I Heart You, Starbucks!

Isang araw (actually kahapon lang), may isang lalaki (hindi ako to, promise) na nasa Boni High Street. Kumain sya sa isang restaurant kasama ang kanyang kaibigan habang naghihintay na dumating ang iba pa nila mga kachokaran (80’s ito!). Matapos kumain, naglalakad lakad ang mag kaibigan hanggang nauwi sila Fully Booked. Tingin tingin ng libro, basa basa ng konti ng biglang naramdaman ng lalaki na najejebs sya. Nung una di nya ito pinansin. Sabi nya sa sarili nya

“Sus, pagilan ko nalang. Aabot pa to sa bahay.”

Sabay dighay dighay nalang kasi naisip nya na baka maging UST (Utot Sabay Tae) pa, delikado na. Kaya pinilit nalang ng lalaki na isara ang pwet nya hanggang makauwi.

Ngunit sadyang malakas ang pwersa ng mga jervy. Hindi na kinaya ng sexy ass muscles ng lalaki ang pagpigil sa mga nagwewelgang morcon. Kaya nagpunta sya sa kubets ng Fully Booked sa third floor. 

Pag bukas ng lalaki ng pintuan sa banyo… OML! (Oh Mahabaging Langit!) walang tissue! Nag-isip ang lalaki. Tinignan nya ang kanyang bag para maghanap ng tissue kahit alam nyang walang tissue doon. Naisip pa nga nyang magpunta sa loob ng CR ng babae para kumuha ng tissue ngunit may narinig syang babae na nagsabing “Ay, walang tissue.”. Muling nag-isip ang lalaki. Desperado na sya. Papel nalang kaya galing sa notebook?! Shet tigas non. Yung brief nya nalang kaya? Shet may gimik pa mamaya! Wag na magpunas? EMG di pwede yun!

*KA-CHING!* (pasok giant bumbilya!)

May Starbucks sa tabi! Dali daling pumunta sa Starbucks ang lalaki at kumukha ng tissue, bumalik sa CR at nagpasabog ng lagim. 

starbucks_napkins

Hinding hindi naisip ng lalaki na ni minsan sa buhay nya ay mamahalin nya ang Starbucks gaya ng naging pagmamahal nya dito sa mga oras na yon.

Pagkahugas ng kamay, lumabas ang lalaki sa banyo.

Dumaan sa harapan ng Starbucks.

Tumigil sandali, ngumiti.

At nag beautiful eyes.

facebook twitter Google Buzz MySpace delicious