pang showbiz! « Oi! Greenpinoy!

Archive for the ‘pang showbiz!’ Category

Alyas Batman En Robin!

Friday, March 12th, 2010

Tawang tawa ako kaninang umaga nang malipat ko ang channel sa Cinema One.

Tumambad sa akin si Rene Requiestas at Panchito na naka damit ng parang sina Joker at Penguin!

alyasbatmanenrobinjoker

Dahil malaking Batman fan ako, naintriga ako kung ano ang pelikulang to. Hindi nagtagal lumabas ang isang Batman na may matabang mukha. Si Joey de Leon pala (at si Kimpee ang Robin na kung mapapansin nyo ang “R” sa logo nya ay logo ng Regal hahahaha naisip pa nila yun?!)!

alyasbatmanenrobin2

Ahahaha at lalo akong napahalakhak ng malaman kong ang pangalan ni Panchito ay hindi Penguin, kundi “Cho Paenguin”! Pinoy nga naman! Ang galing! :D

Ang isang eksenang hindi ko maalis sa isip ko ay hatid nina Rene Requiestas at Dawn Zulueta (ata?! sya ata yun…haha):

Si Dawn ay isang myembro ng PRESS na kinidnap nina Joker at Cho Paenguin.

Nakatali si Dawn. Dinala sya sa isang kwarto ni Joker at tinulak sa kama, sabay sundot sa dibdib kung nasan ang ID ni Dawn.

Dawn: BASTOS!

Joker: Anong bastos? Sinunod ko lang naman sabi ng ID mo…PRESS! Pot! Pot! (Oo, sinabi nya yung “Pot! Pot!” haha)

Ahahahahahahahah kakabaliw talaga! Sana may DVD nito! :D

Showbiz Balita: Bagong Endorsers ng Trust

Monday, March 8th, 2010

It’s official!

Hindi na si Robin Padilla ang magiging endorser ng Trust Quality Condoms ngayong 2010!

Ayon sa Trust, bagong dereksyon na ang kanilang tatahakan sa pagmamarket ng kanilang kapote.

“Mas gusto namin ang mag makabagong approach. Yung tipong makakarelate ang mga kabataan hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati sa buong mundo!”, ito ang sabi ng Trust management.

Kaya ang kinuha nila ay ang international band na Linkin Park! Bago, bata at walang peklat gawa ng palpak ng special effects.

Ito ang kanila poster:

linkin_park_trust

At ang gagamiting theme song ngayon ng Trust sa kanilang mga commercial ay ang kanta ng Linkin Park na “In The End” dahil sa napaka-akmang lyrics nito!

“I put my Trust in you…pushed as far as I can goooooo!”

Parang sagad na sagad hahahahaha! Ayos! Mabuhay ang kapote ng bayan!

Paalala: Joke lang to! Baka me magseryoso na naman hahahaha

Mr Fu meets Mr Fugi!

Thursday, November 26th, 2009

Ahahahaha natuwa naman ako nung makita ko si Mr. Fu sa Ad Congress.

mrfu

Syempre talagang nagpapicture ako sa kanya hahahaha :D

Sobra kasi akong naaaliw pag nariring ko sya sa radio. Lalo na pag sinasabi nyang “Ang arteeeeeh?” hahahahahaha

Meeeeeeeeeeeeeeee ganon?!

Meron pa pala akong isang nakita! Tinakpan ko nga mata nya tas sabi ko

“Hulaan mo kung sino akoooooo hihihi”

mommyd

Sabi ba naman sa akin…

“Finish your melk first!”

WTFOMGLOLIPOPZ! :D

Sa Edad Na…

Thursday, September 24th, 2009

8222_1054785989320_1815954717_119396_7823300_n

Yun na yun. Wala na akong masasabi hahahahahaha

Ay meron pala. Ang ganda nya dyan! LOLz!

Maraming salamat kay Gian Carlo para dito! :D

Taga san daw sya?!

Thursday, August 27th, 2009


alingdionisia

Ahahahahahaha parang pakulit ng pakulit ang mga gumagawa ng mga profiles sa Friendster! LOL!

Tambling talaga ako sa “gin san” at sa occupation ni Mommy Dionisia!

