Ingat sa ka sasabihin mo

Sa hirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon, pati pag se-salesman ng vacuum cleaner ay pinasok ko na.

Minsan, pumunta ako sa isang bahay sa isang barangay. Kumatok ako sa pinto… Isang malaking misis ang nagbukas sa akin. Pero bago nakapagsalita ang babae, inunahan ko sya. mabilis akong pumasok papunta sa sala nila para di na makatangi sa presentation ko. Katulad ng utos ng boss ko, binuksan ko ang isang plastic bag ng SM at ibinuhos lahat ng lamang tae ng kalabaw sa carpet. This was a technique taught to me in selling in order to get a massive and immediate attention from the buyer.

Sabi ko sa kanya w/ confidence: “Misis, pag di nalinis ng vacuum cleaner ko NGAYON ang mga tae sa carpet niyo, kakainin ko isa-isa yan!”, ang mayabang na sinambit ko.

“Gusto mo ng ketsup para diyan?” tanong ng babae.

Sabi ko, “Bakit po?”

“Eh, kalilipat lang namin. wala pa kaming kuryente.”

Ahahahaha anak ng tae ng kalabaw!!! At least libre na pananghalian nya! Ahehe maraming salamat kay Annazel para sa joke na to! :) 

5 Responses to “Ingat sa ka sasabihin mo”

  1. Pinoy-Am Says:

    ahahaha. pag minalas ka nga naman. natawa ako tuloy.

  2. kennyjunkie Says:

    kaya hindi ko pinasok ang sales e hahaha!!

  3. greenpinoy Says:

    hahaha kaya nga dapat yung yabang mo pwede mong i-back up pag asa sales ka ahahaha

  4. Kissy Says:

    eewww… buti na lang hindi ganito trabaho ko hahaha

  5. greenpinoy Says:

    ahehehe buti nalang ako rin hindi!

Leave a Reply