Oh Tokyo!
Sino sa inyo ang nakakaalala sa palabas na to sa WINS?!
Dito sa opisina marami-rami ang nakapanood nito dati at sobrang aliw kaming lahat sa show na to dahil sa host nyang si Ellen Nishiumi!

Ibang klaseng host kasi tong si Ellen. Sobrang nakakatawa. Simple kung bumanat at mukhang hindi nya sinasadyang magpatawa pero hahagalpak ka talaga sa kakatawa.
May mga signature lines sya gaya ng:
“Sumimasen, kore wa nan desu ka?” (excuse me, ano ito?)
“Ito daw po ay <pangalan ng tinanong>. At ito ay nagkakahalaga ng 1000 yen, sa pera po natin ay mga 500 pesos” – ito parati nyang sinasabi, walang mintis. Lahat ng presyong yen gagawin nyang pesos!
“Mmmmmmm ang sarap sarap!” – with matching kilig face kung gusto nya ang pagkaing tinikman nya
“Mmmmmmm parang di kami magkasundo ng lasa!” – pag di nya nagustuhan! LOL!
At eto talaga ang episode na tumatak sa utak ko:
Scene: Nasa isang parang cat museum sya na kung saan may mga iba’t ibang klase ng pusa sa magagandang “bahay”.
So lakad lakad si Ellen, comment comment sa mga pusang magaganda at mga bahay nila.
Cut to: Nakakita si Ellen ng sphinx, isang pusang walang balahibo.
Ellen: Wow! Tignan po natin yung pusa, walang balahibo! Nakakadiri!
Ahahahahaha EMG talaga! Sabihing bang nakakadiri ang pusa sa international TV?! LOL!!!
Kung sino man sa inyo ang may video clips nito, padala nyo naman!
Sa WINS Channel: Ibalik si Ellen!!! Onegaishimasu!!!










ito yung fineature sa MMK dati hahaha. nakakatawa nga tong si Ellen na ito. wala ba sa Youtube?
parang wala sa youtube e sayang! hehe
o nga. asan na ba si ellen. nakakatawa pag sumasakay sya ng roller coaster sa japan, halatang hilong hilo na pero sige parin sa pagrereport.
“…eto na po, nahihilo na po ako!”
wahahahaha! nakanood din ako dati nyan sa cable. Naisip ko dati parang ang sarap ng buhay nya lamon ng lamon dun sa ramen museum
hahahahahahhaa LOL leyn! parang nung isang beses pumasok sya ng horror house hahahahaha sigaw sigaw sya tas paglabas gulo gulo buhok parang ginahasa LOL
istaipen korak lakas kumain!
bwahahahhaa;.. nanunuod kami nito dati!! peborit namen to..
may episode na nagfo-food trip sya, tapos nakakita sya ng hello kitty na cookie, kinagat nya at tinikman, sabay sabe ng
“HMMM.. MASARAP! LASANG PUSA!”
lol may flavor yung cookie
ahhahah
hahaha! naalala ko ‘to. sana may videos sya dito sa net.
hindi ako makarelate kasi wala akong napanood. ang kilala ko lang ellen ay yung nasa US,hahaha
halatang iisang lugar ang pinagalingan namin ni pokwang…di ko rin kilala si ellen…palibhasa ABS CBN lang ang channel na nakukuha sa mindoro nung di pa uso ang cable…hehehe
ayyy! labs ko yang host na yan! kaya ako nanonood ng mga japanese features noon, dahil mismo sa kanya!
bring her back, pls… ive stopped watching these shows nung nawala sha…
we want elllllleeeeen!
hello peeps! first comment ko to sa site… napapanood ko rin yan dati pero di ko nasubaybayan… sinubukan ko isearch at eto ang nahanap ko sa google…
http://74.125.77.132/search?q=cache:6yAZpVmI16YJ:www.wins-tv.jp/onlinetv.html
down ata yung site na http://www.wins-tv.jp/onlinetv.html pero nasa cache ng google… hanapin nyo lang ang oh! tokyo ii… live pa yung mga link ng videos! enjoy!
