New and Improved “Bawal Umihi Dito”

Nagbabago na talaga ang panahon. Dati, yung mga soap opera natin, puro sampalan at iyakan lang, tapos naging puro telenovela ng Mexico, tapos ngayon mga fantaserye na. Dati “tsinelas”, ngayon, “flip-flops”. Dati, “Bawal Umihi Dito” lang ang nakasulat sa pader. Ngayon, aba, parang nagpapatalbugan na sila kung sino ang makakapagpaskil ng pinaka creative na “Bawala Umihi Dito”. Gaya nalang ng ng isa ko ng napost, yung “Bawal Ihi, putol titi”. Aba, hindi ka nga naman maiihi sa takot nyan. At hindi lang yan ang nakita ko, gaya nalang nitong isang to:

aso.jpg

Hindi nya sinasabing bawal umihi pero siguradong hindi ka iihi dyan kasi pang aso lang yan. E hindi ka naman aso kaya hindi ka talaga dyan iihi!

E itong isang to, medyo mas matapangĀ at siguradong makukuha mo ang mensahe!

sir.jpg

O ayos diba? Gugustuhin mo bang matawag na makapal ang muka? Ako, titiisin ko nalang ang ihi ko kesa naman masabihan ako nyan! Ano kaya ang mga susunod pa nilang maiisipan? Abangan ang susunod na kabanata! :)

9 Responses to “New and Improved “Bawal Umihi Dito””

  1. trixielle Says:

    Haha mas maganda kung ” For girls only ” mas nakakahiya yun :P sigurado ako walang lalaking gusto umihi sa pader na may ganon unless baklush

  2. greenpinoy Says:

    hahahahahaha umihi ba sa pader ang babae? hindi nyo kaya!!! hahaha

  3. paolomendoza Says:

    yung pangalawang sign… mukhang effective

  4. greenpinoy Says:

    haha onga e. kasi hindi mapanghi sa parteng yun…yuck ahahahaha

  5. kennyjunkie Says:

    kaya mahal ko ang bansang pilipnas e! laging merong improvement!

  6. fox Says:

    Mag-suot nlng ng bayong habang umiihi…. bad joke! =)

  7. fox Says:

    Mag-arf-arf sa unang pader habang jumi-jingle…. bad joke! =)

  8. Poli Says:

    Astig niyan! Hehe!

  9. greenpinoy Says:

    hahahaha umuhi ba sa bayong?

Leave a Reply