Makunat na Crispy Noodles

Mahilig ako sa Chinese food, kaya nung isang araw, kumain ako sa isang Chinese restaurant na itatago ko sa pangalang Luk Yuen, Magallanes branch.

Ang order ko, Crispy Noodles with Shredded Pork! Wow sarap! :) Ayun, sarap na sarap ako sa pag kain, malapit ko ng maubos ang pagkain ng may makagat akong medyo makunat. Kinagat ko uli baka naman makuha sa pangalawa. Makunat talaga. Inisip ko baka noodle lang na hindi nalutong mabuti. Kinuha ko mula sa bibig ko yung makunat. Anak ng crispy noodles, pagtingin ko sa nakuha ko, PALITO NG POSPORO!!! At hindi lang yon, nasindihan na ito! Hay buti nalang di ko nilunok!

Ayun kinausap ko yung manager. Tapos hindi na ako pinabayad. Yun lang LOL

13 Responses to “Makunat na Crispy Noodles”

  1. pot-pot Says:

    tanong:
    Anong lasa ng posporo? :D

    Lasang Noodles ba? kasi napasama na siya dun eh.. Tulad na lang yung Putamansi ni Priiiiiiiinceeee Artooooor.

    Anyway, Tagong tago yung pangalan ah, di ko yun mahahanap LOL.

    (pagpasensyahan ang maagang pambubulabog, tinatamad lang talaga ako pumasok! Student’s day kasi. kaya ayun. aha KJ na kung KJ, ayoko kasi gumastos :P)

  2. pb Says:

    nyahahahahahahahaha… ako nakakain na nun.. yung nasindihan nadin. kapag walang yosi, ok na ang posporo kaya nakakain ko. hahahahaha.. di po ako yosi ah… ibig kong sabihin eh hindi ako nakikigaya sa mga naninigarilyo.. me posporo naman eh. hahahaa….

    saya saya.. me case ako na parang ganyan. sa Teryaki Boy naman.. omorder ako.. malapit ko ng maubos order ko tapos napansin ng ate ko na mali yung inorder ko.. ayun. me panibagong order… bale 2 meal yung kinain ko pero 1 meal lang yung binayad namin. haha… simula nun di na ako ulet kumain dun. hehe.. mas masarap sa Ajisen Ramen… nyahahahahaha.. mahal nga lang.

  3. princearthur Says:

    peraps your put a posporo at noodles too eats the free meals?lolz!

    pb i pay to all your meals so eat on free!even ajinomoto ramen!lolz!

  4. kennyjunkie Says:

    baket ganun no? kung kelan paubos na ung pagkain saka ma-ddiscover na may anomalya pala ung kinain mo?

    hahahah!!! posporo!!! :P buti hindi mo nalunok my labs!

  5. greenpinoy Says:

    hahahaha yuck talaga LOL hindi sya masarap!!!!!!!!!

  6. jeckass Says:

    howaw! baka nga promo nila yung palito? parang golden ticket sa chocolate ni willy wonka..makapunta nga dun para makakuha rin ng free noodles..baka may mabasa pa ako sa palito: “Congratulations, you found the prize palito. You are entitled to win a free noodle.”

  7. greenpinoy Says:

    ahahahaahhahaha mga pakshet sila LOL

  8. princearthur Says:

    Peraps they is bankrupt when adds the lighter the matchtick the cheaper!lolz!

  9. greenpinoy Says:

    maybe LOL

  10. boneng Says:

    PERAPS!!!!

  11. greenpinoy Says:

    LOL, peraps, peraps.

  12. idotmatrix Says:

    hahaha! lol! natawa ako sa palito…buti na lang nasindihan na kundi baka nasunog ka…lol!

  13. greenpinoy Says:

    hahah yuck naman yon

Leave a Reply