HAHA PABORITO KO TO gp!!! wiii
eto eto may mga episodes dyan!!
http://www.wins-tv.jp/onlinetv.html#no4
…update// ay syete down website nila NOO!!!!!!
haha ayun may naka cache pa!!!
http://72.14.235.132/search?q=cache:6yAZpVmI16YJ:www.wins-tv.jp/onlinetv.html+http://www.wins-tv.jp/onlinetv.html%23no4&hl=tl&ct=clnk&cd=1&gl=ph&client=firefox-a
i se save ko na to!!!! wiii
naadik din ako dyan. haha… natatawa ako pag sarap na sarap sya sa ramen at kung anu ano nyang kinakain.
i download na yan!!!! hahahahaha
hahaha langyang reporter
AMEYOKOCHO
Ellen: “Anu naman nagustuhan nyo dito?”
Babae: “Mura….hihihi”
lol nahati nabura
gp: tapos ko na madownload 7 episodes lang e I buburn ko to as DIBIDI!! ahaha
LOLZ pinapanood ko rin ‘to noong high school ako… aaminin ko, naadik ako sa programa nya..fave episode ko yung nag “field/food trip” sya sa pinaka lumang amusement park sa japan
minsan napanod ng nanay ko ‘to sbi nya mukhang nakapangasawa ng hapon at binigyan sya ng sariling show…asteg. hahaha
in fairness nakakaaliw sya at madami din ako natutunan tungkol sa kultura ng mga hapon sa programa nya.
aba! pinuntahan ko yung link na bigay ni johnlloy…buhay pa si Ellen! heheheh akala ko tuluyan na syang nawala at sa mga video archives nalang sya makiktia! totyal na sya ha mukhang ka-tie up na din nila ang TFC.
mukhang mapapadalas ang pagbisita ko sa WINS online ah…:))
naalala ko yung isang episode nito na nasa marketplace sya sa Japan. May nakausap sya na Japanese vendor. Hehe! nakakaintindi yung vendor ng tagalog kasi daw yung girlfriend nya Pinay. Tapos nakwento nung Japanese vendor na break na sila tapos naubos yung pera nya dun sa Pinay GF nya. hahaha
May isa pa syang episode na favorite ko yung nasa Sanrio World sya.
LOL mamen!!!! LOL
hahahaha
peborit ko din to!! channel 56 yta to sa skycable..hehehe..
ikura desu ka?
ang mahal naman nito!!
di rin ako makarelate…………
panahon pa ata ni mahoma ang palabas na yan eh…….
hehehe!!!
Sinubaybayan ko ang palabas na ito. Kabisado ko ‘yata lahat ng episdode nito. Hahaha! Miss ko na ‘to! Hehe!
Ilan pang mga quotes…
(Sa Fuji-Q Higland episode — pagkatapos sumakay sa malaking roller coaster)
Ellen: Mga kaibigan! Nanuyo ang aking lalamunan sa kakasigaw! Pasensiya na kayo at medyo tumutulu-tulo pa ang aking sipon!
(Sa Hato Bus Tour episode — pagkatapos kumain ng isdang mukhang bulate)
Ellen: Okay naman…mmmm….lasang isda! Mukhang…hindi ko kasundo ang lasa nito!
The best talaga si Eleanor! Lalo na kapag lumalamon siya, at pinapakita kong gaano kaganda ang mga CR sa Japan! Hehe!
ahahahahaahahah ayos!!!
Isang episode na hindi ko makakalimutan ay yung tinikaman nya ag isang cake:
Ellen : MMmmmm ang sarap ng chocolate cake… lasang chocolate!