Eto pa ang mga ibang lumabas sa search ng Friendster gamit ang key words na “Aling Dionisia”!

View Profile
Male, 29, Single
Location: Philippines
Hometown: basi town
(ito siguro nung bata pa sya LOL!!!)

View Profile
Male, 18, Married
Location: Philippines
Hometown: viGaN
(ito nung nagbinata na hahaha!)
View Profile
Female, 61, It’s Complicated
Location: Philippines
Hometown: sa tuktok ng bundok

WTFOMGLOLIPOPZ!

Mabuhay ka Mommy Dionisia! :D

Di Ka Naman Galit Edu Manzano?

Friday, June 26th, 2009

edu-pldt2

Yun na!!! LOL!!!

Bakit kaya bad trip si Edu Manzano sa litratong to?

a) maliit bayad sa kanya para sa campaign na ito

b) di sya makasayaw ng papaya sa poster

c) ang kapal ng muk-ap nya sa fez :D

Isa Na Namang Biktima Ni Hayden Kho

Saturday, June 6th, 2009

Mula noong lumabas ang mga nyex scandal videos ni Hayden Kho at iba’t ibang mga babae, nagka bali-balitang total ng 40 videos ang meron sya. Di naman sinabi kung sinu-sino ang mga ibang babae sa mga videos na hindi pa nailalabas ngunit merong isang babae ang na confirm ng mga reporters na naging biktima na Hayden (Shoulders…sorry di ko mapigilan sarili ko, benta yung text na yun sa akin e LOL).

Sino itong babaeng ito? 

I-Click dito upang makita ang litrato at mabasa ang report!

BABALA (Asawa ni BABALU…sorry ulit LOL):

Hindi ito para sa mahina ang loob…teh.

Wow! Galing Kay Britney No Panty! :D

Friday, June 5th, 2009

drinking-andrew

WTFOMGLOLIPOPZ!

Tubig kaya tong lalabas sa drinking station na to? LOL!

Sadya na bang napakadumi ng utak ko at nasakto lang dun yung sign e iniisip ko nang galing sa keps ang inumin? Ahahaha pero hindi lang naman ako ang naka-isip nyan kasi isinumite ito ni Andrew! Kaya hindi ako nag-iisa LOL!

Maraming salamat pareng Andrew! :D

Ang Pinaka BONGGANG “I Love Greenpinoy” Pic. Ever.

Friday, May 29th, 2009

WTFOMGLOLIPOPZ!

Di ko kinaya to. Nagsanib pwersa ang dalawa sa pinaka-maiimpluwensyang mga tao dito sa bansa upang sabihin lang nilang mahal nila ang www.greenpinoy.com!

CLICK DITO PARA MAKITA KUNG SINO SILA! :D

Maraming salamat kay Cereal sa forums para dito! :D

Eat Bulaga Star sa American Idol?!

Thursday, April 30th, 2009

Sino sa inyo ang nanonood ng American Idol season 8? Ahehe ako kasi matagal ng fan ng American Idol kaya every year nanonood ako (pwera lang season 5 ewan ko kung bakit). Anyway by the way hi-way, alam nyo bang may taga Eat Bulaga na nasa Top 5 ngayon ng American Idol?!

Click nyo dito para malaman kung sino!

Nyahahahahahaha diba?!

Ibang klase ang powers ni ate!

Good luck sa singing career mo ate, sana umabot sa finals! :D

Oh Tokyo!

Tuesday, February 3rd, 2009

Sino sa inyo ang nakakaalala sa palabas na to sa WINS?!

Dito sa opisina marami-rami ang nakapanood nito dati at sobrang aliw kaming lahat sa show na to dahil sa host nyang si Ellen Nishiumi!

ellennishiumi.jpg

Ibang klaseng host kasi tong si Ellen. Sobrang nakakatawa. Simple kung bumanat at mukhang hindi nya sinasadyang magpatawa pero hahagalpak ka talaga sa kakatawa.

May mga signature lines sya gaya ng:

“Sumimasen, kore wa nan desu ka?” (excuse me, ano ito?)

“Ito daw po ay <pangalan ng tinanong>. At ito ay nagkakahalaga ng 1000 yen, sa pera po natin ay mga 500 pesos” - ito parati nyang sinasabi, walang mintis. Lahat ng presyong yen gagawin nyang pesos!

