Poker Special

Nagpoker night kami ng mga kaibigan ko sa bahay ko. Syempre, ano ba naman ang poker night kung walang inom. Nang magutom kami (actually ng maubusan na kami ng pera ng isa naming kalaro), nagpunta kami sa kusina upang maghanap ng makakain. Dahil antok na (lasing lang!), napagtripan namin ang lahat ng pwedeng pagtripan sa kusina. At na-imbento ang POKER SPECIAL.

Ingredients ng Poker Special:

Isang latang turkey Spam
Dalawang itlog
Gatas
Catsup
Bacon Bits
Tequila
Hot sauce
Pineapple juice powder
Corn oil

Paraan ng pagluluto:

  1. Uminom muna ng tatlong buong basong gin-pineapple at kalahating litro ng Red Horse. Kung medyo may tama na, dun umpisahan magluto. Mas lasing, mas maganda.
  2. Batihing mabuti ang mga itlog. Pwedeng kamutin muna bago batihin.
  3. I-dice ang isang buong lata ng spam.
  4. Magpa-init ng oil sa frying pan. Ingatang mapaso ang mga kamay.
  5. Ipaghalohalo lahat ng mga ingredients sa pan. Pwede ring dagdagan ng konting patak ng pawis at konting talsik ng laway to taste.
  6. Tikman. Kung masarap, ihain at kainin nyong lahat. Kung hindi, ipakain lang sa mga hindi nagluto at sabihing busog ka na.

Buti nalang at masarap ang kinalabasan ng Poker Special LOL! Try nyo! :)

facebook twitter Google Buzz MySpace delicious