Isang timba
Dear Grenpinoy,
Nais ko lang ipamahagi itong TRUE-TO-LIFE story na nangyari sa aking kaibigan dito sa opisina. Tuwing naaalala ko itong kwentong ito, lagi akong tumatawa - kesehodang mag-isa ako o sa harapan ng maraming tao na hindi ko kakilala - OK lang! Hehe.
Bagong gising si Dino. Pagkabangon nia, dumirecho sia sa tindahan sa kapitbahay - walang toothbrush, walang hilamos. Inaalimpungatan siang bumili ng coke pang-almusal - parang kape lang. Habang nagbabayad sia, may lumapit na batang namamalimos sa kanya:
Bata: (may dalang timba, inaabot kay Dino)
Dino: Anong gagawin ko diyan sa timba, hindi naman ako nag-iigib!!!
Bata: Kasi po….
…
Bata: …umaapaw ang kagwapuhan niyo eh!!!
Dino: (bumunot ng 20 pesos, sabay ibinigay sa bata)
Huwaaaaaw!!! Tambling!!! At ang bata, umuwi ng tuwang tuwa! Winner ang pickup line niya!!! =)
CRISSYTOT
———
LOL! Natawa ako sa buong sulat kaya nilagay ko lahat hahhahaa ang talino naman ng batang yan. Kung batang babae yan, may future maging GRO. Kung batang lalaki, may future maging scammer LOL!!!
Salamat Crissytots!

August 9th, 2008 at 11:33 am
ahahahaha!!! pasaway na bata! marunong mang-uto! bwajhahahhhaha!!! naniwala naman ung mama! lmao!
August 9th, 2008 at 11:50 am
aba kala ko matutulog ka na?! ahehehehe
August 9th, 2008 at 12:01 pm
[…] View post details at Greenpinoy […]
August 9th, 2008 at 1:06 pm
kaya pala sa tuwing may namamalimos sa akin, may mga dalang timba rin yung mga bata. yung isa nga may drum pang dala e. hindi ko naman sila tinatanong kung bakit, umiiwas kasi agad ako. bwahahahahaha!
August 9th, 2008 at 3:06 pm
panalo
yan muna ang masasabi ko, di ako makapagconcentrate na magbisita ng mga blogs
August 9th, 2008 at 4:07 pm
LOL jeck! sa akin tanke ng tubig ang dala!! wahahaha!
August 9th, 2008 at 9:19 pm
tangke ng tubig? yung isang namalimos sa akin, pinapunta pa ako sa la mesa dam. LOLOLOLOLOL
August 9th, 2008 at 9:41 pm
kala ko hubo’t hubad sya tas binigyan sya ng timba nung bata para takpan ang junjun nya hehehe lol
August 9th, 2008 at 10:11 pm
Naku, dapat pala palagi akong may dalang timba no? Para just in case makasalubong kita kung saan man, maibigay ko sayo! umaapaw eeeh! HAHAHAHA.
August 9th, 2008 at 10:53 pm
Ako naman nabubuisit kapag may namamalimos sa akin sa kalye, kaya lang bilang Kristiano lagi kong naiisip na ito ay mali. Kaya kahit papano nagaabot din ako ng kaunting tulong sa kanila. Nadikdik na kasi sa utak ko, “if you have done this the least of your brothers/sisters then you have done it to me…” Kaya sabi ko na lang, it is better to give than to receive. Awa ng Diyos marami ding blessings na dumarating kahit hindi inaasahan.
August 10th, 2008 at 7:51 am
Ayus! Parang pick up line lang ah. *LOLz*
August 10th, 2008 at 10:53 am
@Colegiala girl >> ang seryoso mo naman… hehehe… pero tama ka din..
@Jeck & Arhey >> hoy wag na kayong magtalo, ako dinala sa karagatan… lol
Ayos yan ah, kapangalan ng barkada ko yan ah… Siguro sa kanya sinabi yan… Baka hindi lang 20 pesos ibigay nun, baka bigyan nya ng 1,000 yun… Hehehe…
Kala ko din nung una, sasabihan siyang maligo na kaya may timba kasi namamaho na siya…. lol
August 10th, 2008 at 1:47 pm
ayos din nman ang banat nun bata.. marunong na mambola.. akala ko naman lumabas sya ng nkahubad…
August 10th, 2008 at 8:39 pm
si boy timba yang batang yan!!! LOL!
August 10th, 2008 at 10:12 pm
wahahaha… Oo nga noh, siya nga ata yan… lol
August 11th, 2008 at 1:27 am
(In furnace bumenta sa akin ito. Hahaha!)
Uy! Magandang gimik to ah! Ala-Charo Santos ang dating. Kung may segment kang ganito sa GP, aabangan ko ung mga misadventures ng mga readers mo.
Ako? Wala naman ako halos na funny moments eh. Hehehehe.
August 11th, 2008 at 3:40 am
@GP: matutulog na nga dapat… pero as i told u, inabot pa din ng 430am… bwahahahah!!! i can’t resist not to comment that night kasi.
August 11th, 2008 at 9:49 am
@arhey, axel at jeck…
WALA YAN SA LOLO KO!
August 11th, 2008 at 1:06 pm
buwahahaha! (tawang mangkukulam talaga?!)
gawain ko din iyan,minsan bibili ng shampoo sa kapitbahay namin..walang hilamos gulo gulo buhok..
pero buti nalang wala pang batang lumalapit sa akin para sabihin iyan..kase baka pag-aralin ko siya pag nagkataon..hahahaha!
August 11th, 2008 at 1:09 pm
Nice Pickup Lines!
Ehh, kng ganun lng pla mkakuha ng pera baka gwin ko din to sa lahat ng nka salubong ko! LOLZ!
August 11th, 2008 at 3:21 pm
@ Jeck, Arhey and Axel, tsk tsk tsk ang tindi ng pangangailangan ng mga nakakasalubong nyo. LOL
August 11th, 2008 at 6:43 pm
bata pa lang magaling na … mang-uto..
at yung matanda.. matanda na..
nauuto pa
hahaha
August 11th, 2008 at 8:46 pm
ayos may drum at tanke at la mesa dam pa kayong nalalaman ha. wala yan sa pacific ocean ko LOL
August 11th, 2008 at 10:36 pm
@arhey, jeck, axel at gp — sige, kumbinsihin nyo mga sarili nyo. hahaha. hanga na ako sa self confidence nyo. mantakin mo, nagiging ilusyonado kayo. hahaha.
August 12th, 2008 at 6:19 am
asust!!!!!

bwahahahahahaha
August 12th, 2008 at 9:45 am
@Pampoy >> ikaw ba hindi?? lol
@Antuken >> oi hindi ah… hindi ko kailangan yun… hehehe
August 12th, 2008 at 8:00 pm
LOL antuken!!!
August 13th, 2008 at 12:03 pm
Axel, a e napapagusapan naman yan.. Ano ba gusto nyong dalhin ko pag makakasalubong ko kayo?? wehehehe.
August 13th, 2008 at 2:07 pm
@ pampoy - ahhaha! wala sa pangangailangan yan.. sadyang nasa genes na namin to. wahahha!
August 13th, 2008 at 9:24 pm
ahhh… mahusay na bata.. prodigy! baka nag seminar yan kay __________ sa pambobola.. (fill in the blank ito, ayaw kong amg banggit ng pangalan baka masabunutan ako ng bonggang bongga! lol )..