“Mmmmmmm ang sarap sarap!” - with matching kilig face kung gusto nya ang pagkaing tinikman nya

“Mmmmmmm parang di kami magkasundo ng lasa!” - pag di nya nagustuhan! LOL!

At eto talaga ang episode na tumatak sa utak ko:

Scene: Nasa isang parang cat museum sya na kung saan may mga iba’t ibang klase ng pusa sa magagandang “bahay”.

So lakad lakad si Ellen, comment comment sa mga pusang magaganda at mga bahay nila.

Cut to: Nakakita si Ellen ng sphinx, isang pusang walang balahibo.

Ellen: Wow! Tignan po natin yung pusa, walang balahibo! Nakakadiri!

Ahahahahaha EMG talaga! Sabihing bang nakakadiri ang pusa sa international TV?! LOL!!!

Kung sino man sa inyo ang may video clips nito, padala nyo naman! :D

Sa WINS Channel: Ibalik si Ellen!!! Onegaishimasu!!!

Dadalawa Pa Lamang (Iisa Pa Lamang Part 2)

Tuesday, January 27th, 2009

Dahil maraming natuwa sa mga linyang galing sa Iisa Pa Lamang, narito ang mas marami pang linya galing sa bading na bading na teleserye!

“Gusto mo ikaw ang itali ko? Pasweet sweet ka pa diyan, ganid ka rin pala!” - Isadora

“Ang bigat naman ng salitang ‘yon Isadora, pero totoo, oo ganid ako! At gusto ko, ni singko walang matira sa’yo! Kaya manginig ka na Isadora, dahil uubusin ko ang lupang tinatapakan mo!” - Katherine
“Iba na ang sitwasyon ngayon Isadora. Marami akong pera, kaya ko nang bilhin ang kahit na ano. Kahit ikaw, magkano ka ba?” - Katherine

“Hayop ka! Kahit kailan hindi mo ako mabibili, at hindi mo ako kayang bilhin!” - Isadora

“Sabagay, ayoko sayo. Mumurahin ka eh, pero yung anak mo ibebenta mo ha. Sige na, promise hindi ako tatawad. Kahit used goods na, ok lang. Pag-isipan mo.” - Katherine

“Katherine….Katherine di pa tayo tapos. Lalabanan kita, sinisigurado kong walang judge ang sinumang maniniwala sayo dahil sirang-sira na yang reputasyon mo! You’re just a whore!” - Scarlett

“Whore? Oh, Scarlett? Ako whore? At least ako di ko kailangan magbayad ng 2 million pesos para lang may makipag-date sa akin. Nung una si Miguel binili mo, ngayon naman si Rafael.” - Katherine

“Walang hiya ka!” - Scarlett
“Mas walang hiya ka, Scarlett!” - Katherine
“Home-wrecker!” - Scarlett
“Adulteress!” - Katherine
“Social climber!” - Scarlett
“Slut!” - Katherine
“Black widow!” - Scarlett
“Desperate housewife from hell!” - Katherine

Isadora to Rolando: “Aalis ka ba dyan (dahan-dahang hinuhugot ang baril sabay tutok)? O babarilin ko yang bad trip mong mukha?

Isadora: “School, school, school. Puro ka na lang school. Kita mo namomroblema nga ako eh! Ikaw talaga napaka-selfish mo!”

Isadora: “Ang Hacienda Amadesto hindi pang kawang gawa. Gusto mo ba talaga palitan si Rosa Rosal?”

Isadora: “Anak, dapat mag-English ka!”
Batang Sophia: “Mommy, bakit ko naman kailangang mag-English? Nakakaintindi naman sila ng Tagalog!”
Isadora: “Ano ka ba? Lahat ng mga mayayaman dito sa Maynila, nag-e-English! Remember, isa kang Castillejos, kaya dapat mag-English ka rin!”
Batang Sophia: “Ayaw ko Mommy!”
Isadora: “Hay naku! Kapag sinabi kong mag-English ka, mag-English ka!”

Scarlett: “Ano ba ‘yan! Nagsi-swimming ka lang naka-diamonds ka pa!”
Katherine: “Siyempre, diamonds are forever…like me!”

