Ibang klase noong nakaraang linggo! Sobrang busy kaya hindi ako nakapagupdate ng tatlong araw! Bakit? Balikan natin ang lumipas na Byernes, Sabado at Linggo!
Byernes
Christmas party namin sa office. At imbes na party-partihan, minabuti naming mag outreach sa Philippine Orthopedic Center, para naman makapamahagi ang aming kumpanya ng konting kasiyahan sa mga nangangailangan. At dahil bago lang ako sa kumpanya, kasama ako sa organizing committee. Good luck diba? Ahaha sobrang busy talaga mula pa noong nakaraang linggo. Nakatayo na ako mula alas ocho ng umaga at alas nwebe na ng gabi ako nakauwi. Pero ok lang, maayos naman ang kinalabasan ng event at bonus pa na naimbitahan namin si Iza Calzado na talaga namang napakabait!
Sabado
So pagod pagod pa ako sa mga pangyayari ng Byernes, eto ka…545am ang call time namin para sa isang wedding shoot. Kaya alas kwatro ng umaga, gising na ako. @_@ LOL!!!
Isa na naman buong araw na nakatayo. Ngayon ko lang naranasanang magshoot ng ganito kahaba…natapos kami alas kwatro na ng hapon!!! Huwaw! Pagdating ko sa bahay, ayun…bagsak sa kama!
Linggo
Wala akong nagawa ng Linggo ng umaga dahil sa pagod mula pa noong Byernes kaya buong umaga ay nakaratay lang ako sa kama. Tapos pagdating ng ala una, nagpunta naman ako sa kasal ng aking kaibigan (CONGRATS ESPIE AT GEN!!!) at 7pm na ako nakauwi. Pagdating ng alas diyes, ayun, tulog ahahahaha
Ayun, antok parin ako hanggang ngayon hahaha pero I’m back! LOL!
Malapit na akong Pasko! Weeeeeteeeeeeew!
Merry Christmas sa lahat!!!

meri krismas GP…
namamasko po!!!!!!!
hahahaha ako dapat mamasko sayo lyzius! ahahahaha
ang tamad tamad mo wala ka masyado ginagawa!!
nga pla GP pareho na kyo ng hairstyle nun cnsbi ko syong kahawig mo d2 sa dubey..
jingle bells.. jingle bells…
hahahahah LOL yoj! baka ako yun!!!
tamad tamad mo naman… kumilos ka naman. haha. ayus yan, masipag…. ang masisipag na tao binibigyan ni santa ng gift o kaya pinapasaya ni santa. haha. anu ba gusto mo? close kami ni santa eh… sasabihin ko nalang…
hahahaha house and lot sana LOL
Sa wakas pahinga ka na rin GP!
Merry christmas!
magaasawa na yata si GP, masyadong masipag hehehe joke lang!
‘di ka naman inugat sa binti kakatayo?
happy christmas!
ansipag na employee..ahhhmm ma recomend nga.. heheh =)
hay bakit nga ba ang xmas bakasyon ay sobrang busy….dapat talagang bakasyon kasi bakasyon nga eh…kakapagod ang maglakwatsa!
hahaha oo magpapakasal na ako LOL sa lord. hahahahahaha naging pari!!! hahahaha
merry christmas sa lahat! malapit na! 2 days to goooo!
Maligayang pasko
maligayang pasko johnlloy!!!
good to see you back GP! ive been bussy the past couple of days aswell dami ako raket this month dami kasi nag papa party kaya dami kumukuha dj kya ayun tatlong araw ko ino organize buong crates ko,anyway before i forget, hope all of you guys have a safe holliday,meery xmas and a joyful new year to everybody,
happy holidays eycee!