Due to Consistent (wahaha) Public Demand!

You know the drill! Ituloy nyo ang uumpisahan kong kwento! :)

Minsan May Isang Blog

(Ang kwento ng pag-ibig nina PA at PB)

Sa isang blog sa internet nagkakilala ang ating mga mag-irog. Ang maganda pa rito, hindi ito isang dating blog o love blog. Isa itong patawang blog. Kaya naman siguro madaling nahulog ang loob ng isa’t isa dahil meron na kaagad silang something in common, ang pagmamahal sa mga bagay na katawatawa, kagaya ng mukha ng ating bidang lalaki, si Prince Arthur, Prince of the Internets.

Kilalanin natin si Prince Arthur.

Si Prince Arthur ay isang kabayo…

Kilalanin nalang muna natin si PB.

-ituloy mo na!-

112 Responses to “Due to Consistent (wahaha) Public Demand!”

  1. damdam Says:

    si PB ay nakatira sa isang natatagong palasyo sa malayong lugar. Sa sobrang layo nito sa siyudad ay nangailangan si PB ng internet para makisalamuha sa mundo. at siya ay nakisali sa pag gawa ng blog. Mula noon ay nagbago ang kanyang buhay.

    Mahaba at makulay ang buhok ni PB. katunay, mapagkakamalan mo syang sarimanok na nagkatawang tao. Pero pag sya ay galit akala mo ay si madam auring na naging bata.

  2. greenpinoy Says:

    Kaya bagay na bagay sila ni Prince Arthur. Isang kabayo, at isang sarimanok.

    *background music: Perfect Combination*

    Balik tayo kay Prince Arthur. Hindi sya totoong prince, sa totoo lang, pulubi sya na tambay ng internet cafe. Magaling (o weirdo) lang talaga ang imahinasyon nya at ang kanyang ingles kaya’t sikat sya sa internet. Pinapalabas nyang isang syang Prinsipe kaya may mga babae syang nagogoyo.

    Magaling magpaiyak ng babae si Prince Arthur. Pagdating kasi ng eye-ball, walang ibang magawa ang mga babae kundi maiyak nalang sa kanilang nakita.

  3. kennyjunkie Says:

    at minsan kung hindi naiiyak ang mga babaeng nakaka-eyeball nya..e bigla na lang sila nagssuicide sa hindi malaman na dahilan. at nag-iiwan na lang sila ng suicide note na nakasulat na:

    “suicidal is when my life is over.”

    maraming talent si prince arthur. tulad ng pag gawa ng mga poems, kaya sya ay isang poet, sa bisaya. photographer din sya, pero buti na lang at nasira ang camera nya. isa rin syang model. model ng musel. tulad ng talaba, tahong at iba pang lamang dagat. at higit sa lahat: isa syang english teacher. at take note ilang beses pa syang nag advance classes sa english. para ma-impress ang mga babae nagugustuhan nya.

  4. clare Says:

    Malakas ang fighting spirit ni Prince Arthur. Malakas din ang tadyak niya, (sabi mo nga kabayo) kaya, kahit may mga ibang lalaki na nais saklolohan ang mga babaing napapaiyak niya, natatalo niya ang mga ito.

    “I am the prince of the internets!” ang palagi niyang sigaw. Mistulang titulo na nagpapatunay ng kanyang galing sa pag-inggles, pagpapaiyak, at pangungulit. Kasama na rin diyan ang self-declared ADHD niya.

    Ngunit lingid sa kaalaman ng readers, malungkot si Prince Arthur. Para sa kanya, kulang pa ang buhay. Isa lamang pagkukunwari ang kaniyang plural sentences at exaggerated exclamations.

    Sa dami ng babaing kaniyang naka-eyeball ay hindi pa rin siya kuntento. Hindi pa niya nakikita ang kaniyang true love.

    This is really is it. Sabi nga nila.

  5. princearthur Says:

    but is secret is prince arthur the disguise of tambay. prince arthur awsome ninja asasin on truth…

  6. princearthur Says:

    on night his jump in roof tops to town looks the enemy ninjas of evil!lolz!
    but middle the mision his log the internet and look the picture of pb in inspires and give the strenght coz prince arthur awsome ninja warior asasin fight on love and justice!lolz!

  7. greenpinoy Says:

    Oo, sadyang ganyan si Prince Arthur, minsan kabayo, minsan prinsipe, minsan model, minsan ninja. Kung magiging ano sya e depende sa dami ng usok ng katol na nahithit nya.

  8. princearthur Says:

    than pb is the colorful hair girl in far kingdom.

  9. princearthur Says:

    one day pb is sings song on magical roof tops and gold sun on his head.
    coz dragons is goes fly at the skys…

  10. greenpinoy Says:

    “Somedaaaaaaay my prince will come! Sommmmmeeee daaaaaay my prince will come!” kanta ni PB.

    “Hoy! Kanta ko yan!” sabi naman ni Snow White.

    “Alam mo mahadera ka talaga kahit kailan Snow. Pabayaan mo nga si PB!” sabi naman si Cinderella.

    “Mga pakshet kayo tumahimik kayong lahat dyan natutulog ako!!!” angal ng nadistorbong si Sleeping Beauty.

  11. jimg29 Says:

    “Tulog ka kasi ng tulog, punyemas! Tignan mo’t huli ka na naman sa balita.”

    “Pulos disney cartoon bimbettes na ang umeepal sa blog-love story na ito.”

    “Oooonga…pero aliw di ba che?” Buong mundo’y hagalpak sa kaka-tumbling.”

    “Hoy jimg29 sino bang kausap mo?”

    “Sino pa eh di si PB, pinapaalalahanan ko lang na wag syang padala sa matamis na dila ni PA, dahil kagaya ko rin ang kumag nayan, matinis din ang boses… maluluma si LIZA MINNELLI

  12. greenpinoy Says:

    “Pero wala tayong magagawa, pag-ibig na yan.” sabi naman ni Mura na isa pala sa mga seven dwarfs.