Isadora to Katherine: “Wow! Ang ganda-ganda mo na ngayon, Katherine. Ang sarap mong patayin!”

Katherine: “Pagod ako. Huwag kang loloko-loko. Baka gusto mo ihampas ko ‘tong bag kong mas mahal pa sa’yo!”
Isadora: “Sabagay, ako rin eh! Pagod makipaghampasan. Next time, ok? In fairness ah, ang ganda ng damit mo. Pahiram minsan ha?”

Isadora: “Hay naku mare! Alam ko ang kuwento tungkol dyan. Bayaan mo at sasabihin ko sa’yo. Pero, bawasan mo muna ng 10,000 utang ko sa’yo!”

Scarlett: “Gusto kong makita na luluhod ka sa harapan ko at magmamakaawa ka na tanggapin kita ulit!”
Miguel: “Kumain ka na, gutom lang yan!”

Scarlett: “Ano ba talagang pakay mo? I’m sure hindi naman ang kapakanan ng dental industry ang pinunta mo dito di ba? Business? Monkey business?”
Isadora: “Oo, at napakadisenteng monkey business! Politics.”

Scarlett: Same to you anak, remember? Pareho na tayong nasasadlak ngayon. Damn you, damn me. Karma’s a bitch and so are we!”

Isadora (nang mawala ng ang mga ari-arian): “Ito na kasi ang uso ngayon. Oh di ba ang ganda? Very minimalist!”

Mortgage Agent: “Kayo po ba si Isadora Castillejos?”
Katherine: “Bakit? Mukha ba akong demonyo?”

Reporters: “Ano ba ang mayroon kay Miguel Castillejos na wala si Enrique Torralba?”
Isadora: “Cuteness at kabataan!”

Isadora: “Katherine…what a bwisit surprise!”

Scarlett: “From now on, may bago na akong motto: Never settle for second best because I am the best!”

Isadora: “Alam mo Rafael, akala ko pa naman, matalino ka. Pero pagdating kay Katherine, bobo ka! Makaalis na nga rito at dumarami kayo!”

Isadora: “Inday, pakisagot ang telepono!”
Manang Elvie: “Ma’am hindi po Inday ang pangalan ko, Elvie po.”
Isadora: “Ah ganun ba…Pwes, Inday, pakisagot ang telepono! At kapag hinanap ako pakisabi, patay na ako!”

Isadora: Nakidnap si Katherine! (smile) Sabi na nga ba’t tama ang horoscope ko. Today is my lucky day!
Miguel (to Scarlet): Lagi mong sinasabing karmas a bitch. Look at what happened Na out-karma ka na, na out-bitch ka pa.

Isadora: Di pwedeng mawala sa akin ang Amadesto. Di pwedeng mapunta yun kay Aura! Anong gagawin niya dun? Home for the aged?

Isadora: Yes, I’m one in a million! I’m one in a million pesos!

Isadora (to Vernon, Jestoni Alarcon): Ikaw naman! Sa lahat ng kriminal ng kilala ko eh, ikaw ang pinaka-honest!

Isadora: Buntot mo, hila mo!
Lola Aura: Oo, may buntot ka nga! Buntot ni satanas!
Isadora: Oo tama ka! Kaya mag-ingat ka. Baka mahagip ka nito at tumilapon ka! Kasama ng apo mong haliparot!

Sophia: Ma, naputulan tayo ng kuryente.
Isadora: Sus, ito naman. Sabihin pa ba ang obvious?

Isadora: Gusto mo ipag-bake kita ng pizza? (Laugh) Wala tayong pizza. Ipagbubukas na lang kita ng de lata.

Isadora: Katherine Ramirez, Viuda de dela Rhea… Torralba? Hahaha. ILUSIONADA DE PRIMERA

Isadora (nagsindi ng kandila): Sa lahat ng mga namatay, ikaw lang ang pinagsindi ko Rolando……. Walang hiya ka, ang lakas mo sa akin! O siya, hanggang dito na lang Rolando at baka matunaw pa ako sa harap ng birhen. Rest in peace na lang.

Isadora: Hoy! Pati ba naman basura hahalughugin niyo!

Police: Maaring nandito ho ang pumatay kay Rolando Ramirez.