Sa Sanrio World ay aliw aliw sya kay BAS BAS MARU (BATZ BATZ MARU)
suuuuuuuuuuuuuuuper faveeeeee ko xaaaaaaaaaaaa! panalo ung ang init-init pa ng pagkain, kakainin nia kagad tapos makikita mong tinatry niang magpakapoise pero sobrang luhang-luha na siya tapos fave ko ung episode na nasa may amusement park siya tapos andun siya sa horror house at puro sigaw lang siya nang sigaw. funneh ever. may isa pang host na nakakatawa… ung nagpunta sa may parang sesame street. ahahaha.
basta ito lang napapasin ko kay ellen…malaki appetite nia. haha
LOL! nanaalala ko to!!! naiiyak ako naalala ko tuloy childhood ko heheh. naalala ko pa dito hindi siya lagi yung host nh Oh Tokyo 3 ata sila, naalala ko ung mejo kulot na mahaba yung buhok pero linilipat ko kapag hindi sya yung host… ang lame kasi hehhehe.
linilipat ko kapag hindi si ellen ung host
@ john — haha oo xa ung ngpunta sa sesame street haha. ung isa naman ung singkit na naghohost dn sa learn japanese (tagalog to japanese)
natawa ako sa bas bas maru!!! LOL at sa batz batz LOL kasi bad batz ata yun ahehehe
hee =3
eto yung napapanood ko dati kasama ng japanese lessons, meron ako nung japanese lessons na yun parehong pareho nung nasa tv kaso ito wala eh. alam ko meron pang isang lalakeng hapon dun at babaeng hapon na nasa pinas nangkukulet. peborit ko non yung babaeng hapon naghahalo ng semento =D
“God created the world, and everything else is made in CHINA”
ibalik si Ellen!!!!!!
OMG! paborito ko din sya!! san sya pwede idownload?? share naman please!
hahaha peborit ko to dati. araw-araw pinapanuod ko episodes ng oh tokyo at siya rin peborit ko pramis.. bibo kasi sya at medyo nagagandahan ako sa kanya. hahaha
Kasunod ata nito dati raijin-oh.
i felt rili sad kc wala na c ellen! chineck ko ung site na binigay nyo, ksao wala na. nakakaaddict c ellen pramis! mas trip ko ung Oh tokyo 1, mas na nakaktawa ung mga episodes nya nung oh tokyo 1 pa. Kay ellen ako nainspire pumunta ng Japan last month! heheh! wish ko lng mgparamdam nmn sya sa mga fans nya!
Uy, dun sa mga nakapagsave ng videos dun sa site, paki-upload naman sa youtube please! Di na kasi gumagana yung site e.
masarap nga cya panoorin., kcng sarap nang mga fnfeature nla. kya kht paulit2 d nkakasawang panoorin. sna ipalabas ulit!
namimiss ko na si ellen. super. shes one of the reason bakit ako nag apply ng scholarship sa japan. gusto ko siya makita personally and have her autograph. naemail ko siya dati and she responded twice telling me to watch oh tokyo 3 na pinoproduce nila but the problem is wala akong cable sa dorm.
nakatelecast na ba oh tokyo 3 sa mga cables in japan? and i hope mapost nyo naman kung sino may copy ng mga previous episodes ng oh tokyo. im willing to buy a copy. i really miss those fun moments of ellen when she was tasting food, riding hilarious attractions,etc! onegaishimasu!
i-ba-lik si ellen i-ba-lik si ellen… protesta naming lahat
please lang poh sa mga merong episodes ni eleanor nishiumi…. Paupload po sa youtube. Domou Arigatou Gozaimasu…
haha nanunuod ako parati niyan hanggang ngayon natatandaan ko pa rin boses niya…
wahahahha favorite show ko yan at favorite episode ko yang sa cat museum! ellen nishiumi ftw! sana magrelease sila ng DVD nito. bibili ako!
eto ba yung show na may “MADAM TERRY” segment sa bandang huli — its about horoscopes.