Ingat kayo.
Eto na naman. May panibagong banta na naman sa ating kaligtasan. Ewan ko ba kung bakit kailangan pang magkagulo-gulo. Kaya ayaw ko sa politika e.
Sa kampo ni Trillanes, alam kong napakaganda ng inyong hangarin, at ito ay para sa bayan, pero sana wag na tayong gumamit ng dahas para makamit ito. Mabuhay ang inyong mga hangarin. Pero hindi ang inyong pamamaraan.
Kay Gloria, bumaba ka na kasi. Gusto mo buhatin pa kita pababa ng upuan kung di mo maabot ang sahig.
Sa ating mga readers at lahat ng Pilipino, pasensya na at medyo seryoso ang Greenpinoy sa sulat na ito. Pero sa mga ganitong panahon, hindi ko maiwasang malungkot at matakot, para sa bayan at para sa sarili ko. Malungkot at natatakot ako para sa bayan dahil hindi na naman tayo ligtas, at maaaring may mga masaktan ulit. Malungkot at natatakot ako para sa sarili ko dahil baka nawalan na ako ng pag-asa, baka wala na akong magawa at baka nga wala na akong pakialam.
Ang magagawa ko nalang siguro ngayon ay umasa na wala ni isa sa inyo, aking mga kaibigan at inyong mga pamilya ang masaktan o mapamahamak dahil dito. Mag-ingat kayong lahat.
Mabuhay ang Pilipino. Mabuhay ang kapayapaan.

November 29th, 2007 at 6:49 pm
Sana nga hindi tayo mawalan ng pakialam at pag-asa.
November 29th, 2007 at 7:25 pm
susmaryosep GP kahahatid ko lang sa Epa ko sa pag-uwe nya jan…meron ba kameng dapat ikabahala?
November 29th, 2007 at 7:27 pm
Magiging maayos din ang lahat kung magbabago ang bawat isa sa atin. Hindi pulitika ang bumubuhay sa atin. Tayo ang bumubuhay sa pulitika.
Lucky number: 69, Lucky color: Violetish Light
- Madam Auring
November 29th, 2007 at 9:40 pm
sa tingin ko there’s is still more to come…
November 29th, 2007 at 10:32 pm
hala. tapos ngayon may curfew pa….
November 29th, 2007 at 10:56 pm
Ansaya siguro kapag may bouyband sina Trillanes, Guingona, tsaka si Lim… The Coup Pals…
November 30th, 2007 at 12:02 pm
text message received:
lessons learned from last night:
1. Kaya pala maglakad from makati RTC to Manila Pen!
2. Mas mabisa ang tear gas kesa baril at
3. Kasya pala ang tangke sa hotel!
November 30th, 2007 at 1:29 pm
haha masaya ako at hindi natinag ang sense of humor nyo!!!
mabuhay tayong lahat!
November 30th, 2007 at 1:45 pm
instant fan mo ako!
keep it coming!
November 30th, 2007 at 1:47 pm
salamat po!
November 30th, 2007 at 4:15 pm
natawa ako dun sa coup pals ah haha
November 30th, 2007 at 11:56 pm
amen sayo gp!!
taena..namangha talaga ako nang makapasok ang tangke sa entrace ng hotel!
December 1st, 2007 at 12:35 am
kenny my labs hahaha hindi sya nakapasok…pinilit ipinasok!!! mga gago talaga. pero tawang tawa ako dun sa anga angang photographer. napagalitan tuloy ng military. kuhang kuha sa video! hahaahaha
December 1st, 2007 at 11:20 pm
^ un nga e! hahaha tapos pinag-aaralan pa kung sino ang magbabayad ng mga damages sa manila pen hahahahah!!!
December 2nd, 2007 at 12:21 pm
hahaha hindi ba sabi ng manila pen sila na? baka sobrang mahal hahaha
December 3rd, 2007 at 8:32 am
im attacks hotel too for love to pb my loves!lolz!
December 3rd, 2007 at 10:50 am
why?!
December 3rd, 2007 at 8:33 pm
sabi nung isang friend ko, baka battlecry daw nina trillanes:
“we will fight as long as there is injustice, as long as there is corruption, as long as there are… five star hotels!”
heehee
prince arthur is backs! (jason, why? kasi adik!)
December 4th, 2007 at 9:18 am
why?coz thats are coopdetat of love!lolz!
December 4th, 2007 at 11:03 am
coop de eta…
jebs ng manukan…
(coop as in “chicken coop”, in-explain daw)
December 4th, 2007 at 4:45 pm
hahahahaha coopdetat!!!
December 5th, 2007 at 9:57 am
hay kaloka talaga si princearthur lol
December 5th, 2007 at 1:49 pm
hahaha mas kaloka sya kesa kay trillanes!
December 5th, 2007 at 7:20 pm
lolz!coz beauty on pb is drived to me crazy!lolz!
December 5th, 2007 at 9:09 pm
oh yeah. among other things!