I’m Bringing Sexy Bak(tong)!
Maswerte ang babae. Alam nyo bakit? Kasi may bra sila. Hindi sila nabibiktima ng baktong (maliban na lang kung sinlaki ng siniguelas ang mga utong nila at hindi kayang itago ng bra).
Sa hindi nakaka-alam, ang “baktong” ay pinagsamang “bakat” at “utong” na ang ibig sabihin ay…bakat ang utong.
Para sa aming mga lalaking hindi papasok ang tubo ng utong (sa ingles e “inverted nipples”), madalas kaming mapagtawanan dahil sa baktong.
Sa opisina, kahit may undershirt na ako, baktong parin ako (baka rin kasi masyadong maginaw). Tuwing casual Friday mas malala kasi madalas naka T-shirt lang ako. Akala nila parati akong tag-libog. Oo nga, pero parang hindi talagang indikasyon ng libog ang baktong, ang etits na bakat yun.
Hindi ko alam kung bakit laging matitigas ang mga utong ko. At lalong hindi ko ginugustong nakadisplay ang aking mga man-nipples. Noon nga naisipan kong lagyan ng band aid ang mga ito, pero naisip ko rin, kung undershirt nga hindi kayang maitago ang bakat, band aid pa kaya?
Nabubuhay ako ng may mga utong na nakatirik. Tanggap ko na na hindi na sila lalambot o mawawala, maliban nalang kung gupitin ko ang mga ito ng nail cutter.


May 26th, 2007 at 12:42 am
wag bandaid. scotch tape. wag nail cutter. ngipin.
May 26th, 2007 at 11:24 am
ay ngipin. kinky ahahaha gusto ko yan!
May 26th, 2007 at 3:15 pm
anu un? kulugo? tatanggalin ng nail cutter! aus!
May 26th, 2007 at 5:55 pm
haha nail cutter pala pantanggal ng kulugo?
May 27th, 2007 at 3:49 pm
Nyahaha! Ako rin baktong pero sabi naman nila cute raw?! Hehe!
May 27th, 2007 at 5:59 pm
wow buti ka pa ahehehe siguro maliit lang yung baktong mo ahehe
May 28th, 2007 at 10:11 am
Wow! Perpetual baktong hahahahaha!

May nabibili na nipple tape. Mura lang
Tsaka kahit naka-bra nababaktong parin
May 28th, 2007 at 10:39 am
nipple tape?!?!?!!? seryoso ka? gusto ko non!
May 28th, 2007 at 7:25 pm
Yes. Meron sa Bench. Mga 50-100 pesos lang yun. Promise, effective
May 28th, 2007 at 8:04 pm
ahahaaaaay makabili nga! nyahahaha
July 19th, 2007 at 3:30 pm
hahaha! may nipple tape pala talaga…ayos! uu nga noh malaswa kapag baktong ang lalaki..hindi maiiwasan sa opis yun kasi naka aircon eh
July 19th, 2007 at 3:44 pm
ahehehe ako kahit hindi malamig…LOL
August 8th, 2007 at 10:28 am
ang baktong… bow… eh, hindi pala!… STAND!
ayaw mo yon… kapag standing nipples eh ready na for the tongue’s delight! (bwahahahaha!)
August 8th, 2007 at 11:10 am
hahaha naughty naughty! ahaha