Si Bob Marley sa UP!

marley.JPG

Year 2000. College. Nag-uusap ako at dalawa ko pang mga kaibigan na itatago natin sa mga pangalan Ding at Dong (kasi sa totoo lang nakalimutan ko na mga pangalan nila ahehe). UP fair season non at napunta ang usapan sa mga bandang tutugtog. Hindi ko alam kung papano pero biglang napasok si Bob Marley sa usapan. Humirit si Ding.

Ding: Pare, balita ko magpeperform si Bob Marley sa fair!

Aba, humirit din si Dong!

Dong: Gago! Pano naman magpeperform sa fair si Bob Marley! Hindi Pwede!

Natuwa ako at at least alam ni Dong na hindi pwedeng magperform sa fair si Bob Marley. Pero may pahabol sya.

Dong: Ang mahal mahal ng talent fee non, di natin afford!

Ahahay BACKFLIP!

Leave a Reply