Tanong: Bakit nahihiya ang biik?
Sagot: Kasi nanay nya baboy!
Tanong: Bakit nahihiya ang sisiw?
Sagot: Kasi nanay nya may itlog!
Tanong: Bakit nahihiya ang kambing?
Sagot: Kasi nanay nya may bigote!
Tanong: Bakit nahihiya ang bibe?
Sagot: Kasi tatay pag naglalakad kumekembot!
Tanong: Bakit hindi nahihiya ang langgam?
Sagot: Kasi magulang nya sweet.
Tanong: Bakit proud ang magulang ng pagong?
Sagot: Kasi bata palang anak nila, may bahay na!
Tanong: Bakit natatakot ang lamok?
Sagot: Baka maling dugo ang masalin sa kanya!
Tanong: Bakit magaling ang bangus?
Sagot: Kasi matinik sya!

bakit yung kapatid na sisiw, nahihiya?
kasi tatay nya walang itlog.