  13. jimg29 Says:

    “Ungango ka pala eh!”, mabilis namang sabat ni Blakdyak, isa paring dwende.

    “Di sila gumaya saken, dwendeng charing, pumatol sa Hapon, ibinahay at binigyan ng maraming datong.” dagdag pa nito.

    “San naman kaya sila pupulutin kung paiiralin lang ang pag-ibig, Diyos ko Day, wakes up and smells the horsepoop”

    “Balik sa jebs ng kalabaw?…atubiling sagot ni Mura.

  14. jeckass Says:

    Walang anu-ano’y may bumulusok na dragon sa roof tops! Bigla nitong dinagit si PB at tinangay papalayo. Nagsigawan ang mga duwende at mga prinsesa sa paghingi ng tulong. Inilipad ng dragon si PB sa isang malayong isla.

    “Tsaylangan natsing omuha ng tsulong,” suggestion ni mahal na isa rin sa mga duwende.
    “Oo nga,” sabi naman ni Dagul.

  15. marvin Says:

    kurikuri! kurikuri! kurikureko! yun ang ingay na narinig ng mga characters na hanggang ngayon ay in state of shock pa rin dahil sa pagkakadagit ng dragon kay PB.. “it’s a bird!” “no! its a plane!” “OH! itssssss……!!!!!” “KOKEY!”

  16. shayleigh Says:

    Mabilis na kumalat ang balita ng pagkadagit ng dragon kay PB at hindi ito nalingid sa kaalaman ni PA.

    Dali-dali siyang nagbihis ninja at nag-log sa internet to track the dragon. Inaalam niya ang kulay nito dahil napag-alaman niyang depende sa kulay ng dragon ang kapngyarihan nito. Nais na niyang manginig sa takot at magpalit anyo as Petrang Kabayo ng malaman niyang pulang dragon ito. A red dragon which is known to be fierce, wise and magical.

    Subalit hindi nagpadaig sa naramdamang takot si PA… lumulukod sa kanya ang matinding pagmamahal kay PB at ito ang nagbigay lakas at kapangyarihan sa kanya…

    Feeling shinigami na pinuntahan niya ang bundok na pinagdalhan ng dragon kay PB. Isang bundok na kinilalang Mount Buntis o Bundok ng Susong Dalaga…

  17. jeckass Says:

    Gamit ang wand na dinekwat pa niya kay Harry Potter, sinuong niya ang bundok na sa unang kwneto ay malayong isla. Dinala niya rin ang anting-anting na minana pa niya sa kanyang Fairy Godmother.

    “Ims going to resque PB my loves, waits four me!”

  18. jimg29 Says:

    “Oyabak g najnin deio…oyabak g najnin deio”… sigaw at taghoy ni P. Arthur habang ikinukumpas ang mahiwagang wanda. ” Ipakita sa ken… ngayun den… kung nasaan ang PBing mahal”

    At biglang bumukake ang lupa. Gumuho ang Bundok Susong Dalaga at nagmistulang tuyot na pasas (animoy utong) sa gitna ng pagsinghal-apoy ng pulang dragon.

    Natambad si PB, na di malaman kung tuwa o asar ang nakaguhit sa mukha.

  19. greenpinoy Says:

    “Eh sino ka naman?!” iritadong tanong ni PB kay PA.

    “Me is the Prince Arthur, Prince of the Internets!” mayabang na sabi ng prinsipe. “And you will marrys me and be my princess PB!”

    “Namo.” yun lang ang nasabi ni PB at tinulak nya si Prince Arthur sa bangin.

    “Wow! She play hards to gets!” nakangiting sabi ni Prince Arthur bago sya bumagsak sa sahig ng balong malalim.

  20. Kissy Says:

    “Hard to get huh” ang sabii ni PB
    “Peraps I need to renews myself and be the kings of kings of internets for my princess so that she will be my queens” ang sabi ng prinsipe
    “My princesss, my PB’s where are you, Prince Arthur is heres to saves you”
    at hinanap ng Prinsipe ang Prinsesa.

  21. shayleigh Says:

    Subalit mabilis ng nakalayo si PB… dahil mahusay na manlalangoy ay natawid niya ang katabing baryo ng islang pinagdalhan sa kanya ng pulang dragon. Hindi niya lubos maisip kung sino ba ang Prince Arthur na sumaklolo sa kanya. Lalo pa’t sinadya niya namang sumama sa dragon upang malaman kung sino ang lalaking mamahalin niya.

    “OMG, nakakainis ang lalaking iyon na bigla na lang sumulpot. The red dragon was about to tell me the name of my Prince,” himutok pa niya habang binabagtas ang daan papasok ng baryo.

  22. jimg29 Says:

    Talagang may power si PA dahil bago palang bumagsak sa bangin ay mabilis na nag-esprikitung at esprikitang para sagipin ang sarili.

    “Niyeheheheheh…” ang kanyang halinghing. “PB my luvs don’t be mads”

    “At sinong di maiiinis sayo Prins’peng Arturo, ang bayag-bayag mong umeksena” sigaw ni PB sabay hagupit ng latigo.

    “Napanis na’ng byuti kuh ledesma sa kaka-weyt sayo. Mabuti pa’ng dragon na shumanghai saken, talpak ang lipad” dagdag pa niya.

    “Sso will you marriages me?” propose ni PA.

  23. greenpinoy Says:

    “Ano kasal agad?!” sigaw ni PB.

    “Why of courst! Then sexy time!” masayang sabi ni Prince Arthur.

    Lumapit si PB kay PA at hinawakan nito ang magaspang nyang mukha, tumitig sa mga mata nyang mala-kwago at sinabing…

    “Tumae ka muna ng gold.”

