pinoy the best! - The best pinoy green jokes and jologs culture reference. San ka pa? Mabuhay ang Pilipinong Makulit! - Oi! Greenpinoy!

pinoy the best!

KEEPING THE FILIPINO PRIDE ALIVE!

Ano pa nga ba ang masasabi ko kundi

PANALO SI PACMAN!!! ANG GALING GALING NYA!!!

EMG! WTFOMGLOLIPOPZ! ASKHREIGHIA! UNICEF! PAGASA! NASA!

Pero malamang kahapon palang alam nyo na to haha

Nanood kami ng live nina Damdam, LV, Chrone, Axel, Ayz at Chillax. Kasama ng buong bayan, napanood namin kung paano pinasuko ni Pacman si Golden Boy.

Kaya Pacman, kahit alam kong hindi ka nagbabasa ng greenpinoy, CONGRATUMALATIONS SAYO! MABUHAY KA HABANG BUHAY!!!

pacman1.JPG

33 comments - What do you think?  Posted by greenpinoy - December 8, 2008 at 11:50 am

Categories: pinoy the best!   Tags:

Sinong Nagsabing Tamad ang mga Pilipino?!

Noon pa man, sinasabi na nilang tamad ang mga Pilpino.

Noong panahon ng mga Espanol, sabi ng mga prayle tamad ang mga Pinoy dahil lagi nilang naabutang tulog sa ilalim ng puno sa may bukiran.

Eh madapakingshit. Anong oras ba gumigising ang mga prayleng yan? Alas diyes? Alas onse? Malamang ang aabutan nila e ang mga Pilipinong magsasaka na nagpapahinga dahil hindi pa sumisikat ang araw e NAGTRATRABAHO na sila sa bukid!

Sa panahon natin, nakikita rin kung gaano kasipag ang mga Pinoy. Laging may ginagawang kalsada kahit hindi sira diba? Ahehehe

At may isang litratong nagpapatunay na talagang masisipag tayong mga Pinoy! Tignan nyo to!

 empmonth-mimi.bmp

EMG!

Echas na nga lang ang pahinga nagtratrabaho pa! San ka pa? Gawin ng Employee of the Month tong taong to! 

WTFOMGLOLIPOPZ!

Kaya sa mga nagsasabing tamad ang mga Pilipino, gawing patunay itong litratong to na talagang MASISIPAG KAMI!!! :)

Maraming salamat kay Mimi para dito! :)

52 comments - What do you think?  Posted by greenpinoy - December 4, 2008 at 11:00 am

Categories: pinoy the best!, true to life   Tags:

Minsan…

“Minsan, tumayo ako sa may door…ayun, nauso ang BOY-NEXT-DOOR!”

“Minsan, may nginitian akong isang tao….ayun nahimatay. Simula non nauso na ang KILLER SMILE!

“Minsan, umupo ako sa gitna ng dalawang lovers…ayun, nauso ang LOVE TRIANGLE!”

Ahahaha ang kukulit nito! Nabasa ko ito sa isang email. Alam ko marami pa nito pero hindi ko mahanap. Baka may alam kayo! :)

60 comments - What do you think?  Posted by greenpinoy - November 13, 2007 at 12:57 am

Categories: pinoy the best!   Tags:

Ang ABC ayon kay ERAP!

Dati pa ITALY ITALY lang tayo, ngayon, buong ABC na! Ahaha maraming salamat kay Boneng para sa joke na to! :)

A.B.C. - Always be careful
D.E.F. – Don’t Ever forget
G.H.I. – Go Home Immediately
J.K.L.M. – Just Keep Loving Me
N.O.P.Q.R.S.T.U.V.W. – No One Perfectly Quite Romantic Should Treat U Very Well
X.Y.Z. – Xee You Zoon!!
 

8 comments - What do you think?  Posted by greenpinoy - November 1, 2007 at 12:06 am

Categories: pinoy the best!   Tags:

Isa pang classic!

Siguro natanggap ko tong email na to nung asa high school pa ako. Nakita ko ito uli at tawang tawa parin ako. Enjoy!!!

Si Maria

Registered nurse si Maria sa States. Kasama nya ang kanyang ina na nagpagamot din doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Maria. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na dikit na dikit ang mukha ng bangkay sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy and isang anak, “Ay, naku! Tingnan mo ‘yan… hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika!” Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong.

Aba! May sulat sa dibdid ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Maria:

Mahal kong tatay at mga kapatid,

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe.

Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $1,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod…

Nasa likod ni nanay ang dalawampu’t apat na karnenorte. And adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.

Ang iba’t-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana’y hindi matunaw ang mga ito.

Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift ko sa first birthday ng bata.

Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene . Nasa loob ng bag ang japanese version ng pokemon trading cards at stickers.

Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.

May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa ‘yung mga pamangkin ko at yong isa ay kay Pareng Tulume.

Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball.

Tigdadalawang ream ng Marlboro green at Winston Lights ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra na gustong-gusto ni Tiya Iska, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo ‘yan, tiya.

Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Kunin mo agad, tatay. “Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) na gustong-gusto mo, ditse, ay suot-suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse.

Isang Ray Ban ladies sunglass na pabirthday ko kay Ninang Berta, hindi ko na pinasuot kay nanay. Isiniksik ko na lang sa may bandang ulunan ni nanay. Nasa pink na plastik na maliit.

Mga Chanel at Champion na medyas, suot-suot din ni nanay. Tig-iisa kayo, mga pamangkin ko.

Mga pampers, panty liners, cotton buds, cotton balls, table napkins at mga scotch brite na may foam ay natatakpan ng mga puting bath towels…”yon bale ang pinangkutson ko sa kabaong ni nanay. Marami-rami rin iyon. Parte-parte rin kayo.

Marami pa akong ipinagsisiksik kung saan-saang parte gaya ng cafe, coffee creamer, ilang vienna sausage na de lata, barbie dolls, toothbrush, paper cups, plastic spoon and pork, paper at styro foam plates, perfume, cologne, ballpens, stationaries, envelopes, bar soaps, match box toys, used t-shirts, hand towels, CD, VHS tapes, padlock, tools gaya ng screw driver, plais, long nose, atbp. Na hindi ko na na-itemize dahil nagmamadali ako.

Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan.

Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito.

Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito.

Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing.

Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,

Maria

“P.S. Pakibihisan ninyo agad si Nanay!”

9 comments - What do you think?  Posted by greenpinoy - August 30, 2007 at 12:45 pm

Categories: pinoy the best!   Tags:

Buti pa sila!!!

Buti pa ang farm, may chicks
Buti pa ang bulaklak, blooming
Buti pa ang Paranaque, may BF
Buti pa ang asukal, sweet
Buti pa ang bees, may honey
Buti pa ang tennis, may love
Buti pa ang papel, sinusulatan
Buti pa ang chemistry, may lab
Buti pa ang mapa, sinusundan
Buti pa ang snatcher, hinahabol
Buti pa ang patay, naaalala
Buti pa ang chicharon, may bulaklak
Buti pa ang jaywalker, pinipituhan
Buti pa ang alphabet, may U and I
Buti pa ang poste, steady
Buti pa ang kalendaryo, may date
Buti pa ang Hershey’s, may kisses
Buti pa ang probability, may chance
Buti pa ang telepono, hine-hello
Buti pa ang film, nadedevelop
Buti pa ang exams, sinasagot
Buti pa ang problema, iniisip
Buti pa ang baso, dinadampian ang labi
Buti pa ang galunggong, nasasabihan ng mahal
Buti pa ang kamalian, napapansin
Buti pa ang tindera, nagpapatawad
Buti pa ang lungs, malapit sa puso
Buti pa ang bra, kakabit ng dibdib

at ang the best of the best:

Buti pa ang itlog, binabati!

7 comments - What do you think?  Posted by greenpinoy - June 25, 2007 at 10:34 pm

Categories: pinoy the best!   Tags:

Another Filipino Discovery!

Alam nyo ba na isang Filipino scientist ang nakadiskubre sa isang Viagra alternative? Gawa ito sa makahiya! Pakukuluan mo lang ang dahon ng makahiya at iinumin ang sabaw nito. Titigas ng wala sa oras ang etits mo. Yun nga lang, pag hinawakan, uurong.

14 comments - What do you think?  Posted by greenpinoy - April 11, 2007 at 3:05 pm

Categories: ay sablay!, pinoy the best!   Tags:

Palakihan ng boobs!

Miss America: My boobs are like water melons!

Audience: Yehey!

Miss Japan: Ma boobsu a layku coconatsu!

Audience: Yehey!

Miss Philippines: Suso ko, parang siopao!

Audience: Boooooo!

Miss Philippines: Ops, ops, ops…nipples palang yon!

1 comment - What do you think?  Posted by greenpinoy - at 1:40 pm

Categories: pinoy the best!   Tags:

Kahit ano pang gawin nyo…

Ano kadalasan ang sinasabi kapag nautot?

American: Excuse me.

British: Pardon me.

Pinoy: NOT ME!

Be the first to comment - What do you think?  Posted by greenpinoy - at 11:38 am

Categories: pinoy the best!   Tags:

Population Policies

Population policies of countries:

China: Stop at 1 child.

Singapore: Stop at 2 children

Philippines: STOP AT 4 A.M.!

Be the first to comment - What do you think?  Posted by greenpinoy - at 11:37 am

Categories: pinoy the best!   Tags:

Yan ang Pinoy!

A couple placed an ad, “Have 4 sons, need advice on how to get adaughter.”

Responses:

Yank: Keep trying!

Briton: Change doctor!

Aussie: Follow a special diet.

Indian: Practice Yoga!

Pinoy: LET ME TRY!

Be the first to comment - What do you think?  Posted by greenpinoy - at 11:36 am

Categories: pinoy the best!   Tags:



My favorite videos!





Refer Publisher