Lashing Heroes Reunion Contest!

Oo! Gusto naming magreunion. Kaso yung isa sa amin, chumechever naman sa Singapore! Tignan nyo naman tong napakasaya naming litrato.

lashingheroes1st.JPG

Dito nagumpisa ang samahang Lashing Heroes (GP, GD, LV, CI) na lumago sa grupong Greenies. Aaaaw.

At dahil nagdradrama kami, magpapacontest kami!!! LOL!!!

Ang contest:

1. Tignan mabuti ang litrato sa itaas. GAYAHIN ITO (apat na tao lang) sa pinakamakulit na paraan na alam nyo! Hindi kailangan eksaktong eksakto pero dapat pag nakita yung litrato nyo, ang una naming maiisip ay “Aba! Parang ito yung litrato namin!” :)

2. Bawal i-Photoshop ang original na litrato. Kaya yung mga nagbabalak magpatong ng mukha, sorry LOL.

3. Ipadala ang entry/entries (oo, kahit ilan ang isumite!) sa lashingheroes@yahoo.com na may subject na “Reunion Contest”, kasama ang pangalan ng lahat ng nasa litrato.

4. Ang contest na ito ay mula ngayong araw hanggang November 7, 2008. I-aanunsyo ang nanalo sa November 8, 2008.

5. Ang mananalong litrato ay pipiliin ng mga Lashing Heroes at mananalo ng Php 1,000 GC at 4 na Greenpinoy Shirts (isang tshirt kada tao sa litrato)!

Ano ayos ba? Sali na!!!

Mabuhay ang Pilipinong Lasing!

facebook twitter Google Buzz MySpace delicious