Napakasayang Tumalon Talon Ano Po?
WTFOMGLOLIPOPZ!
GOOOOOOOOD MORNING! Ahahaha!
Boink boink boink boink boink boink!
Ahahahaha ibang klase yan.
Pati tuloy yung Transformer na excite LOL!!!
Galing yung babaeng tumatalon sa Plurk. Sa mga hindi pa nakakaalam kung ano yung Plurk (www.plurk.com), subukan nyo, masaya to!
Tas add nyo kami! Weeeee!
*di pa ako lasing…*
Categories: cartoons, olympics Tags: boink transformer jumping girl japanese
Manila Olympics, 2020
Kaninang lunch napag-usapan namin ng mga kaopisina ko ang opening ng Beijing Olympics. Hindi ko napanood pero ayon sa mga kwento nila sobrang ganda daw lalo na ang fireworks at yung torch lighting.
Hanggang sa napunta ang usapan na kung kelan maghohost ng Olympics ang Pilipinas! Ahaha naisip namin why not choknut? Kaya naman e!
Ang torch lighting e gagawin sa isang baranggay ng lahat ng bahay gawa sa ply wood at papel. Sisindihan ang mga kabahayan. Aerial shot: Olympic Rings.
Ganda. Taob ang scroll ng Beijing!
At meron pang maidadagdag na bagong sports gaya ng mga sumusunod:
1) Cross-country marathon ng walang tsinelas
2) Volleyball cum Ms. Gay Pageant
3) Snatcher Relay sa Quiapo
4) Kalabaw equestrian in rice field
5) Kanto Basketball
6) Yaya Badminton
7) Skeet shooting sa Mindanao
at marami pang iba! O diba mas bonggang bongga pa ang Olympics pag dito ginanap? Ahehehe
GO MANILA OLYMPICS 2020!
Categories: kwento kwento lang, olympics Tags:





