Mga Kanta Para Sa Bayan!
Kahapon sa sobrang sipon ko, hindi ako makahinga ng maayos. Nilagay ko sa status message ko sa YM “Barely Breathing…kanta ng may sipon”.
Aba, mantakin nyong may pumatol! Nagmessage si Pampoy ng “How Can I Tell You?…kanta ng walang boses”. Ahahaha so syempre natuwa kami at nag-isip pa kami ng mga kantang pwedeng maging theme song ng mga utaw!
Ito ang GP and Pampoy’s Mga Kanta Para Sa Bayan!
wind beneath my wings – kanta ng napkin sa utot
bakit ngayon ka lang – kanta para sa mga late
im a slave for you – kanta ng mga yaya
can’t smile without you – kanta ng mga bungal
i’m almost over you – kanta ng malapit ng makumpleto ang bayad sa utang
so into you – kanta ng mga stalker
confide in me – kanta ng mga chimosa
hit me baby one more time – kanta ng mga masochista
after the love has gone – kanta ng sex nalang ang habol
don’t know why – kanta ng may amnesia
all by myself – kanta ng mahilig magbate
exhale (shoop shoop) – kanta ng may mga hika
count on me – kanta ng mga tindera
barenaked- kanta ng nagahasa
brick-kanta ni inday nung nakipag break kay dodong
breaking free – kanta ng tumakas sa city jail
breathless – kanta ng mga patay
back at one – kanta ng hindi marunong magbiliang lampas sa five
always something there to remind me – kanta ng mga panget pag tumitingin sa salamin
bring me to life – kanta ni Frankenstein
bubbly – kanta ng naulol
power of two – kanta ng dalawang bumbay
when you say nothing at all – kanta ng pipi ang syota
cleaning out my closet – kanta ng maraming damit
di na natuto – kanta ng mga bobo
dont call me baby – kanta ng mga lola
dont cry for me argentina – kanta ng mahilig sa chunkee
dont speak – kanta sa mga bad breath
tell me where it hurts – kanta ng mga doktor
eternal flame – kanta ng mga bumbero
hindi kita malilimutan – kanta ng inutangan
my heart will go on – kanta ng heart attack survivor
Nyahahahaha kayo anong kanta nyo?
Categories: kwento kwento lang Tags:
Bakit ba kasi naimbento pa ang sipon?
Sampung bagay na ayaw ko tuwing may sipon ako…
1) Hindi parin makahinga kahit wala ka ng maisinga!
2) Tumutulo ng kusa ang sipon at kung minalas ka mapupunta pa sa bibig mo!
3) Nagiging kulangot factory ang ilong mo pagnatuyo na ang sipon!
4) Walang tissue…damit nalang? EMG!
5) Nabibingi ako pag sinisipon. Sabi ng doctor konektado daw lahat yan. Pwede kaya ako suminga sa tenga?! LOL!
6) Nges hu? Ahaha nakakangongo!
7) Pagsuminga ka minsan, sa sobrang lagkit, may naiiwan pa sa ilong LOL minsan sa kamay ahahahahaha
8 ) Minsan naman sa sobrang labnaw ng sipon, yung tissue nabubutas EMG! Ahahahaha
9) Green. Yun lang. Yuck LOL!
10) Walang pinipiling oras ang sipon. Parang pokpok. Strike any time, anywhere.
Haaaay pero siguro naman may magandang dahilan si God kung bakit tayo nagkakasipon. Di ko lam alam hanggang ngayon kung ano LOL!
Categories: kwento kwento lang, sampung bagay Tags:
EMG!!! It’s 2009!!!
Wow! Ang bilis talaga ng panahon!
Kagabi sabi ko nga “grabe 2009 na.” tas sabi ng ate ko “onga tas 2010 na susunod.” Ahahahaha sabi ko malamang yun ang susunod haha
Wala kaming masyadong paputok, tatlong klase lang.
Fountain…
whistle bomb…
at 10,000 rounds ng sinturon ni Judas!
WTFOMGLOLIPOPZ! Binging bingi ako. Kung di pa lumayas ang mga masasamang elemento dito sa bahay ewan ko na haha
—
Marami rami ang nangyari para sa akin at sa www.greenpinoy.com noong 2008.
2008 ng mabuo ang Lashing Heroes, na lumaki at napangalanang Greenies. Sa inyong lahat mga mahal kong kaibigan, maraming salamat para sa isang napakagandang samahan! Sigurado akong magtutuloy tuloy to habang buhay!
