Manila Olympics, 2020
Kaninang lunch napag-usapan namin ng mga kaopisina ko ang opening ng Beijing Olympics. Hindi ko napanood pero ayon sa mga kwento nila sobrang ganda daw lalo na ang fireworks at yung torch lighting.
Hanggang sa napunta ang usapan na kung kelan maghohost ng Olympics ang Pilipinas! Ahaha naisip namin why not choknut? Kaya naman e!
Ang torch lighting e gagawin sa isang baranggay ng lahat ng bahay gawa sa ply wood at papel. Sisindihan ang mga kabahayan. Aerial shot: Olympic Rings.
Ganda. Taob ang scroll ng Beijing!
At meron pang maidadagdag na bagong sports gaya ng mga sumusunod:
1) Cross-country marathon ng walang tsinelas
2) Volleyball cum Ms. Gay Pageant
3) Snatcher Relay sa Quiapo
4) Kalabaw equestrian in rice field
5) Kanto Basketball
6) Yaya Badminton
7) Skeet shooting sa Mindanao
at marami pang iba! O diba mas bonggang bongga pa ang Olympics pag dito ginanap? Ahehehe
GO MANILA OLYMPICS 2020!

August 12th, 2008 at 12:03 am
[…] View post details at Greenpinoy […]
August 12th, 2008 at 12:10 am
well… in fairness.. I still love the Philippines. No one beats Filipinos. Kahit na mahal ang bigas…
August 12th, 2008 at 12:41 am
i think sa 2024 ang bid ng manila sa olympics.
serious.
he hehe.
August 12th, 2008 at 1:35 am
panahon ko na para sumikat… sponsor daw ang GP
August 12th, 2008 at 1:39 am
pasig synchronized swimming. kahit patagalan lang sa paglubog sa tubig.
August 12th, 2008 at 6:17 am
aba teka parekoy ayun sa aking pagsasaliksik asust! sa 2024 ung application sa bid.
wish ko lan!!!!!
—–nakakatuwa ung mga bagong sports mo!!!
—–taba talaga ng utak mo! IDOL!~!
August 12th, 2008 at 8:03 am
@ aga >> hindi lang utak mataba sa kanya. LOL
Labyu gp! mwah! :p
August 12th, 2008 at 8:54 am
aba masaya yan….dagdagan natin!
Marathon para sa mga bondat na pulis,
motorcycle racing ng walang helmet
…anu pa kaya?? hehehehe lol
August 12th, 2008 at 9:47 am
yaya badminton! hahaha! malamang nakasara ang lahat ng daan para sa event na ito… dagdagan ng triathlon sa baha. swimming, biking and running lahat gagawin para makatawid sa baha!
i lab the philippines!!!
August 12th, 2008 at 9:50 am
Tae natawa ako dun sa snatcher relay at sa kalabaw equestrian sa rice field… lol
August 12th, 2008 at 10:21 am
LOLZ!!!!!!!!! wow, magandang suggestion yun pre, sindihan ang mga sqaut for torch lighting! hehe! Pure, Pure evil plan! hehe! ano pbang iba sports ang pde sa Manila Olympics 2020!
August 12th, 2008 at 11:37 am
sayang nga rin di ko naabutan yung fireworks, sa mga entourage na lang ako umabot. bad trip kasing balita sa cnn na yan e, gabi pa pala ang opening kala ko naman umaga
August 12th, 2008 at 11:53 am
ahahaha. panalo din opening ceremony ng Beijing 2008 Olympics. Tinalo nito ang Athens Olympics 2004.
August 12th, 2008 at 11:58 am
2010-vancouver 2012-London
Philippines-?????? hhmmnn haha kelan kaya?
August 12th, 2008 at 4:22 pm
@Kulot >> sana makita fireworks sa umaga… lol
August 12th, 2008 at 8:02 pm
ahehehe go manila!!!
August 13th, 2008 at 9:27 am
haha antagal ko pinag isipan yung YAYA BADMINTTON.
August 13th, 2008 at 11:28 am
lol Axel! . dali ka kulot!.. hay_p ka Axel!! hahaha. pisss
August 13th, 2008 at 2:00 pm
ahahay!! ayos to!! synchronized swimming sa mga imburnal! woot!!
August 13th, 2008 at 3:39 pm
Wala bang gangsta fencing? Gamit ang basag na bote at mga sputnik, ahaha.
August 13th, 2008 at 9:18 pm
panalo yung sa snatchers! ahahahaha.. ang galing!