  24. clare Says:

    Asar na humarap si PB kay PA na akala niya nahulog sa bangin at nahabol pa siya sa baryong napuntahan niya. “Ano ka ba ha…hindi ikaw ang prinsipe na hinihintay ko!” sigaw niya nang biglang dumating ulit ang pulang dragon na hindi naman tinalo ni PA talaga…

    “Red dragon! Sabihin mo na sa akin kung sino ang prinsipeng mamahalin ko!” Sigaw ni PB. Nag-buga ng apoy ang dragon, umungol, at nagsimula, “PB ang prince charming mo ay si…”

    Biglang may sumipa sa dragon mula sa langit! Si Prince Arthur pala na naka-ninja suit pa rin. Nahulog ang dragon sa lupa at bago pa ito bumangon ay kung anu-ano nang hex ang ibinato ni PA sa dragon, lahat turo ng fair godmother niya. Karamihan ay mali kaya napabilis ang pagkamatay ng dragon.

    “Tigilan mo iyan, hangal!” sigaw ni PB sabay takbo sa kinaroroonan ng dragon. Nakahilata at lawit ang dila ang naabutan niyang magical beast.

    Bumaba si Prince Arthur sabay yakap kay PB, “You are safe now, my labs.”

    Itinulak siya ni PB. Parang naiiyak na siya.

    “Downt you knows? We are meants to be togetehr forever! Izz in the stars! ” Itinuro ni PA ang langit at dun nakita ni PB ang mga tala, “PA heart PB forebs.”

  25. frozensoul Says:

    “magaling! magaling!”

    ang sabi ni mahal na sumunod din pala sa kanila.

    “at balak mo pang agawin sa akin ang aking prinsipe arturo?”

    “una siyang naging akin!” sigaw naman ni mura na humabol din pala.

    gwapong-gwapo ang feeling ng ating mahal na prisipe ng internets na pinag-aagawan na ng mga lamang-lupa. este dwarfs pala. iwinagayway ang mala-steel brush na buhok gaya ng commercial ng shampoo.

  26. shayleigh Says:

    “i’m sorry guys, i can not loves you, coz my heart of hearts belongs only to PB my luvs…” ang sabi ni PA sa dalawang kutong lupa habang hinahadlangan silang makalapit kay PB.

    “no, i can not permit this PA, we are meant for each other,” ang sigaw ni Mahal.

    “ano bang pinagsasabi mo babaeng ngongo ka,” at nagsabunutan ang dalawa habang habol naman ni PA ang nagtatakbong si PB.

  27. jimg29 Says:

    Parang dream sequences ang mga kaek-ekang ito, di nyo ba pansin parang dalawang versions ng panaginip, isang sweet dream at ikalaway bangungot.

    “Kaya mamili ka!” hamon ni PB. “Golden Jebs or Sakal-sakalan”

    Nangamot ng pwet si PA, siya naman ngayon ang na-onda spot. At madali naman siyang nakapagpasya. Parang maliwanag na bombilya sa ibabaw ng ulo nya.

  28. idotmatrix Says:

    da unwanted dwafs are here? dey reli pak up mah shets end mah luvs to the PB! y y y? PB my precious one!

    pak op prinsipeng galisin! hindi ko type ay may kurikong? leche kang hinayufak kang bakulaw ka! hiyaw ni pb.

    feeling da wrath of princess pb, prince arthur yelled back, “yu shets me two? eye wheel nevah evah evah abandons mah luvs pore u!” eye wheel cross da oceans a fart end torn eat buck toe wan! luhaang sigaw ni prince galis.

    tang inis mo na lang kurikong! kala mo papatulan kita? manigas kang ulikba ka! bulyaw ni princess pb.

    nagmumuni-muni si prince galis kung hahalikan na ba nya si princess pb o tatadyakan. sa loob-loob ni prince galis, “u pb wheel all sew reciprocate mah undying lobes…way beyond mah ears, his ears, ur ears end wateber errie tots eye may heave!

    tigidig, tigidig…kamot pwet…

  29. frozensoul Says:

    “aha! than intellegents of PA greats of all! me prince of internets is knows of what to do..” parang isang bagong repair na inudoro sa bilis ang pag-iisip ni PA.

    napagtanto nya na para makapag-ebak ng golden jebs ay kailangan nya rin kumain ng gold - gold na tae!

    kaya ang ating bida na suot-suot pa rin ang kanyang ninja suit ay dali-daling naglog-in sa internet para magsaliksik kung saan makakakuha ng mga ginintuang jebs.

  30. jeckass Says:

    Sa kasamaang palad, walang nakita si prince arthur ng makakaing ginintuang tae. Dahil sa kabiguan naisip ni PA na isantabi na lang ang kanyang pag-ibig kay PB. Binuksan niya ang TV at nag-relax na lang. Subalit nakita niya sa palabas ang marubdob na pagmamalan ni madam auring at ng bf niya. Nainggit siya sa kanila at nasabi sa sariling: “Impassibleness is nutting!”
    Biglang umappear sa kanyang harapan ang nagliliwanag niyang fairy godmother na kamukha ni mother lily.
    “Nasa Quiapo ang solusyon sa problema mo.”
    “How how de caravao me goings to eat golds to Quiapo”?
    “Gayahin mo lang ang mga snatcher…cher..cher…cher..cher.”

    Noon din ay naglaho ang si FGM.

  31. jeckass Says:

    Dali-daling nagpalit ng costume si PA. Pumunta siya sa Quiapo at pinanood ang mga snatcher.

    “Eats veri easyness. Aym justs going two snatch neklesses end eats them!”

    Nang makakakita ng prospect ay mabilis na tumakbo si PA. Hinablot ang isang kwintas sa aleng naglalakad. Dahil sa kapangyarihan ay mabilis na nakatakas si PA. At sa isang eskinita niya nilulon ang gintong kwintas.

    “Ims goings to PB end show hair ims going to depecate golds! Lolz! Lolz! Lolz!”

  32. shayleigh Says:

    Dali-dali ngang hinanap ni PA si PB na sa mga oras na iyon ay nag-iikot sa salagintong kaharian…

    “PB my luvs, here i am to offers you the golden jebs,” maramdaming bigkas niya.