2008 din ang taon na nakatanggap ng maraming parangal ang site na ito. Na feature sa dyaryo ng eskuwelahan, nagkaroon ng The Greenpinoy Show sa www.projectube.com, nabotong #2 funniest blog sa Pilipinas sa pacontest ni Badoodles, at nagfeature sa Nosebleed Magazine ng Psicom Publishing!
Kaya sa lahat ng naging bahagi ng www.greenpinoy.com at ng buhay ko ng 2008, maraming maraming maraming maraming salamat sa inyo at sana mas marami pa tayong pagsasamahan ngayong 2009! Kasi ang 9, mas marami sa 8! Kaya dapat mas bongga!
Mehel ke keyeng lehet!!!
K. Tnx. Mwah!
Categories: kwento kwento lang Tags:
Huwaw Busy WTFOMGLOLIPOPZ!
Ibang klase noong nakaraang linggo! Sobrang busy kaya hindi ako nakapagupdate ng tatlong araw! Bakit? Balikan natin ang lumipas na Byernes, Sabado at Linggo!
Byernes
Christmas party namin sa office. At imbes na party-partihan, minabuti naming mag outreach sa Philippine Orthopedic Center, para naman makapamahagi ang aming kumpanya ng konting kasiyahan sa mga nangangailangan. At dahil bago lang ako sa kumpanya, kasama ako sa organizing committee. Good luck diba? Ahaha sobrang busy talaga mula pa noong nakaraang linggo. Nakatayo na ako mula alas ocho ng umaga at alas nwebe na ng gabi ako nakauwi. Pero ok lang, maayos naman ang kinalabasan ng event at bonus pa na naimbitahan namin si Iza Calzado na talaga namang napakabait!
Sabado
So pagod pagod pa ako sa mga pangyayari ng Byernes, eto ka…545am ang call time namin para sa isang wedding shoot. Kaya alas kwatro ng umaga, gising na ako. @_@ LOL!!!
Isa na naman buong araw na nakatayo. Ngayon ko lang naranasanang magshoot ng ganito kahaba…natapos kami alas kwatro na ng hapon!!! Huwaw! Pagdating ko sa bahay, ayun…bagsak sa kama!
Linggo
Wala akong nagawa ng Linggo ng umaga dahil sa pagod mula pa noong Byernes kaya buong umaga ay nakaratay lang ako sa kama. Tapos pagdating ng ala una, nagpunta naman ako sa kasal ng aking kaibigan (CONGRATS ESPIE AT GEN!!!) at 7pm na ako nakauwi. Pagdating ng alas diyes, ayun, tulog ahahahaha
Ayun, antok parin ako hanggang ngayon hahaha pero I’m back! LOL!
Malapit na akong Pasko! Weeeeeteeeeeeew!
Merry Christmas sa lahat!!!
Categories: kwento kwento lang Tags:
Fill In The Blanks!!!
May pinapasagot sa akin si Martin sa blog nya, isang makulit na listahan ng mga katanungan sasagutin ko ngayon din! Parang time space warp! *shigishigimatashigi ooowaaaaa*
Ito na!
Salamat Martin!
FILL IN THE BLANKS Pt.1
A few questions lang for you all. Just for fun! XD
I WANT TO SEE YOUR FUNNIEST ANSWERS! =))
1. You KNOW you’re in DEEP TROUBLE when ________________.
you make hulog sa manhole!
2.a. For girls: Kung meron ka na, ibig sabihin ay ________________.
2.b. For guys: Kung meron ang gf mo, ibig sabihin ay ________________.
malamang may suot syang napkin!
3.a. For girls: Sinagot ko ang bf ko kasi ________________.
3.b. For guys: Sa tingin ko, sinagot ako ng gf ko kasi ________________.
i’m the bomb yo!
4. Kung nagsama kami ng pinaka-crush ko sa buong mundo sa isang elevator na kami lang at na-stuck kami ng apat na oras, ako ay ________________.
magpipigil ng utot!
5. Masarap ipasok ang cotton buds sa ________________ lalo na pag bored.
ilong
6. Pag nakapulot ako ng isang daan sa kalye, ang una kong gagawin/bibilhin ay ________________.
magdadown payment para sa kalabaw!
7. Pag nakapulot ako ng isang libo sa kalye, ang una kong gagawin/bibilhin ay ________________.
idadagdag ko ito sa down payment para sa kalabaw!
8. Ang pinakamasayang gawain ko sa banyo ay ________________.
magbasa habang ume-erna!
9. Ang paborito kong gawain pag mag-isa lang ako ay ________________.
maghanap ng kasama!
