Di mabuksan ang koche!

Isang gabi kumain kami ng aking irog sa isang Chinese Restaurant sa may Roxas Boulevard. Masarap ang pagkain at natuwa kami kasi unang beses lang namin dun.

Pagkatapos naming kumain e nagtungo na kami sa koche. Pinindot ko ang para sa pagbukas ng pinto.

ABA! MAHABAGING LANGIT!

Ayaw magbukas ng sasakyan! Sinubukan ko uli. Ayaw parin.

Ako: Baka wala ng baterya tong remote?

Irog ko: Nako pano na yan?

Ako: Baka naman…

*sabay punta sa likod ng sasakyan para silipin ang plate number* 

Ako: Um, irog, maling sasakyan…

WTFOMGLOLZ!

Pano ba naman parehong model at kulay ng sasakyan namin! 

Ahaha at sa katabi may tao sa loob ng ibang koche at nakita nya kami na parang tangang nagbubukas ng sasakyan ng may sasakyan. At hindi lang yun, kami ang naging entertainment dahil hindi nya maitago sa amin ang kanyang paghagikhik! 

29 Responses to “Di mabuksan ang koche!”

  1. jeck Says:

    wahahahaha! baka nasa bitoy kayo nun?! lols

    aabangan ko kayo sa TV.

    moral lesson, wag maging assuming. hindi lang kayo ang may ganoong sasakyan sa roxas. LOL

  2. antuken Says:

    ahahaha. GP isipin mo ang hiya namin kse may nagkamali ring ganyan dun sa owto ni hubby (magboypren pa lang kami) while we were making out. sooper dyahe! hahaha. eto yun, tinry talaga buksan ang pintong naka-lock. hahaha.

  3. Di mabuksan ang koche! - PinoyPortal, Pinoy News, Philippine News, Philippine Events Says:

    […] View post details at Greenpinoy […]

  4. greenpinoy Says:

    hahaha LOL jeck!

    antukeeeeen!!! hahahahahahahaha making out pa talaga?! walang ya! hahahahaa

  5. pampoy Says:

    Hahaha! nangyari rin kay mommy yan. Pagpunta namin sa parking nagulat ako kasi may biglang hinabol na sasakyan. Kala nya daw un yung kotse namin at iiwanan kami. LOL!

  6. Axel Says:

    @Pampoy>> kala ko nangyari din sa inyo yung nangyari kay antuken… LOL

    @Antuken>>> huli ka balbon… LOL…

  7. greenpinoy Says:

    hahahahaha mas malala ang nanay mo pam may habol effect pa! LOL

  8. pampoy Says:

    @Axel, gagu mo! Hahaha!

  9. pampoy Says:

    @GP, Hahaha! Oo no, nagulat talaga ako biglang nanakbo e. LOL

  10. R.J. Says:

    tatay ko muntik ng maghysterical dahil nawawala ang sasakyan, yun pala nasa maling floor ng parking area.

  11. greenpinoy Says:

    ahhahaha madalas ding mangyari yan sa akin LOL yung tipong papawisan ka na ng malamig hahahaha

  12. antuken Says:

    tange ka axel! making out pa lang nga e. balbon ka naman jan. wala pang balbon. hahaha.

  13. pampoy Says:

    @antuken HAHAHAHAHA

  14. tina Says:

    grabe ngang dyahe pag ganyan ang nangyayare. madalas din akong mapagtawanan ng mga tao sa likod ng slamin ng kotse. kadalasan ko kasing ginagawang instant mirror ang mga wind shield nila.

  15. greenpinoy Says:

    LOL tina! dyahe yan pag may tao!!!

  16. utakmunggo Says:

    napakasosi nyo namang bukas kotse gang. may remote pa kayong nalalaman. :D

  17. arhey! Says:

    ahaha! nice one GP! sana nakuha sa camera! wahhaha!

  18. lyzius Says:

    naks me mga kotse….ahahaha…

  19. McRey Says:

    WOW!!!

    Ganyan talaga kapag sikat, ginagaya pati model ng koche… har har

    Buti hindi kayo naabutan ng may-ari?!

  20. greenpinoy Says:

    LOL buti nalang talaga hindi kami naabutan at walang tao sa loob!!! LOL

  21. Leyn ♥ Says:

    nakakahiya kayo. lol.

    buti hindi pareho ng plate number?

  22. Beth Says:

    yari kaaaa!!! lolz

    makinig ka kay Jeck. hahahha

  23. roxy Says:

    NYETS KA……. un lang…. lol

  24. kj Says:

    buti pa kayo ibang sasakyan lang pala

    ung akin….

    ninakawan ng baterya!!!! wahahahaha pak!

  25. greenpinoy Says:

    nyahahahaha :)

  26. pb Says:

    buti nalang hindi kayo parang tanga. haha. ayus yan. buti hindi mo pinuwersa. haha!

  27. Axel Says:

    @Antuken>> ah wala pa ba… LOL

  28. greenpinoy Says:

    nyahahaha pb! buti nga di ko binasag ang salamins!

  29. Pinoy Negosyo | Pinoy Entrepreneur Online Says:

    buti nlng d kau nagtawag ng pulis. hahaha

Leave a Reply