Isadora: Nandyan? Nandyan sa basura? KAKASUHAN KO KAYO NG HARASSMENT. Kakasuhan ko kayo ng harassment, tsaka stupidity! Pati ba naman basura papatulan nyo!?

Scarlet: Misery loves company. You’re Misery no. 1, and I’m Misery no. 2.

Isadora: Tumigil ka muna sa pag-aaral.

Sophia: Ma?! Pa’no ‘yung education ko?

Isadora: Anong education? ‘Yung nagtitinda nga ng kalamay diyan nakakatapos ng pag-aaral.

Katherine: Ikakasal na ako sa isang desenteng lalaki. Hindi na ako dapat nagpapa-eskandalo sa mga babaeng sinasapian ng asong ulol. dahil sa selos. Kung gusto mong magkalat ng rabies, wag dito

Scarlet: Hahaha! Ako, parang asong ulol? Huwag kang mag-alala Katherine dahil hindi ako ang sasagpang sa iyo kung hindi ang mga preso sa correctional na gustung-gusto ang mga tisay na katulad mo. Hinihintay ka na ng selda mo.
Scarlet: Huwag kang mag-alala. Baka naman pwede mo pang gapangin ‘to. Bakit hindi mo pakasalan ang piskal o kaya ang judge para ma-abswelto ka na naman? Or else ang dating gold digger in red, MAGIGING JAILBIRD IN ORANGE! Hahahaha! Nakakatakot! Hahahaha!

Estelle: Nagbago na isip ko sa pagbili ng hacienda
Isadora: Sige na Mare… Presyong kaibigan naman… May kasama pang kabayo….
Estelle: EH TALAGA NAMANG MAY KABAYO DUN!
Estelle: At wala akong alam sa pagpapatakbo ng hacienda
Isadora: Mare tutulungan kita. MAY MGA SEMINARS AT WORKSHOP NAMAN… Pwede kitang samahan.
Estelle: Mare, ang dami mo nang nainom! Ngayon ka lang ba nakatikim ng wine na ‘yan?!
Isadora: Ano ka ba Mare? Marami kaming ganito noong Pasko! IPINAMIGAY KO NGA LANG!

Katherine: Ako na ang nagma-mayari ng Dela Rhea Foods! At gusto kong tawagin mo akong Ma’am!
Scarlett: At kanino ka naman nakakuha ng malaking pera? Wala kang pera! Sabagay, mukha naming kumabit ka na naman sa isang matandang mayamang madaling mamatay! ONCE A SLUT, ALWAYS A SLUT!
Katherine: Ang hirap kasi sa’yo, hindi mo kinikilala kung sinong babanggain mo! By the way, pagpasok ko, GUSTO KONG IPAGTIMPLA MO AKO NG KAPE. YUNG BLACK! YUNG VERY BLACK! SIMPAIT NG BUHAY NA IPAPATIKIM KO SAYO!
Scarlett: GOTO HELL!!! GO TO HELLL!!! GO TO HELLL!!!
Katherine: I’LL SEE YOU THERE!!!

Scarlett: Anong gusto niyong palabasin? Na mas magaling sa akin yang Katherine nay an?
Katherine (papasok sa pinto ng conference room): Oh yes!!!
Scarlett: ISA KANG PUTIK!!!
Katherine: Bago mo pansinin ang putik sa mukha ko, PANSININ MO MUNA YANG PUSALI SA MUKHA MO! ANG BAHO!!! NANGANGAMOY NA!
Scarlett: Ang naamoy mo ang labi ng tatay kong pinagmumultuhan ka dahil sa kababuyan mo!
Katherine: UMALIS KA NA SA TRONO MO, DAHIL NAGBALIK NA ANG TUNAY NA REYNA!

Ahahahahahah WTFOMGLOLIPOPZ!!!

SOLID!!!

I-part 2 na yan!!!

Maraming salamat Sirk para sa mga bonggang bonggang Isadorisms!

Iisa Pa Lamang…

Monday, January 12th, 2009

Alam nyo ba yung soap ni Claudine, Deither at Gabby na kung saan kontrabida si Cherry Pie bilang Isadora?

iisa_pa_lamang.jpg

Natapos na ito nung November ata pero hindi parin namin makalimutan ng mga bonggang bonggang mga dialogue nito! Lalo na yung “Magswiswimming ka lang naka diamonds ka pa?”

