Pambara sa mga nagmamaganda!

Nakakilala na ba kayo ng isang taong nakakabwisit ang mukha? Yung tipong kahit tignan mo lang ang mukha nya e masisira na ang araw mo? Minsan hindi naman sila talaga panget pero hindi mo alam kung bakit ka nanggigigil pag nakikita mo sila. Siguro kasi kadalasan, etong mga taong to, ang aarte at nagmamaganda! Kaya ito ang sampung pambara sa mga kagaya nila!

*background music: Silvertoes*

1) Maganda ang mata

     Ikaw: Miss, ang ganda ng mata mo.

     Sya: Talaga? Thank you!

     Ikaw: Oo, sana mata ka nalang.

2) Ang makeup

     Ikaw: Miss, ang ganda ng makeup mo!

     Sya: Talaga?

     Ikaw: Oo, sang funeraria ka nagpagawa?

3) Pamilyar!

     Ikaw: Miss, parang pamilyar ka sa akin…

     Sya: Talaga? Pamilyar ang muka ko?

     Ikaw: Hindi. Yung hininga mo.

4) Ahit

     Ikaw: Miss, mag-ahit ka na.

     Sya: Ng legs?

     Ikaw: Ng bigote.

5) Kalamansi

     Ikaw: Miss, siguro kalamansi ang gamit mong panlinis ng mukha no?

     Sya: Bakit? Kasi makinis ako?

     Ikaw: Hindi, kasi parang naiwan pa yung mga buto!

6) Pretty

     Ikaw: Miss, ang pretty mo.

     Sya: Talaga?

     Ikaw: Oo, pretty ugly.

7) Anong pangalan ng nanay mo?

     Ikaw: Miss, anong pangalan ng nanay mo?

     Sya: Nena bakit?

     Ikaw: Ah, kala ko Browny.

8 ) Balbon

     Ikaw: Miss, balbon ka pala no? Swerte daw ang mga balbon!

     Sya: Talaga? Bakit naman?

     Ikaw: Swerte hindi naging unggoy!

9) Mabango!

     Ikaw: Miss ambango mo!

     Sya: Aaaaaw talaga?

     Ikaw: Oo, paborito ko ang amoy ng paksiw!

10) Mahal ka sa akin!

     Ikaw: Miss, Mahal ka sa aking paningin!

     Sya: Talaga? Parang ginto?

    Ikaw: Hindi, parang…*sabay kanta* You’re so cutie cute cute! Cutie cute cute! Cuuuuute!!!! Churi churi!!!

facebook twitter Google Buzz MySpace delicious