Mga bagay na sinasabi sa atin noong tayo’y mga bata pa. « Oi! Greenpinoy!

Mga bagay na sinasabi sa atin noong tayo’y mga bata pa.

Hindi ko alam kung naranasan nyo ng takutin ng yaya nyo pag ayaw nyong matulog sa hapon o kaya’y pag mahilig kang maglalalabas ng bahay. Ako oo. Eto ang sampung bagay na nasabi sa akin ng aking yaya para ako’y paiyakin noong akong uhugin pa!

1) Kakainin ka ng wawak pag di ka natulog!

     Yung wawak e yun daw malaking bruha na may pakpak na kumakain ng mga batang hindi natutulog sa hapon. Sinong bata naman ang gustong makain non diba? Eh di tulog. Pero naisip ko noon, pano yung mga batang may pasok sa hapon? Siguro hindi kinakain ng wawak yung mga nasa school.

2) May dwende sa bakuran, wag kang maglalaro dun.

     Kung alam ko lang, ayaw lang nyang matapakan ko yung mga tanim nyang marijuana.

3) Matakot ka sa kumaw!

     Ang kumaw daw e isang tao na nangingidnap ng mga bata. Sa States eh ang tawag dito Michael Jackson. Ewan ko lang kung ano talaga ang trip ng kumaw pero sabi nila, kumkuha daw to ng dugo ng bata at ipinapatak sa mga bagong gawang mga highway para tumibay ito. Pakshet ahahahaha pero takot na takot sa kumaw noon.

4) Lalabas ang kanin sa sugat mo!

     Eto talagang hindi ko naintindihan kailanman. Kahit bata ako e alam kong hindi pwedeng lumabas ang kanin sa sugat. Ewan ko ba, marami talagang adik na matatanda.

5) Tutubo ang buto ng santol na nalunok mo!

     Medyo excited ako nung sinabi sakin to. Naisip ko ang cute magkaroon ng puno sa ulo. Diba? Tapos magkakaroon ng bunga, ng pugad ng ibon…saya!

6) Ampon ka at napulot ka lang sa tae ng kalabaw!

taengcow.JPG

     Ang sama talaga. Hindi ko alam kung anong gusto nyang mangyari at sinabihan akong ampon at napulot lang ako sa tae ng kalabaw!!! Gusto ko ngang sabihin kanya na sya yung tae.

7) Ako ang nanay mo!

     Ok, hindi nya ito sinabi pero pag ito narinig ko mula sa kanya, siguradong ako na ang pinakabatang nagsuicide.

8 ) Mas malakas ang babae kesa sa lalaki!

     Kasi daw ang lalaki lupapay na pagkatapos nagtalik, ang babae, hindi napapagod. Tapos ang etits daw nasasakal ng keps kaya mas malakas ang babae! Leche, anim na taong gulang palang ako noon kung ano ano na sinasabi sa akin!!!

9) Ang relihiyon ko ang pinakamahusay na relihiyon sa lahat!

     Hindi ko na sasabihin ko ano ang relihiyon nya pero sabi nya sila lang daw ang aakyat sa langit. Hanggang ngayon andito pa sya sa lupa, sinungaling sya.

10) Walang perang binigay ang nanay mo, wala kang baon!

     Eh alam ko hindi nakakalimutan ng nanay kong mag-iwan ng pera, kahit limang piso lang. Kaya pala tuwing hapon may coke siya.

20 Responses to “Mga bagay na sinasabi sa atin noong tayo’y mga bata pa.”

  1. Kissy says:

    hahaha lolz.. naalalako sabi sa akin nung nagkasugat ako, “Hala ka, may lalabas na tren diyansa sugat mo”. o kaya naman “hala may lalabas na pari diyan”. In fairness natakot ako nung bata ako kaya pinagamot ko yung sugat ko, pero habang ginagamot iniisip ko paano magkakasya ang tren o kaya ang pari sa sugat ko.. lolz..

