Karamihan ng alam ko, natutunan ko sa banyo.
Nahuli ko si Bacheengoo sa banyo na nagbabasa ng dyaryo. Kaya pala ang tagal tagal na nya, kala ko tuloy na flush na sya.
Hindi ko sya pinagalitan, kasi ganon din ako. Parang hindi kumpleto ang pag-jebs kung walang binabasa. Sigurado kayo ganon din!
Naalala ko nung bata ako ang binabasa ko banyo pag natapos ko na lahat ng mga magazines o mga comics ko e mga labels ng shampoo, sabon, conditioner, toothpaste at pati balot ng napkin! Kaya ngayon tanungin nyo ako sa main ingredients ng shampoo e masasagot ko kayo haha Nung nagsawa na ako sa mga product labels e encyclopedia naman ang sinunod ko. Tapos galit na galit ang yaya ko kasi hindi ko binabalik sa lalagyan yung mga kinukuha kong libro. Kaya minsan, umabot sa limang volumes ng encyclopedia ang nasa banyo.
Malaki ang naitulong sakin ng pagbabasa sa banyo. Ang dami kong natutunan sa mga maiikling sandaling nag-iisa ako. Mula sa kalokohan hanggang sa relihyon, sa cartoons hanggang sa politika. Sa tingin ko nga karamihan ng alam ko, natutunan ko sa banyo.
Hanggang ngayon, ganon parin ako, mahilig magbasa habang naka-upo sa trono, pero syempre hindi na encyclopedia ang binabasa ko. Porno na ahehehe biro lang ![]()


May 28th, 2007 at 1:20 am
kaya pala ang daming magazines sa banyo niyo… tapos minsan may encyclopedia ata…
May 28th, 2007 at 1:22 am
just dropping by
May 28th, 2007 at 7:09 am
diba? ahhahaha banyo/library
May 29th, 2007 at 3:10 am
Iniipit sa “loob” ng diyaryo ang porno haha lolz. Dati naalala ko, may kapatid ang tropa ko, as in bata. Hindi namin mahanap yung sketch-notebook niya ng hentai. Anak ng tinapa, pagkatapos mag-CR nung bata, ako ang sumunod, at yun, natagpuan ko, nakalagay sa gilid malapit sa bintana, ang nawawalang hentai notebook hehehe.
May 29th, 2007 at 9:36 am
AHAHAHAHAHAHAH batang manyakis!!!!!
November 13th, 2008 at 8:47 am
jhxdh3gi1rag6750