10. Masayang pumasok sa school/opisina kasi ________________, ________________, lalo na ang ________________.Â
inaabangan ko ang uwian, ang recess at lalo na ang weekend!
Ayan! Kayo naman sumagot! LOL!
Categories: kwento kwento lang Tags:
Wow Pasko Na!!!
Pano ko nasabi?
Kasi nakatanggap ako ng isang Merry Christmas greeting mula sa kaibigan nating si Rafael!
At eto ang greeting nya!
Ahahahahaha fat guy talaga!
EMG!
Di raw nya kasi alam tunay kong pangalan ahahaha
Merry Christmas din sayo Rafael at sa ating lahat dito sa Pamilyang Greenpinoy!
Categories: kwento kwento lang Tags:
Usapang Lasing Sa Birthday!
Nung nakaraang Sabado, birthday celebration ng ating ka-greenie na si Lethalverses! (Haberday chongski!).
At syempre, ano ba naman ang birthday ng walang laro? Ano ang laro ng walang inuman? Ano ang inuman ng walang nasesenglot? At ano ang nasesenglot ng hindi pinapadaan sa isang spelling test?! Ahaahahhaaha ang biktima this time around? Si Kool (hindi tunay na pangalan)!!!
Scene: lahat nakatayo habang naglalaro ng 7up! Si Kool e maraming talo kaya senglot na ahahaha
Kaming lahat: Lasing ka na!
Kool: Hindi ako lasing!
Lethalverses: Sige nga, spell WHAT?
Kool: W-H-A-T!
Lethalverses: Spell GREENPINOY!
Kool: G-R-E-E-N-P-I-N-O-Y!
Lethatverses: Galing…spell LETHALVERSES!
Kool: L-E-T-H-A-L-V-E-R-T…L-E-T-H-A-L-V-E-R-T-S…L-A-T-H…T*ng *Na NYONG LAHAT!!!
Ahahahahahahahahahahahaha wow ang kulet!
Speaking of birthdays, HAPPY BIRTHDAY KAY MELO NG MS!!!
Categories: kwento kwento lang, lasing Tags:
Ang Aking Halloween “Costume” LOL!
WALAAAAAANG….
MAGAWAAAAH!!!
WTFOMGLOLIPOPZ!!!
Ito yung “costume” ko nung Halloween party dito sa opisina LOL
Labo no? Ahahaha!
Categories: kwento kwento lang, pang showbiz!, walang magawa Tags:
Usapang Matino!
Tindero: 8 pesos.
Dom: May tig-12 pesos kayo?
Tindero: Meron.
Dom: Magkano? ^_^
***
Nash: Benta ko sayo Dom lanyard ko, kulay orange.
Dom: Sige, magkano? Anong kulay? ^_^ ♥
***
Son: Pao! Basketball tayo sa friday!
Pao: [iniisip kung anong date sa friday] Ano ba friday?
Son: Sabado! ^^
***
Marlon: Son! Kuha mo akong kanin ha!
Son: Marame?
Marlon: Kanin! Ö
—-
WTFOMGLOLIPOPZ!Â
Ahahahahahahahaha ang labo!!!
Maraming salamat kay NASH at sa Partidong Ilagan para dito!
Mabuhay ang barkadahan nyo!
Eto sila!
[[ Ama ]]
- tatay, nag`tayo ng P.i -
[[ Son ]]
- inverted, sight see~er, -
- gm master, dancer -
[[ Shanie babe ]]
- kambal ni kring -
[[ Yhanie babe ]]
- bordado, choli -
[[ Mitsy babe ]]
- muse, author ng diksyunery -
[[ Nashy babe ]]
- dakilang photofer -
[[ Tabby babe ]]
- sexologist, sensored -
[[ Tae babe ]]
- specialist sa gamot ng Diatabs, Tae Queen -
[[ Rc ]]
- escort, pinaka mahabang neym -
[[ Bokie babe ]]
- undefined, bituin -
[[ 3sha babe ]]
- hah?, pinaka maikling neym -
[[ Bry ]]
- macho papa -
[[ Choli ]]
- hearer?, yhanie -
[[ Palmer ]]
- M.I.S [men in shades] -
[[ Dom ]]
- make-up artist, D.O.M -
[[ Eka babe ]]
- president -
Categories: barkada, kwento kwento lang Tags:
Thank you, HIPPO E!
Thanks to my YouTube buddy EJ and the guys from Hippo Esthetics for giving me this awesome shirt!!!
I lavets!
Check them out at
Categories: kwento kwento lang Tags:
I wanna be a Porn Star!
Jenna Jameson. Ron Jeremy. Maria Ozawa. Sora Aoi. Peter North. Asia Carrera. Madam Auring.