    Shock si PB dahil di niya inaasahang makakahanap si PA ng golden jebs. Kaya natulalang pinanood na nga lang niya ang pinaggagawa ni PA na ng mga sandaling iyon sy humahanda na sa pag-jebs.

    “ppprrrrrrrrtttttttttt….” ang matunog na pag-jebs ni PA sabay labas ng makremang malagintong jebs niya.

    Diring-diri sa nakita si PA.

    “Hinayupak ka talagang lalaki ka… hindi basa ang hanap ko na GOlden Jebs!!! Nakakadiri ang GOlden Jebs na yan. Ayaw ko niyan!!!” ang nagsisigaw na singhal ni PB kay PA.

    “But my luvs, you asked for GOlden Jebs and nows that i provides it to you, you don’t like it? What do u want me to do?” ang naiinis ng tanong ni PA.

    “Ewan ko sau… ayaw na kitang makita. layuan mo na ako,” at tinalikuran na ni PB si PA.

    Naiwang nag-iisip si PA, paano nga ba niya magagawang hindi basa ang jebs nya. Naisip niyang kumain ng saging…

  33. kennyjunkie Says:

    Ngunit wala syang makitang saging sa kaharian nya. dahil kinain na ito lahat ng mga tauhan nyang flying monkeys. dahil matalino si PA at magaling makagawa ng paraan para sa kanyang pinakamamahal na si PB, nagdepecate ulit sya ng golden jebs..at dahil basa ito at gusto ni PB ng dry na golden jebs, ang ginawa ni PA ay binabad sa arawan ang golden jebs.

  34. princearthur Says:

    and suns shines the gold jebs and gold jebs becomed gold brick and hansome hero prince arthur is builds big big gold castle in gold brick!

    meanwihle pirate ships float distance on beach…

  35. frozensoul Says:

    ang pirate ships palang ito na lumulutang sa buhangin ng beach ay nagawi sa kaharian ng prinsipe arturo dahil sa nabalitaan nila na ang prinsipe ay umi-ebak ng golden jebs!

    gusto nilang kidnapin ang prinsipe para gawing taga-ebak ng golden jebs para sa kanila.

  36. greenpinoy Says:

    “TANG INA! HINDING HINDI NA AKO HIHITHIT NG KATOL!!!” sigaw ni PB na biglang nagising sa nakakabaliw na bangungot!

    “Biruin mo,” sabi nya sa sarili ng medyo pabulong “kung natuloy pa ang bangungot kong yon e baka napakasalan ko pa yung Prince Arthur na yon!”

    “Is not dreams, PB my love. Is really.” sabi ni Prince Arthur na nasa tabi lang ni PB sa kama.

  37. Jofell Gallardo Says:

    “Ano toh?!?” Bunghalit ni PB sabay nanlaki ang mga mata kung ano ang nakakalat sa kama.

    “Each golden gearbox!” Sabay turo ni PA sa ginintuan ngunit masangsang na ebak na golden-brown ang kulay. “You wishes for golden gearbox, alright?”

    Hindi pa natatapos ni PA ang kanyang tugon, isang flower vase na ang lumilipad sa harapan niya.

  38. frozensoul Says:

    “kapow!” sapol! basag ang mukha ni PA na natamaan ng flower vase.

    pero walang anuman dahil dati na namang mukahang basag ang mukha ng ating mahal na prinsipe.

    nagtatakbo si PB palabas ng kwarto bago paman natauhang muli ang ating bida.

    “ma preciosnes..wheres is yo?” pahabol na hikbi ni PA.

    at biglang nagring ang telepono sa tabi ni PA.

  39. jimg29 Says:

    Krrring…krrring…krring

    “Whose da pak iss these?” sagot kagad ni PA.

    ???????…??????….????? [annyeonghaseo…annyeonghaseo], si James sa kabilang linya ang koreanong zen ninja .

    “Kimchee…kimchee solution sa yong problema”, dagdag pa nito.

  40. greenpinoy Says:

    “JAMPONG!!!” sabay na sambit nina PB at PA!

  41. frozensoul Says:

    “Kimchee sabi eh!” ang narinig ng dalawa sa nakaspeaker phone na telepono.

    “Kimchee na may gayuma ang ipakain mo kay PB my loves mo.” patuloy pa ng zen ninja.

    at napatitig si PA kay PB. puno ng emosyon ang mukha na parang majejebs. kinamot ang makating pwet na puno ng pimples.

  42. jimg29 Says:

    “Higit pa sa Jackpot ang win-win situations, simple lang, makinig kayo”, masayang himakas ni James.

    “Bago matulog, kumain ng dalawang platong kimchee at garantisadong in love kayo sa sat-isa, pang aprodisiac baga.” tuloy nito.

    “At sa following morning sigurado akong ala-Midas na ang gearboxes nyo…at mai-kwi-kwintas mo na rin PB ang mga ito

  43. frozensoul Says:

    muntik ng malaglag ang m ga mata ni PB sa narinig. makakaya kaya ng sikmura nya na laging katabi si PA tuwing gabi.

    mukhang masusuka na siya kahit iniisip palang niya ito.

    si PA naman parang manyak na bumubula ang bibig habang kamot-kamot parin ang mga nag-aalburoto nyang mga pimples sa pwet.

  44. greenpinoy Says:

    “Hindi ako kakain ng kimchee!!!” sigaw ni PB.

    “But my loves, you needs to eats so you in loves with me!” maka-awa ni Prince Arthur.

    “Namoooooo!!!” sabi ni PB sabay punta sa kusina at kumuha ng malaking itak.

    “Papatayin kita!!!” sigaw nya kay Prince Arthur.

    Kumaripas ng takbo si Prince Arthur pero hinabol sya ni PB.

    “Wow! The beaitful lady is chasing me!” sabi ni Prince Arthur na tila dumerecho ang ingles.

