ADMU: Hahaha, funny!
DLSU: Yeah, right!
UP: Tang ina OK to tol!
AMA: Pakshet tayo na naman ang pinag-uusapan ah!
ADMU: Hahaha, funny!
DLSU: Yeah, right!
UP: Tang ina OK to tol!
AMA: Pakshet tayo na naman ang pinag-uusapan ah!
DLSU: Martini please!
ADMU: Stolich please!
UP: Boss, beer!
AMA:  Tang ina sandali lang! Sabay sabay naman ang order nyo!
Nakatanggap ako ng email mula kay Kuya Owen ng mga “school wars” jokes. Eto yung mga jokes na nagpapagalingan ang iba’t ibang universities and colleges dito sa Pilipinas. Kahit nabasa ko na noon mga to nung sikat na sikat sila mga ilang taon na ang nakakaraan e tawang tawa parin talaga ako. At syempre proud ako na hindi inaapi ang pinanggalingan ko ahehe laging bida o kung pera at yaman na ang yabangan e nasa gitna lang. Di tulad ng AMA na laging api sa mga jokes na to.
Bakit kaya? Hindi naman mahirap ang mga taga AMA. Mas mahal pa nga tuition fee nila kesa sa amin, at lalo na ng sa PUP. Marami ngang taga AMA na de koche e. Pero sa mga jokes na to e sila parati ang kawawa (kasama ng PSBA at kung tungkol sa talino ang joke, ang La Salle). Isang dahilang na naiisip ko kung bakit naging jologs ang tingin sa AMA e dahil kinuha nilang mascot (oo, mascot) si Jolina. Bago naman nagendorse si Jolina e wala tayong naririnig tungkol sa kanila.
Etong dalawang jokes na kagagawan ni Jolina:
Tanong: Kung ang national flower ng Pilipinas ay ang sampaguita, ano naman ang sa AMA?
Sagot: Paper Roses!
Reaction pag nawalan ng wallet:
Ateneo: My credit cards!!!
La Salle: My cash!!!
UP: Form 5 ko!!!
AMA: Pakshet! Yung picture ni Jolens!!!
Ahaha kawawa naman sila. Pero kung yung sa AMA e kagagawan ni Jolens, yung mga joke kaya kung san kawawa ang La Salle, sinong may kasalanan? Ahehe peace!!!