Lahat sila sikat na porn stars! Pero malamang sa malamang hindi sisikat yang mga yan kung hindi matunong ang mga pangalan nila!
Isipin mo nalang kung ang pangalan palang totoo ni Maria Ozawa e Taeko Makoto. O si Ron Jeremy ang pangalan nya Ishkrishnishnish Pakishkush. Diba? Malamang hindi sila bebenta!
Pero pano nga ba nila naiisip ang mga porn star names nila? Ewan pero ngayon, meron ng madaling paraan para magkaroon ka ng porn star name!
Ganito lang. Para sa first name, kunin mo ang pangalan ng iyong alaga (hindi yung etits o keps ha, yung hayop na alaga, ops, hindi rin ang byenan! yung tipong aso, pusa, daga, ibon). Tapos para sa apelyido mo, kunin mo ang pangalan ng street kung san ka lumaki!
Ayos ba? Subukan natin!
Ako:
Cookie Jasmine.
WTFOMGLOLIPOPZ!!!
Ahahahahahaha parang pambabae lang LOL!
Presenting! The newest porn star! COOOOOOOOKIE JASMINE!!!
Ahahahaha!!! Anong sayo?!
Categories: kwento kwento lang Tags:
Paalam, Mac.
Kabibili ko lang ng MacBook noong isang buwan. Ang saya saya ko kasi ang ganda naman nya talaga. Lahat ng magagandang sinasabi ng mga taong meron nito ay totoo. Isa sa mga paborito ang screen nito na naknakan ng linaw!
Pagka uwing pagka uwi ko, excited kong binuksan ang Mac. Oh my pakin shiet holes, hindi gumagana ang I-Sight (yung webcam nya). So tawag naman ako sa center para tanungin kung bakit.
“Sir, OS version update lang yan! Dalhin nyo dito!”
So ako naman takbo ako agad ng center kahit alas nwebe na ng gabi. Ok naayos naman OS version upgrade. Saya diba? But no and behold! Makalipas ang ilang araw balik ang problema. Tae. Sinubukan kong idownload lahat ng upgrade na available. Hay walang nangyari. So punta uli ako ng center. Hassle daba? Kung ano ano kinalikot nila hay wala parin! So sabi ko palitan na nila. Syempre yung manager kinukumbinsi akong ipaayos muna. Hala hindi ako shunga LOL kabagobago paayos agad? To make a long story show, pumayag silang palitan ito. Yahoooo! Saya saya pinalitan (pero nagdagdag pa ako uli kasi ibang model ang available, pero ok lang at least wala ng problema).
O sige bago na ang MacBook. Anak ng tatlong kalabaw na walang gatas, makalipas ang isang linggo, paso ang bluetooth!!! Good luck naman! Pero sige pinabayaan ko na kasi ayoko ng mahassle na naman.
Eh nung Sabado, may shoot ako. Katapos ng shoot, tumambay ako sa isang restaurant upang dun magtrabaho habang hinihintay ang ibang mga greenies para manood ng Kulams. Ay madapaking MacBook shiet talaga. May dead pixel ang screen. Uminit na talaga ang aking ulo at derecho na ako sa center upang makipag suntukan.
“At this point I will no longer accept a replacement. I WANT A FULL REFUND!” yan ang sigaw ng lolo nyo! LOL! Syempre english para kunwari authoritative pero chika ko lang yun di talaga ako marunong LOL!!! At may drama pa pala akong ganito:
“This has been the worst purchase of my life!”
WTFOMGLOLIPOPZ! Pero there’s truth in that. Mahilig ako sa mga gamit gamit na umiilaw ilaw at tumutunogtunog, at lahat ng mga nabili ko ay talagang tumatagal. Hindi pa ako nasisiraan ng cellphone, ng camera (pwera yung videocam kong nagloko pero natakot ata kaya inayos nya sarili nya LOL), ng desktop at yung huling laptop ko, limang taon ang tinagal sa akin!
Ayun. I-rerefund na at babalik na ako sa Windows! Waaaaahooooooo!!!
Hello virus! LOL
Pero infairness to the people at Mac, madali silang kausap. At maganda talaga ang produkto, kaso nga lang, sobrang nadisappoint ako sa aking dalawang units na nakuha. Isipin nyo, brand new tapos sira agad? Ang sama lang sa loob talaga na wala naman akong magawa. Kung kumuha ako ng pangatlong replacement, maglalagi na sa isip ko na baka any time soon e papalya na naman.
Pero siguro nga malas lang ako at hindi tayo meant for each other MacBook baby, kasi yung ibang friends kong may Mac wala naman silang problema.
