Kabibili ko lang ng MacBook noong isang buwan. Ang saya saya ko kasi ang ganda naman nya talaga. Lahat ng magagandang sinasabi ng mga taong meron nito ay totoo. Isa sa mga paborito ang screen nito na naknakan ng linaw!
Pagka uwing pagka uwi ko, excited kong binuksan ang Mac. Oh my pakin shiet holes, hindi gumagana ang I-Sight (yung webcam nya). So tawag naman ako sa center para tanungin kung bakit.
“Sir, OS version update lang yan! Dalhin nyo dito!”
So ako naman takbo ako agad ng center kahit alas nwebe na ng gabi. Ok naayos naman OS version upgrade. Saya diba? But no and behold! Makalipas ang ilang araw balik ang problema. Tae. Sinubukan kong idownload lahat ng upgrade na available. Hay walang nangyari. So punta uli ako ng center. Hassle daba? Kung ano ano kinalikot nila hay wala parin! So sabi ko palitan na nila. Syempre yung manager kinukumbinsi akong ipaayos muna. Hala hindi ako shunga LOL kabagobago paayos agad? To make a long story show, pumayag silang palitan ito. Yahoooo! Saya saya pinalitan (pero nagdagdag pa ako uli kasi ibang model ang available, pero ok lang at least wala ng problema).
O sige bago na ang MacBook. Anak ng tatlong kalabaw na walang gatas, makalipas ang isang linggo, paso ang bluetooth!!! Good luck naman! Pero sige pinabayaan ko na kasi ayoko ng mahassle na naman.
Eh nung Sabado, may shoot ako. Katapos ng shoot, tumambay ako sa isang restaurant upang dun magtrabaho habang hinihintay ang ibang mga greenies para manood ng Kulams. Ay madapaking MacBook shiet talaga. May dead pixel ang screen. Uminit na talaga ang aking ulo at derecho na ako sa center upang makipag suntukan.
“At this point I will no longer accept a replacement. I WANT A FULL REFUND!” yan ang sigaw ng lolo nyo! LOL! Syempre english para kunwari authoritative pero chika ko lang yun di talaga ako marunong LOL!!! At may drama pa pala akong ganito:
“This has been the worst purchase of my life!”
WTFOMGLOLIPOPZ! Pero there’s truth in that. Mahilig ako sa mga gamit gamit na umiilaw ilaw at tumutunogtunog, at lahat ng mga nabili ko ay talagang tumatagal. Hindi pa ako nasisiraan ng cellphone, ng camera (pwera yung videocam kong nagloko pero natakot ata kaya inayos nya sarili nya LOL), ng desktop at yung huling laptop ko, limang taon ang tinagal sa akin!
Ayun. I-rerefund na at babalik na ako sa Windows! Waaaaahooooooo!!!
Hello virus! LOL
Pero infairness to the people at Mac, madali silang kausap. At maganda talaga ang produkto, kaso nga lang, sobrang nadisappoint ako sa aking dalawang units na nakuha. Isipin nyo, brand new tapos sira agad? Ang sama lang sa loob talaga na wala naman akong magawa. Kung kumuha ako ng pangatlong replacement, maglalagi na sa isip ko na baka any time soon e papalya na naman.
Pero siguro nga malas lang ako at hindi tayo meant for each other MacBook baby, kasi yung ibang friends kong may Mac wala naman silang problema.
Kaya ayun. Matutupad na ang pangarap kong bumili ng HP Mini Note LOL!!!
Kaya paalam Mac. Hanggang Sabado nalang tayo magkakasama. Sayang, maganda ka pa naman. Tae ka lang.

Bumili ka na lang ng kick-ass na desktop computer tapos pakabitan mo ng gulong at battery na pangmatagalan.
Ganun nga talaga pag malas. Pero may duda ako dyan. Parang dito lang nangyayari yung mga MAC na tae, pede mo try bumili sa tate, diba? TATE tapos TAE na MAC. Bagay diba?
sayang naman, macbook ko 1-1/2 year ko nang kasama, wala akong problem, napaka happy ko.
as to the hp mini note, meron ganun yung isa kong anak–asti sya, pero pang student lang, hindi sya pang work.
is it too late to give it another chance?
LOL M!
marc, actually daming rants na nabasa tungkol dun sa sira nung akin, dito at abroad. medyo faulty ata sa ibang units talaga..
hi sexy mom! siguro nga talaga not meant to be pa haha i decided to go with a small one, pero aspire one yung kinuha ko kasi ang daming hindi magandang review din sa mini note, lalo na sa processor. pero ang ganda talaga nyang tignan!
so far im happy with it
hmmm give mac another chance? oo naman kasi gadget porn yung bagong mac book LOL tignan ko kung sa december e hindi na ako galit sa kanila hahahaha
Tuwa naman ako sa pamatay linya mo:
“At this point I will no longer accept a replacement. I WANT A FULL REFUND!â€
“This has been the worst purchase of my life!â€
Pang CINEMALAYA! Certified MAC-HATER ka na pre!
hahaha hindi pa naman. meron pa naman akong apple products hahaha
so na refund mo talaga ung pera mong pinambili ng MAC? how was it, ano procedures mo ginawa for that? nirequire ka nilang mag submit ng formal letter regarding sa refund of purchase mo? or verbal lang?