  45. frozensoul Says:

    kilig to the bones naman itong ating bidang prinsipe ng internets.

    kalain mong parang nabaligtad ang mundo at sya naman ngayon ang hinahabol ng ating princess PB.

    parang eksena sa pelikula na naghabulan ang dalawa.

    si PA na parang kabayong balirina na winawagayway pa ang mga kamay at si PB na parang nasademonyo na sa galit sabay bunot ng shotgun sa kanyang likuran.

  46. Jofell Gallardo Says:

    Pumasok muli si Kokey, at pilyong nilaro ang Time Machine mula sa spaceship nila. Inislomo niya ang oras para magmukhang naghahabulan sa beach si PA at PB. Nag-”summer salt” si PB habang hawak ang itak, at mala-Matrix na pag-ilag naman ang ginawa ni PA.

    Maya-maya pa, pumasok sa eksena si Diana Zubiri…

  47. greenpinoy Says:

    “Aba! Parang Mr. and Mrs. Smith ang eksena!” natutuwang sabi ni Diana, na ngayon ay nagtatanggal na ng damit, force of habit lang naman daw.

    Gulo gulo na ang bahay, wasak wasak na ang mga kagamitan. Puro pasa narin sina PA at PB dahil sa kanilang karinyo brutal.

    “Wala ya ka Prince Arthur! Pinagod mo ako!” sabi ni PB.

    “Now lets makes loves!” sabi naman ni Prince Arthur.

  48. frozensoul Says:

    tinapik ni PA ang kamay ni PB at nabalibag ang hawak nitong itak. hinawakan nya ang magkabilang balikat ni PB.

    “gives me you awesome kisses too mine kissable lips!”

    at inilapit ni PA ang nguso nya sa mukha ni PB..

  49. Jofell Gallardo Says:

    “Tse!” Dura ni PB. “Hindi kita mahal!”

    “Butt me and you is like bananas! Only bananas have hearts! We have hearts, we can make loves! Lolz!”

    “Kung papatulan kita, magiging saging nga ako! Kinakain ng unggoy!”

    Sumosobra na si PB, at dahil dito, may nangyaring di kanais-nais!

  50. frozensoul Says:

    biglang dumating ang mga pulis kalawakan. gusto nilang dakpin si PB dahil sa subrang pang-aapi na ginawa nya kay PB.

    “no! is PB my loves is not guiltness of charges.”

    sigaw ni PA na pumagitna agad kay PB at sa mga pulis pangkalawakan.

  51. frozensoul Says:

    kaya nagpalit agad ng custume si PA at naging si awesome ninja warrior assasin hero prince.

    pinagkukurot niya ang mga pulis kalawakan at tinuroan ng leksyon na huwag makialam sa problema nilang magsing-irog.

  52. Jofell Gallardo Says:

    “Si PB ay nagpapanggap lamang na babae. Ang totoo ay siya si Ida. Kahina-hinala ang kanyang mga kilos!” si Alexis.

    “Ano’ng pinagsasabi niyo? Patunayan niyo nga kung ako si Ida?” Maktol ni PB.

    “Basahin mo ang nakasulat dito,” si Alexis uli.

    At binasa ni PB ang nakasulat sa papel. “Time/Space Warp, ngayon din!”

    Maya-maya pa, may bumukas na butas sa dingding ng bahay.

  53. frozensoul Says:

    at lumabas sa butas ang ulo ni dagul. sya pala ang tunay na panginuong Le-ar.

    sumulpot din ang mga amazona at silang lahat ay sumayaw sa tugtog ng “pinoy ako”

  54. greenpinoy Says:

    Nang biglang lumindol at kinain silang lahat ng lupa. Maliban lang kay Prince Arthur dahil hindi sya masikmura ng lupa dahil iba ang lasa nya.

    Ngayon, mag-isang tinatahak ni Prince Arthur ang mala-desyertong kapaligiran, umiiyak, nalulungkot, dahil kinain na ng lupa ang babaeng pinakamamahal nya…

    “I mist you…i mist you…” bulong ng ating Prinsipe sa hangin.

  55. frozensoul Says:

    “aye!” biglang may naalala si PA.

    nagpose muna sya ala awesome ninja warrior assasin at sumigaw ng..

    “blow hook!”

    at mula sa kung saan isang kulay “blow” na tricycle ang nag-appear.

  56. jeckass Says:

    Kinuha niya ang kanyang leather jacket at rayban. Kailangan na pala niyang pumasada para maka-boundary na. Eto talaga ang tunay na career ni PA. Isa siyang tricycle driver. Naisip niya rin na saka na lang niya ulit ililigtas si PB kapag may sapat na pera na siya. Pagod na rin kasi siya sa mga adventures na dinaanan niya para lang sa PB niyang mahal.

    Habang pumapasada ay nakita pa niya ang kanyang inaanak na si Bertong Libag.

  57. contra-Vida Says:

    THE END waahhh hahaha

  58. jeckass Says:

    bwahahaha! the end na kaagad?! p*tangina, hindi ko mapigilang tumawa…ika nga ni PA: lolz! lolz! lolz!

    GP anong say mo? end na ba talaga?

  59. princearthur Says:

    lolz!is epic storytale bitin!consonant public demands the more!lolz!

  60. jeckass Says:

    pucha! consonant daw oh! baka may low vowel movement ka PA dahil sa gold na kinanin mo? niyahahaha!

  61. contra-Vida Says:

    “Ninong, Ninong…ako ito si Bertong Libag, forgive me, what have I’ve done, publics are clamorings for amores.”

    “I am just jelly jelly coz you still have PB, but me and Petrang Galis were over, kaput, finito, end! And you know what? hanggang ngayun ay SUPOT PA KOW”…

    “Walanghiya kang bata ka! Vene aqui, maldito, nang maBOBBIT ang etis mo!” sabi ni PA.

    “Sssshhhh… contra-Vida is actually JK Rowling…so the epic goes on n on”

  62. kennyjunkie Says:

    oo may vowel pa yan..loose vowel movement! hahaha!!!
    The end na ba my labs?