  2. kennyjunkie says:

    ako naman sabi nung julalay nmin noon sakin: “taga capiz ako, kapag hindi ako natulog e kakainin kita.” juice ko nman! kahit hindi nya sabihin na taga capiz sya e talagang scary movie sya!

    pulot lang din daw ako sa tae ng kalabaw at latak lang ako (bunso kasi ako e and 10 yrs ang agwat nmin nung nauna sakin)

    at etong malufet: “nai-switch daw kme ni aiza seguerra sa nursery!”
    huwaat??? nanay ko si nanay karing???

  3. greenpinoy says:

    kissy: hahahaha mas adik ang yaya mo!!! tren at pari?!!? LOL

    kenny: hahahahahahahaha yung yaya ang nangain? LOL hahahha nanay mo si karing!!!!!

  4. Kissy says:

    hahahaha oo iniisip ko nga kung bebendisyunan ba ng pari yung sugat ko noon eh ahahaha

    yung isa naman pag ayoko magsuklay after maglaro, haang sasbaihin pag “hindi ka nagsuklay liliparin ka ng kuto”, deadma lang ako nun gusto ko kaya lumipad saka wala naman ako kuto paano ako liliparin nun adik…

  5. greenpinoy says:

    hahahahahahahahaha liliparin ng kuto! ang laki naman siguro ng mga kuto mo!

  6. kennyjunkie says:

    ung pagnalunok mo nman ung buto ng prutas..madalas butong pakwan..
    nag-iintay nman ako ng dahon na lalabas sa tenga ko wala nman e..
    kahit pakwan sa tiyan o sa pwet ko wala nman hehe ;P

  7. greenpinoy says:

    hahaha korak! ewan ko ba kung bat tayo tinatakot ng ganyan!

  8. Poli says:

    Tama ang 6 at 7 para sa akin! Hehe! Ngayon ko lang narinig yung 4? Pero natawa ako! Hehe!

    Ako naman tinatakot na ibibigay ako kay Raul–ang resident lasenggo/adik neighbor namin.

  9. greenpinoy says:

    hahaha oo o kaya sa neighborhood witch hahaha LOL

  10. nelo says:

    ako rin dati kapag may sugat..meron daw lalabas na tren. isang malaking kalokohan.

    pero mas ok na yan pananakot kesa pamamalo :D

  11. greenpinoy says:

    ang labo talaga nung tren!!! hahahaha

  12. trixielle says:

    HHAHAAHHAAAHAHAHHAHAAHAHAHAHAHAHHAAH
    ayos brings back ol memories.

    meron din kapag hindi ka nagpa kuto, kukunin ka ng wakwak tapos dadalhin ka sa bundok tapos kakainin niya ulo mo.

    BAHAHAHAHHAHAAH

  13. pau says:

    hahaha.. narinig ko na yang mga yan. lol. kaso pasaway akong bata eh. Hehehe. :P

  14. fionixe says:

    haha! :mrgreen: naku dito naman yung ‘manununupot’ ang pangtakot. tipong pag di ka natulog agad, kikidnapin ka, tatahiin yung bibig ng alambre, tapos isasako.. trauma yun!

  15. greenpinoy says:

    ahahahahah grabe talaga ang mga pananakot ng mga mashoshonda sa mga bata!!!

  16. nina says:

    sa akin parating sinasabi na ibebenta daw ako sa bumbay. kamusta naman yun?! pero alam ko kaya nya ko gustong matulog kasi nanonood sya ng anna luna at that’s entertainment tuwing hapon. kala nya ha. i’m not stooofid!!

    i bet hanggang ngayon ginagamit pa rin yan ng mga yaya all over the pilipins haha! ano yun, meron silang “yaya conference” para sa mga panakot na to? =p

  17. greenpinoy says:

    ahahahahahhaahahahahahahha ibebenta sa bumbay!!!

  18. reuel says:

    ang laki ng tae ng kalabaw no!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!……

  19. beau says:

    sa akin pag d ka natulog… kukunin ka ng gabi ng lagim….

Leave a Reply