Happy Second Birthday, Greenpinoy.com!!! (May Contest din!)

Matapos ang unang anibersaryo ng mga Lashing Heroes, susunod na ang anibersaryo ng unang pagkikita ng mga Greenies! :)

Ang nagumpisa sa isang munti salo-salo ay naging isang pagkakaibigang pang habang buhay!

Maraming maraming salamat sa inyo, mga Greenies! Salamat sa isang taon ng jokes, gimik, out reach, iyakan, asaran, ligawan, harutan at kung ano ano pa!

Meron isang video na ginawa si Ate Ayz bilang isang anniversary gift sa lahat ng Greenies!


 

At sa darating na April 11, second anniversary ng www.greenpinoy.com! :)

At para i-celebrate ang 2nd Anniversary, may pacontest tayo! 

Eto ang rules:

1) Kilalanin si BACHEENGOO! (Sino sya? Hanapin sa blog!)

2) Magsulat ng kwento tungkol sa kasaysayan niya! San sya galing? May magulang ba sya? Galing ba syang itlog? Sa Pilipinas ba? Basta ganon!

3) Yung kwento dapat hindi lalampas ng 300 words! Mas kwela, mas masaya! Mas original, mas ok!

4) Submit on or before April 11, 2009, 11:59pm sa oi_greenpinoy@yahoo.com.ph na may subject na “ANG BUHAY NI BACHEENGOO”

5) Ang mananalong entry ay makakatanggap ng gift certificate mula sa SM :) Magkano? Secret pero malaki! Ahehehe

Ayos ba? GAME NA!

facebook twitter Google Buzz MySpace delicious