  63. jeckass Says:

    Isinakay ni PA si Bertong Libag sa kanyang traysikel. Namasada sila mula baryo taliba hanggang baryo tiktik. Malaki-laki rin ang kanilang kinita. Nagtatanghalian na sila nang biglang may umupo sa tabi ni PA.

    “Anak ka ng sampung bading na kabayo! Ang sarap ng kain mo dito pero ang iyong mahal na PB eh bihag ng mga kalaban!” sambit ni FGM.

    “Butt lowla, aym tiring nows. Cant you sea aym gaddam buzy?”

    “Iligtas mo ngayon din ang pinakamamahal mong si PB. Sayang ang pagtangkilik sa iyo ng inyong funs club. Narito ang mahiwagang arinola. Gamitin mo bilang pananggalang sa mga kalaban.”

    “Olrayt lowla. Aym the knife of shinings armors of PB my loves!”

  64. Jofell Gallardo Says:

    Samantala, habang nakalibing sa ilalim ng lupa ang mga pulis pangkalawakan dahil kay Pangulong, este, pinunong Lei-Ar, aka Dagul, hindi naman makapaniwala si PB na siya si Ida.

    Samantala, sa isang sulok ay nililingkis naman ni PA ang isang Amazona. Ililigtas niya si Ani.

    “Hindi ako si Ida! Ako si Ani! Ako si Ani! Ako si Ani!” ang narinig sa kuwebang iyon sa ilalim ng lupa. Si PB ang naghihimutok.

    Walang inaksayang panahon si PA. Lumabas ito at sumigaw…

    “Is really? Can I see is panties colors yours? lolz!”

    Inirapan ni PB si PA.

  65. shayleigh Says:

    (wahahaha! nalabuan ako, nag THE END tapos nadugtungan… bahala na!!!!)

    ~*~*~*~

    “Pinutukan ka ng lintik Arthuro, ililigtas mo ba ako o uunahin mong silipin ang kulay ng panty ko,” ang singhal ni PB kay PA.

    “Oh yes, oh yes, my luvs PB, i’m sorry… i brings with me my godson Bertong Libag, does you remembers him? They had a fight with Petrang GAlis and they are overs already. His powers wont be sufficient for us, so we must hurry,” mabilis na wika ni Prince Arthur habang kinakalas ang pagkakatali ni PB.

    “Un naman pala eh bakit dada ka pa ng dada, takbo na!!!” at isinalya na ni PB si PA upang makaalis sa lugar na iyo… di pa din niya matanggap na siya si IDA.

    Mabils naman ang pagdating ni pinunong Lei-Ar, di alintana ang iksi ng mga binti na humagibis siya papalapit kay PA habang inaasikaso ni Bertong Libag ang mga amasona. Sa kasamaang palad…

  66. jeckass Says:

    Hindi pa pala tuli si Prinsipe Arturo.

  67. jimg29 Says:

    …lalong pinahigpit ni Dagul ang mga batas ordinansya sa kapuluan, masahol pa sa batas gay-litar! Kung di nyo pa kilala ang tunay na Dagul ay imahinen nyo na lang si Smeagol ng Lord of the Rings, kung saan hindi makapagpasya kung siya ngay sa liwanag o sa dilim…kung macho o bading.

    “PA akeen ka lang…doo yoo hear?”

  68. jimg29 Says:

    “Bar-mitzvah ka man o hindi, PA, ikaw’y akeeng akin parin” malanding bulong ni Le-Ar este Dagul, habang nilalaro sa isip ang dakong dakong ETIS nito.

  69. Jofell Gallardo Says:

    (ninenerbiyos ako sa patutunguhan ng kuwentong ito)

    Nakatapos nang magkape at kumain ng Marie biscuits sina PA, PB at ni Bertong Libag nang matapos na ang litanya ni Lei-Ar, aka Dagul.

    “Woy sht! Hohobuwin nyo no bo toyo?” Si PB habang puno pa rin ng Marie ang bibig. Sinabi niya kung shet, hahabulin na ba ni Lei-Ar silang tatlo.

    “Is really his going to ass!” Sigaw ni PA.

    “Bakit ba kasi ako nandito?” Nawiwirduhan na rin si Bertong Libag.

    Maya-maya pa, nanlaki ang mga mata ng alipores ni Lei-Ar, aka Dagul…

  70. jimg29 Says:

    “Oy TAG kayong lahat. Simulan na kasi ang Gearboxes Fest Showdown, kailangan ko nang maka-quota ng golden jebs for my future schemes and plans” nadodokleng pang sabi ni Dagul.

    “Kung Sky Flakes na lang sana ang kinain nyo…o kaya’y molasses at darak…nakarating na sana kayo sa aking kaharian.”

    “So what say you?” dagdag pa nito.

  71. frozensoul Says:

    dahil mual langit may bumabsak na dalawang nilalang na nakasuot ng ala-sailor suit.

    “si mahal at mura?” sabay hitaw ng mga alipores ni Lei-Ar, aka Dagul.

    “hindi!” magkasabay na sabi ng dalawa. “kami ay..”

    at biglang sumayaw ang dalawa at kumunta ng..

    “kapangyarihan ng araw…kami ang super twins!”

  72. Jofell Gallardo Says:

    “Kung sinuman ang writer ng storya natin, walang magawa kundi manood sa Kapusa network,” buntung-hininga ni PB.

    “My lavz, is nothing wriding our istory up therez! lolz!” Si PA.

    Nakasayaw na ng pandanggo at maglalatik sina Mahal at Mura ay wala pa ring nangyayaring transformation sa kanila.

    “Enu ningyeyeri se etin Murah?” impit na tanong ni Mahal.

    “Baka kaya hindi tayo makapag-transform ay dahil…” Lumingon si Mura sa likuran niya, at nakita nga niya at tama ang kanyang hinala.

