pinuntahan namin? sa SUPERMEN kami nagpunta!!! …at salamat sa VIP card ni titah jeck na pinahiram samin!!!)

  58. greenpinoy Says:

    marmaing maraming salamat sa lahat ng nagcomment. mas lalong lumalakas ang loob ko at mas lalong hindi ako nagdududang tama ang desisyon ko.

    sa inyong lahat…INOM NA TOOOOOO!!! LOL!!!

    gasdude, record na natin! para makabenta! LOL!!!

  59. pb Says:

    eee…
    naman eee…
    bakit naman kasi?
    kasi kasi naman…
    haha.
    ayoko ng magsalita… ang dami na nilang sinasabi mo.
    puro nalang ako…
    eee… naman… kasi kasi…
    kasi naman eee…

    ok lang yan.
    maayos din ang lahat.
    weee…

  60. nina Says:

    WTFOMG?!?! walang LOLZ hahaha!

  61. jeck Says:

    LV: at anong white bird ang pinuntahan namin? sa SUPERMEN kami nagpunta!!! …at salamat sa VIP card ni titah jeck na pinahiram samin!!!)

    pota ka gerl! inaalagan ko ang image ko, wag mong babuyin. chaka ka! magsama kayo ni chie! hahahahahaha!

  62. COLDMAN Says:

    Pareng jason, goodluck sa bago mong tatahakin! =)

  63. greenpinoy Says:

    LOL pb and nina!

    jeck, tita, ang beauty mo! wag masyadong ma stress sa dalawang bruhang yan!

    coldman, maraming salamats!!!

  64. chroneicon Says:

    JECK, girl. time na para malaman nila lahat. ipagkakalat ko na ang pics mo :D

  65. greenpinoy Says:

    AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH may pang blackmail pala si chrone!!! LOL!!!

  66. jeck Says:

    CHIE, GAGU KA PARE! Suntukan na lang!!! BWAHAHAHAHA! BRUHA KA! lols

  67. chroneicon Says:

    haha, apir sister! um!

  68. The Gasoline Dude Says:

    Walang sinabi si Jasmine Trias sa mga pictures ni Jeck!!! Nyahaha!!! *LOL*

  69. Rosalie Says:

    hala Jeck! .. harharharhar!

  70. prinsesa000 Says:

    sana ako rin pwede rin akong magresign sa work kong paulit ulit na lang..
    sana maging succesful and “Click! Click!”mo…
    Good luck…

    pag mayaman ka na pa burger ka ha…
    o kaya libreng papicture na lang hehehe

  71. greenpinoy Says:

    LOL prinsesa!

  72. Poli Says:

    Tae, huli na ako sa balita ngayon lang ako nakapag-internet ng matino.

    Akala ko nung una kalokohan lang–hinihintay ko nga ‘yung punchline sa dulo e. Pero wala, serious pala hehe.

    Dahil sikat ka naman, hindi ka na mahihirapan maghanap ng trabaho. Mukha mo palang, resume na!

  73. Kissy Says:

    akala ko nagibbiro ka ulit. naghihintay ako sa dulo ng joke lang totoo pala. Alam ko ang nararamdaman po gp. Nakakarelate ako. Buti ka pa dumating na sa iyo ang desisyon na iyan ako alam mo na nalalapit na ring dumating ang sa akin =)

  74. shayleigh Says:

    oh well, seryoso nga.. haaay!!! ganun talaga, darating ung time na kailangang sundin ang gusto ng puso… yala, sige…

    GOD bless GP sa iyong mga plano…

    dumaan na din ako sa ganyang sitwasyon at sa ibang sirkumstansya, gayunpaman, eto, patuloy pa din… hehhee!!! basta, goodluck and GOD bless po. :D

  75. greenpinoy Says:

    LOL Poli!!!! hahahha may nakalagay ng educational background sa noo ko LOL!!!

    kissy, walang biro :) at good luck din sayo!!! :)

    shay, kelan ba ako nagbiro?! LOL!!! maraming salamat!

  76. byter sa tambay Says:

    Parting is such a sweet sorrow. Minsan talaga mahirap bumitaw sa mga mga bagay na nakasanayan mo na, mahirap din umalis sa comfort zone natin. It takes a real courage and heart to gamble and to follow and do what you really want.
    Good luck to the new journey and congratz for having a real courage to do things you really want to do.

    ….Kapag tumibok ang puso wala ka nang magagawa sundin ito….wooohhh wooohhhh ohhhhhhh….tarantarantarann,….

  77. aKDa Says:

    waw. you’re brave. sana masaya ka na talaga sa desisyon mo. ako kaya, san ako tutungo? ^_^

  78. greenpinoy Says:

    salamat byter at akda!!! :)

  79. clare Says:

    hey tenks. tagal ko nang di dumaan dito, lalo ko tuloy na-realize andami nang nangyari sa buhay mo (at sa site)…

    congratulations sa kalayaan mo!! wahu!!! sarap no? ano na ginagawa mo ngayon? itinuloy mo ba yung plano mo sa photography? ay teka, tatawagan na nga lang kita…

    namimiss ko na kayo. bumalik na ulit yung pagka-busy pero magre-resign na rin ako (idol! haha!) within this week so may oras na ulit ako.

    mishyu mishyu!!! mwah!

    (shadamdada talaga!)

  80. greenpinoy Says:

    hahaha ang haba nyan clare! LOL :) kita kits!

  81. clare Says:

    namiss kita eh hahaha

  82. greenpinoy Says:

    naks naman hehehe

Leave a Reply