 Dagdag mo pa dyan ang binigay na litrato ng ating kaibigang si Pol! Salamat Pol!

isadora-pol.JPG

WTFOMGLOLIPOPZ! Isadora the Explorer talaga? LOL Kulit mo Pol! Hehehe

At eto naman ang mga linyang kumakalat sa internet na galing sa soap! Mapapa EMG talaga kayo LOL! Enjoy!

ISADORA: “Ganito pala ang feeling maging hampas lupa, kaloka!”

SCARLET : “Blood is thicker than canal water!”

ISADORA: “Alam mo bibinyagan na lang kita ng bagong pangalan ‘Mrs. Katherine Maperang-mapera y Huthutera Byuda de Impostora! “

KATHERINE: “Ikaw lang ang alam kong may kakayahang pumatay ng tao, Isadora!”
ISADORA: “Well, I’m flattered!”

ISADORA: “Wala akong panahong makipagbalagtasan sayo Katherine. Tapos na ang linggo ng wika, hindi ka ba naabisuhan?”

KATHERINE: “Papatayin kita Isadora!”
ISADORA: “Pwes, pumila ka muna!”

ISADORA: “Ba’t ang daming bobo? Ang bilis naman nila manganak!”

ISADORA: “Masahol kapa sa dumi ng putik!”
KATHERINE: “Kung ako ay putik, ikaw ang imbornal… o say mo? Mas madumi yun kesa sa tae!!”

LOLA AURA: “Magkaka-patayan tayo, Isadora!”
ISADORA: “Dahan-dahan ka dyan sa wini-wishmo. Baka magkatotoo!!”

ISADORA: “Hindi ako defensive…. offensive ka lang!”

ISADORA: “Talaga nga namang may pakpak ang balita at my tenga ang lupa. O talagang chismosa ka lang?”

ISADORA: “Perfect ako pero nagkakamali rin…”

LOLA AURA: “Ilan bang paso ang kailangan mo, Isadora?”
ISADORA: “Haciendera ako at hindi hardinera, Aura! At isa pa, isa ka lang dumi sa akin.”
LOLA AURA: “Tandaan mo, balang araw, ang duming ito ang makakapuwing sa yo!”
ISADORA: “Eh di magshe-shades ako!”

SOPHIA: “Ma, may mga tao!”
ISADORA: “Naku, lintik na! — ay, si Aura lang pala… kaya ko ‘to!”
 

SOPHIA: “Mommy, tama na. Hindi ako bulag”.
ISADORA: “Oo, alam ko. Hindi ka bulag. Pero sana pipi ka nalang kasi naririndi na ako sa mga pinagsasasabi mo”

(Maid is about to leave Isadora) ISADORA: Pagkatapos kitang binaba sa bundok mo at pinatikim ng corned beef, lalayasan mo ako?

ISADORA: “Oh aren’t you excited to see me?”
SCARLETT: “Excited? Alam mo bang mas excited pa akong magpunta ng dentista at mag pa root canal kesa ang makaharap ka?”
ISADORA: “Ikaw naman, nagpapaka-funny. Kung ang lahat ng bulok na ngipin ay kasing ganda ko, o di wala ng bibili ng toothpaste… I’m so witty!”
—-

Ahahahaah winner diba?! May mga kanal at tae pang nalalaman! LOL! Sana may part 2!

ABS!!! Part 2!!! Dali na!!! :)

Si Britney…Fanget. WTFOMGLOLIPOPZ!

Friday, January 2nd, 2009

britneyfanget-colin.JPG

Ahahahahahaha si Britney FANGET!

WTFOMGLOLIPOPZ!

Parang salitang bading lang yung salita ng magazine Ahahahaha

Maraming salamat kay Colin na nasa UK para dito! :)

Twilight…

Wednesday, November 26th, 2008

twilightpaper.jpg

PAPER.

Twilight Paper!

WTFOMGLOLIPOPZ!!!

Ahahahahahaha!

“Even Vampires Need To Wipe”







The GP Forums!

GP Readers' Gallery!

GP on Youtube!