  73. clare Says:

    (akala ko nga ending na yung twilight zone dream sequence ah, anhaba ng sumunod!)
    ———-

    Sa grupo ng alipores ni Lei-Ar na humahabol sa ating ,ga bida, may nakita silang liwanag at nakakapangilabot na amoy…

    “I am the prince of the internets! I am not a cowards who run away and hide in mother’s skirts!” sabi ng liwanag.

    Si Prince Arthur pala! Nakasuot ng uniporme ng Gold Zaido kaya maliwanag. May masamang amoy na nanggagaling sa kanya. Isipin niyo na lang kung saan kinuha ni PA yung gintong pinambalot sa katawan (ngyay).

    Ito ang plano ni PA upang talunin ang kampo ng kalaban at siguraduhin nang makatakas sila ng kaniyang PB his labs.

    Samantala si Bertong Libag ay naiwan kasama si PB sa isang sulok. Tinignan ni Berto si PB, “Ninang, ang ganda mo pala…”

  74. frozensoul Says:

    “para kang si lumen na nagliliwanag sa kaputian ang damit.” paghanga ni berto

  75. Jofell Gallardo Says:

    At dahil sa sangsang ng amoy, unti-unting nalusaw ang dati nang lusaw na mukha ni Mahal.

    “Kiya pila hindi tayu maka-transfurm!” bulalas ni Mahal habang sinasalo ang nalusaw na noo.

    Ang mga nanlaking mata ng mga alipores ni Lei-Ar, aka Dagul, ay nalusaw rin, dahilan upang magapi muli ng kabutihan ang kasamaan!

    Ngunit hindi inaasahan ni PA na pati si Bertong Libag, at ang pinakamamahal na si PB ay hinimatay din!

    “Oh nose, my lavz! Yore not London Bridz, you is falling down!”

    Akala ni PB, sa sangsang ng amoy lang sasakit ang ulo niya.

  76. frozensoul Says:

    sa nakakadiring hitsura palang ng golden zaido uniform nito ay parang subrang sakit ng ulo na ang dulot sa kanya. at ang masangsang na amoy nito ay nakakaluha na para bagang siling labuyo na piniga.

    at si PB ay tuloyan na ngang nawalan ng ulirat.

  77. shayleigh Says:

    Mabilis na ngang tinapos ni Prince Arthir ins GOlden Zaido Uniform ang mga kalaban at inilabas niya mula sa lugar na iyon ang pinakamamahal niyang si PB at ang inaanak na si Bertong Libag.

    Nakahinga siya ng maluwag na malamang nakalayo na sila kay Dagul at sa mga alipores nito. Dinala niya sa bahay ni Bertong Libag ang dalawa. Inasikaso naman ni Beauty ang anak at si PB.

    Kumalat ang balitang mahina ang dalawa at mabilis itong nakarating sa kaalaman ni Petrang Galis na agad na sumugod sa bahay ni Bertong Libag. Ng makita niya si Berto ay hinawakan niya ang kamay nito at muling nabuo ang natatangin liwanag na nagsasanib kapag magkahawak kamay sila.

    Habang si Prince Arthur naman ay lumuluhang tangan ang kamay ni PB na ng mga oras na iyon ay nagkakamalay na.

    “Aray!” tangis ni Prince Arthur ng mag landing ang palad ni PB sa batok niya.

    “Kurimaw ka talaga! Ano bang pinag-iisip mo at pati kami Berto ay plano mong patayin?” ang galit na galit na sigaw ni PB kay Prince Arthur matapos itong batukan.

    “My luvs, its a desperate of desperates move i can think of just to saves all of us.” katwiran niya.

  78. Jofell Gallardo Says:

    “Butt ismells me now. Luke at me! I was perfumey now! Lolz!” Si PA.

    Nilingon ni PB si Petrang Galis. “Wow! Mahimala na bumango siya! Paano mo siya napabango? Ano’ng flavor ng Sarf ang ginamit niyo?”

    Umiling si Petrang Galis. “Hindi sabon o pabango ang nagpaalis sa sangsang na naamoy mo kanina.”

    “Olfactory fatigue?” Ang natanong na lang ni PB. Kahit sinabi niya iyon, hindi rin naman niya alam ang ibig sabihin nito.

    “Hindi rin.”

    “Eh ano?”

    “Sampung litro ng laway ng isang Diwata mula sa Bundok Kukurikapu.”

    “Ah ganun ba? Puwede ko bang makita ‘yung diwatang iyon? Siguro ay napakaganda niya.”

    “Ang totoo hija, isa ka sa mga diwatang iyon.”

    Parang nakaramdam ng uhaw si PB.

  79. Jofell Gallardo Says:

    (comment lang: shet, parang kina-career ko na to! hehehe… Kailangang magtrabaho!)

  80. frozensoul Says:

    nanibago si PA sa bagong amoy sa katawan nya. lingid sa kaalaman ng karamihan, dating model ng toilet duck si PA kaya lagi mong naamoy ang pabango nya kung nasa cr ka.

  81. Jofell Gallardo Says:

    “Sa totoo lang, isinumpang mga nilalang ang mga diwatang iyon,” sabi ni Petrang Galis. “Nagiging alipin sila ng mga nadidilaan nila.”

    “Paano nyo naman mapapatunayan na isa nga ako sa kanila?” Si PB.

    “Meron silang balat na hugis saging sa kanilang mga dila. At para mawala ang sumpa, kailangang makita nila ng personal ang kanilang balat.” Si Petra uli.

    “Hindi puwedeng manalamin?” Si PB.

    “Hinde.” Maya-maya pa ay nalungkot si Petra. “Sa totoo lang, ipinadila ka namin kay PA. Ayaw rin naming mamatay gaya ng mga alipores ni Lei-Ar, aka Dagul.”

    Namutla si PB at hihimatayin na sana siya nang saluhin siya ni PA. Pakiramdam ni PB, kumukuti-kutitap ang aura ni PA.

    Umiibig na kaya siya?

  82. frozensoul Says:

    nilukob ng katahimikan ang paligig. pakiramdam nila ay silang dalawa lang sa mundo.

    bumagal ang takbo ng oras.

