Kahapon pumanaw ang pinaka importanteng babae sa buhay ko. Ang babaeng nagbigay sa akin ng buhay at nagpalaki sa akin upang maging isang maayos na tao (sana…EMG!). Ang babaeng bumuhay sa anim na magkakapatid katulong ang aking ama. Ang babaeng nagturo sa akin ng halos lahat ng dapat kong malaman sa buhay. Ang babaeng pinagmanahan ko ng kalokohan. Ang original na Greenpinay, ang aking nanay.
Para sayo Ma, alam mong mahal na mahal kita at sobrang ipinagmamalaki kita. Ipinagmamayabang kita sa lahat ng mga kaibigan ko, at patuloy kitang ipagmamayabang. Habang buhay ako, buhay ang mga ala-alang iniwan mo. Hindi ka makakalimutan ng mga apo mong mahal na mahal mo. Hindi mawawala si Mama Pearl. I love you Ma. I will see you again.
Para sa lahat ng mga tumawag, nag-email, nag message at nagtext para ipamahagi ang pakikiramay sa akin at sa aking pamilya, maraming maraming salamat. Pinapagaan nyo ang kalooban namin.
Para sa mga nagpamisa kay Mommy, maraming maraming salamat. Alam kong ikatatuwa ito ng nanay ko. Nagsisimba yun e, di tulad ko
Para sa lahat ng mga bumisita dito sa bahay upang makita si Mommy, maraming maraming salamat. Hindi nyo alam kung gaano ako kasaya ng makita ko kayo, kahit papano, kahit sandali, nakalimutan ko ang bigat ng nararamdaman ko.
Para sa mga kaibigan nating nagbabasa at sumusuporta sa Greenpinoy, hindi muna siguro ako mag-uupdate ng ilang araw o linggo. Parang mahirap pa sa akin ang maging masaya sa mga panahong ito. Sana patuloy parin kayong sumuporta at andyan kayo sa aking pagbabalik.
Maraming salamat sa inyong lahat.
At muli, paalam, Greenpinay.

our condolences. rest in peace sa original greenpinay. nagtagumpay siya sa pagpapabago ng mundo sa pamamagitan ng pagpapalaki sa iyo. mabuhay ang mga inang tulad niya.
kudos to you mommy.
at sa iyo kuya jason, nawa’y patuloy mong gawing proud si greenpinay.
Nakakalungkot namang balita iyan. Please accept our heartfelt condolences. May the original greenpinay rest in the hands of the Lord.
Condolence….
condolence po
nadaan lang..
condolence..
condolence aming kaibigan…
condolence kuya…
Condolence, Greenpinoy.
condolence po kuya :’(
condolence, bro… ngayon ko lang nabasa… your mom is in a much better place now. up there, in heaven, im sure.
Condolence.
Know that she is in a better place now.
*hugs*
Condolence GP.
My prayers are with you and your family.
God Bless you.
maraming maraming salamat sa inyong lahat. kahit hindi ko pa nakikilala ng personal ang karamihan sa inyo, masaya ako at sinusuportahan nyo ako at ang aking pamilya sa mga oras na to. salamat!
hi GP. Naku ngayon lang ulit ako nakadalaw, malungkot na balita pa ata.
Accept our Condolences GP.. Kung nasaan man si Mommy mo ngayon, pihadong mas nasa mas maayos na kalagayan na sya ngayon ~
MYMP~ make your momma proud! *wenk*
condolence to you and your family…
condolence to you and your family.
condolence from the creator of mona mokong..and condolence from the tropa..condolence GP..
condolence sa iyo at sa family mo GP.
salamat sa inyong lahat. bukas na ang libing ni mom.
condolence po
condolence po
I am so sorry for your your loss.
condolence GP… you’ll get through this…
Nawa ay nakarekober na kayo sa pagkawal ng isang minamahal sa buhay.
condolence kuya.
sorry to say this ha, may toyo lang tong katabi ko,
sabi nya “happy condolence” daw.
maraming salamat sa inyong lahat
balik na sa trabaho, sana balik na sa normal ako soon.
pepang, sabihin mo sa kanya same to you
brad, malungkot na balita iyan, pero alam kong malalagpasan mo din ang lungkot, nasa dugo nating mga pinoy iyan!
paalam sa inyong ina, ang orihinal na green pinay!
condolence pare ko…hindi man tayo magkakilala, isasama namin siya sa dasal namin!
condolence po..
matagal n kitang napapnuod sa youtube and too bad ng nnkita ko ang blog mo eh sad news pa.
saludo kmi sa mama mo.
asahan mo ang wlang sawa naming pkikiramay
Condolence GP.
thank you sa mommy mo,at pinalaki ka niya.
isang saludo ng kulit at ligaya para sa kanya!
may she rest in peace.
maraming salamat sa inyo
condolence gp..kung wala si greenpinay, wala rin si greenpinoy (junior hehe)..
condolence po
im sorry to hear about your loss. i know she is in peace right now. may all of her loved ones be blessed.
condolence
sana ay bigyan kayo ng pamilya ng strength ni God para malagpasan ang mahirap na time na to
GP just checkin up on you bro hope everything is ok bro, ingat nlng parekoy
Nangungumosta uli. Sana ay Okay ka lang
GP nakikiramay ako kasama ng aking buong pamilya sa pagpanaw
ng iyong ina.
GP, and2 lang kame para sayo.. :), R.I.P. Mommy…
salamat mga peepholes
my deepest condelency to you and to your family…
may she rest in peace with God…
I am so sorry to hear about your loss, my deepest condolence…I am so proud of her, raising such a wonderful child sharing all the happiness he has to the community, and a producer of smiles to the depressed and the hurt. May God give you and your family peace in mind and strength in heart for it is said “To live is Christ, to die is gain” It means your mom is victorious! And I am happy for her for she has finished the race of life! Just keep on running GP! May God open the windows of heaven and pour out so much blessing upon you and your family, so much that you would even have to give it away! God bless you GP!
thank you guys
sana okay ka na ngayon. andun na mommy mo sa heaven, kasama si jesus.
losing a parent is one of the saddest thing to happen to anyone. my condolences to you and your family