August 14th, 2008 at 12:03 am
ahahahaahah!! dang kulit ng mga bagong games nyo… wala ng makatatalo sa Pinoy…. heeheheheh!!!
August 14th, 2008 at 8:40 am
may long jump din satin
tatalunan mga di nakasarang imburnal sa daan!
yung kanto basketball may mga sasakyan pang dumadaan tas hinihinto hinto ung game! 3 on 3 lang pwede! wahahaha
pero ayus un kapag tayo ang host country! para 1st time na walang napanalunang medal ang host country! wahahhaa
i lab pinas! kthxbai!
August 14th, 2008 at 3:19 pm
tenks! di ka pumunta sa kasal!
btw office? may work ka na ulit?
kwentuhan mo ako sa email ha!
mwah!
August 14th, 2008 at 5:10 pm
Panalo yung kalabaw equestrian at ang opening! Hahaha!
Ia-add ko lang dito:
EDSA-hurdles (tatalunin ung mga bus)
Manila Bay Breakwater Diving (ang lumitaw ng buhay, panalo)
100-m dash sa Malabon (ang maka-lampas ng isang minutosa baha, world record)
Target-shooting, ang target sina Sweet Lapus, Ogie Diaz, at Keanna Reeves
Gymnsatics ng mga lasing at may beer belly.
August 14th, 2008 at 5:38 pm
Synchronized swimming sa Ilog Pasig! Pag-ahon nila may mga sabit-sabit na plastik sa ulo. Mas maraming sabit, mas mataas ang points.
Weight lifting ng sako ng semento sa pier.
August 14th, 2008 at 8:08 pm
ang host si Big Brother LOL!!!
August 15th, 2008 at 11:21 am
potek GP natawa ako kay big brother!! LOL!!!!
August 15th, 2008 at 11:24 am
paki dagdag ng ukay-ukay relay.
August 16th, 2008 at 1:48 am
ampzzz hayup sa events ang manila olympics….
dagdag din ako ng possible events di…
carabao dung shotput
bamboo javelin
tirador skeet shooting
badjao diving in manila bay
jolens golf
porter tug of war..
August 17th, 2008 at 11:20 am
hahahaha ayos!
August 22nd, 2008 at 6:00 pm
natawa ako dun sa snatcher relay at volleyball cum (hehehe) ms. gay pageant! classic!
August 24th, 2008 at 12:53 pm
hahaha
August 30th, 2008 at 9:21 pm
BONGGA nga. BONGGANG BONGGA rin ang mga MAMATAY dahil sa OLYMPICS na yan. hahaha
August 31st, 2008 at 12:12 pm
hahaha masasagasaan ng truck sa commonwealth LOL
September 23rd, 2008 at 11:56 pm
dagdag ko lang, gusto ko lang isipin yung mangyayari sa opening ceremonies…
may birit showdown sina sarah geromino, rachelle anne go, sheryn regis, jonalyn viray at si kyla. tungkol sa history of olympics ang ibibirit nila.
may song-and-dance number ang mga loveteams at nirerepresent nila ang history ng pilipinas.
-john lloyd at bea (negrito time)
-gerald at kim (indones time)
-maja salvador and rayver cruz (malay time)
-dingdong and marian (chinese time)
-richard and kc (muslim time)
-jericho and carmen soo (spanish time)
-ryan and juday (1896 revolution)
-sam and anne (american time)
-piolo and angel (world war 2)
-yasmien and jc de vera (martial law)
-tapos lahat sila sa 1986 people power hanggang present
may showgirls dance showdown sina amanda page, regine tolentino, vanessa del bianco, cherry lou, at si rachel lobangco. tungkol naman sa different sports na lalaruin sa olympics.
si manny pacquio (kasama ang kanyang entourage sa likod na ma hawak ng philippine flag) ang magbibigay ng athlete’s oath.
si charice pempengco (sa basbas ni oprah, celine dion, ellen, paul mcgrady, mga koreano, david foster, at andrea bocelli), ang magbibigay ng finale ng gabing yun.
mas gusto kong si toni gonzaga ang host ng opening ceremonies. si big brother ang voice-over.
September 24th, 2008 at 9:52 am
hahahahaha ayos!!!
September 29th, 2008 at 7:38 am
Wahahahaha!! Tawa ako ng tawa dun sa “Snatcher relay sa Quiapo”!!! Wahahahaha Lolz…….
September 29th, 2008 at 9:12 am
nyahahahaha