    “tik……tak…..tik…..tak!”

    “tik……tak…..tik…..tak!”

    pinaglalaruan na naman pala ni KOKEY ang oras.

  83. Jofell Gallardo Says:

    (comment uli: inisip ko tuloy kung ilang readers dito ang tumingin sa dila nila nung sinulat ko yung entry ko… anyways, mamaya naman, hehehe…)

  84. greenpinoy Says:

    Biglang lumitaw si ET mula sa kawalan at pinagbabaril si KOKEY.

    “Namoooo!!! Hindi pa ba sapat na ginaya na ako ng Mac and Me? At utang na loob naman, ang panget mooooooo!!!”

    BUNG! BUNG! BUNG!

    Namatay si Kokey. Wala na sya sa istorya kaya kung sino man ang magbabalik sa kanya sa istoryang ito ay tutubuan ng kuko sa buong katawan!

    Mabalik tayo kay PA at PB na tila ba nagkakahulugan na ng loob…

  85. Jofell Gallardo Says:

    Ang pakiwari nila, may mga anghel sa paligid, kumakanta ng “Kagat-labi”. Masaya ang lahat, at si PB, hindi pa niya naramdaman ang ganito kagaan kay PA.

    “I fromicez you, aisle not gearbox is really in fronts of you. Mebee in front of Bertong Libagz, but is you not!” Alam niyo naman siguro kung sino ‘yun.

    Parang narinig niya si Nick Carter na kumakanta ng ocho-ocho. Malambing sa tenga.

    “Oh my Arthur, can you be my king and I be your Guinevere?” Hindi napansin ni PB na nago-opera na pala siya.

    At ‘yun na nga ang kinalabasan ng pagmamahalan nila. Namatay man si Kokey, nakahubad man si Diana Zubiri hanggang ngayon, at naging sampu man ang identity ni PB sa kabuuan ng kuwento, isang maligayang kasal naman ang nangyari sa kastilyo ng Cam-poop-ot.

    Nagkaroon sila ng anak. Ipinangalan sa malambing na tunog ng kampana ng kastilyo noong sila’y ikinasal…

    “Kleng Kleng”

    At nabuhay sila nang mahusay, matiwasay, at…

    hindi pa nababasag ang sumpa.

    —- THE END —- NG UNANG AKLAT —-

  86. greenpinoy Says:

    ang galeng!!!! congrats sa ating lahat! MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!! lol

  87. Jofell Gallardo Says:

    ‘eena! Dalawang araw akong naka-hook dito, walang panama ang Marimar! Hehehe.

  88. frozensoul Says:

    “whew!” tapos na?

    ano na kaya ang mangyayari sa book 2?

  89. greenpinoy Says:

    ahahahaha maghintay kayo!!! LOL :)

  90. Jofell Gallardo Says:

    Si FrozenSoul, comment #6666… nagbabadya (nakakatakot… ngyii).

  91. frozensoul Says:

    buti nalang at naging apat ang 6..ehehe!

  92. Jofell Gallardo Says:

    BTW, sa mga hindi nakakaalam, lalaki po si Kleng Kleng… napag-usapan na namin ni GP na nararapat sa isang lalaki ang pangalang Kleng Kleng.

    ‘Yun lang po :P

  93. frozensoul Says:

    clap! clap! clap!

    applause!

  94. greenpinoy Says:

    LOL di ko alam kung pano tatapusin tong kanta kaya ganito nalang bigla nalang mawawala!

  95. jimg29 Says:

    So Kleng kleng is da tintinabuleysyons op romantik labs bitwin PA en PB as dey istrol along di sandy beach op Cam-poo-ot castle, cut to da dying sunset as musik islowli feyds…

    (JK Rowling meanwhile is procuring her cut out of GP’s million dollar nets of this blog-love and fantasy story).

  96. jeckass Says:

    magaling magaling magaling *clap* *clap* *clap*

    yehey! natapos na..i’ll wait for book 2!

  97. shayleigh Says:

    CLAP! CLAP! CLAP!

    Maybe this time it’s really the end of the story… book one though…
    Ano kaya ang mangyayari sa Book 2…

    ^_^

  98. princearthur Says:

    lolz!now storys ends is time to the soundtrack!im sings this to pb…

    Beautiful girl whatever your are
    im nowhere to saw you
    your the open a door
    im knows im love again
    after the long long whale
    im loves again…

  99. kennyjunkie Says:

    taena..that’s fani! sana nag copy paste ka na lang ulit ng lyrics PA hehe..

  100. jeckass Says:

    long whale?! amputcha, malala na ‘to…gumawa ka ng song book mo PA! hahahaha!

  101. princearthur Says:

    im not copy paste coz theirs no need coz im know the song of love to pb.lolz!

  102. pb Says:

    wah! ang haba pero natapos ko… wah! mga letche plan kayo… haha. kakaaliw. galing nyo mag sulats.. weee… seryoso na kayong magkaka book 2? wah!!!

    buti nalang pinatay si kokey. gusto ko rin patayin yun eh. hehe.

  103. Jofell Gallardo Says:

    Hehehe. Mabuhay ang demokratikong pangkalokohan!

  104. clare Says:

    PB! mag sulats? ume-S ka na rin! nakuuuuuu!

    mahusay mga kaibigan! job well done! hahaha.

  105. greenpinoy Says:

    WAHAAHAHAHAHAHAHA congrats sa ating lahat!!! LOL

  106. fionixe Says:

    ^_^ wow! tawa ako ng tawa :mrgreen: Book 2 na book 2 !!!

  107. greenpinoy Says:

    LOL malapit na!!! :)

  108. princearthur Says:

    pb is s coz she the sexy!lolz!

  109. Jofell Gallardo Says:

    is she is sassy two? super? sober? senile (*joke*)?

  110. Jofell Gallardo Says:

    (nakalimutan ko…)

    lolz!

  111. greenpinoy Says:

    LOLz!

  112. zervo Says:

    haha

Leave a Reply