Kaya ayun. Matutupad na ang pangarap kong bumili ng HP Mini Note LOL!!!
Kaya paalam Mac. Hanggang Sabado nalang tayo magkakasama. Sayang, maganda ka pa naman. Tae ka lang.
Categories: kwento kwento lang Tags:
Lintik Lang Ang Walang Ganti
LINTIK LANG ANG WALANG GANTI
by: Hermil A. Ilagan
Ako’y naglalakad sa ilalim ng buwan,
Nang ikaw ay aking napagmasdan.
Ako’y napanganga sa taglay mong kagwapuhan,
At ang puso’y lumundag sa katuwaan.
Ikaw ay lumapit at nagtanong ng daan,
Di agad nakasagot sa iyong tinuran.
Ako’y iyong tinapik ng di masagot ang katanungan.
At nakita ka na lamang nakangiti sa kagalakan.
Doon nagsimula ang ating pagkakaibigan,
Na nauwi sa pagiging makasintahan.
Ikaw ay aking lubos na pinaglingkuran,
Ngunit ano ang iyong isinukli puro kahayupan.
Pinaikot-ikot mo ako na parang trumpo,
Sa mga kalokohan at boladas mo.
Tuloy ako ay nagkaganito,
Nabaliw ng dahil sayo.
Napunta kung saan–saan,
Nilait-lait ng kung sinuman.
Wala sa sarili at nasa kawalan,
Hanggang mapadpad sa Mental Hospital.
Ngayon ako ay magaling na,
At akin pa ring naaalala,
Ang mga sandaling kapiling ka,
Na dulot ay sakit at puro pagdurusa.
Pinatalon sa building ng walang saplot.
Pinagulong-gulong sa bangin ng hilakbot.
Ipinakain sa akin ang isang platitong ipot,
At ipinatuwid ang buhok ng ita na kulot.
Pinakanta mo ako ng isang buwan,
Tuloy nagalit sa akin ang Inang Kalikasan.
Umulat bumagyo, nagbaha sa daan,
Tuloy sinisi ng ating mga kababayan.
Pinasayaw mo ako na suot lang ay bra,
Ipinako sa krus na dilat ang mata.
Di man lang naglagay kahit kaunting anestisya,
Pakiramdam ko ay wala na akong hininga.
Pinalagyan mo ako ng tattoo sa puwet,
“Oh my gosh, its so saket!’.
Minsan pa ay nagrequest ka,
Lumipad ako na parang si Darna.
Tumalon sa eroplano’t sinubukang lumipad,
Paglanding ko’y nagkalasog-lasog buto ko’t balat.
Ginawa ko naman dahil mahal kita,
At dahil na rin akoy isang tatanga-tanga.
Ngayon ako ay maghihiganti,
Sa mga pasakit at pang-aapi.
Kaya magtago ka na saanmang sulok o tabi,
Dahil pagnakita kay “LINTIK LANG ANG WALANG GANTIâ€.
Categories: kwento kwento lang Tags:
LOLZ? LOLZ!!!
Naranasan nyo na bang may gusto kayong pag-usapan ng kaibigan nyo na isang taong nasa tabi nyo lang ngunit hindi nyo magawa?
Pwet, ay pwes, gamitin nyo ang mga codes na ito para tuloy ang bonggang bonggang chismisan!!!
1. DAFFY (DAt F*cking Face of Yours) – para sa mga kakakilabot sa panget ngunit nagmamaganda!
Gamit: sa parinig, as in: “Hay kainis talaga yung isa dyan. I’ll make sampal na talaga DAFFY!”
2. TIMY (Tang Inang Mukhang Yan) – para sa mga kakakilabot sa panget, kahit hindi nagmamaganda!
Gamit: kadalasan pag nagulat ka, as in: “Pucha! TIMY!!!”
3. SUSAN (SUSo nasa tyAN) – para sa mga tao (kahit lalaki o babae) na laylay ang dede at imbes na nasa dibdib, nasa tyan na ang mga to.
Gamit: wala lang, kahit kailan, as in: “Dude, pare. My date sana kagabi was ok na dude, pare. Kaso SUSAN!”
4. SSU (Shades Sa Ulo) – para to sa taong naglalagay ng shades sa ulo na parang may mata sa anit.
Gamit: pag nakakita ka ng may shades sa ulo, as in: “Yesssss may SSU! Pa burger ka naman!”
5. BMM (Batang Mukhang Matanda) – para sa mga batang mukhang gurang. Kadalasan ito yung mga sumasali sa singing contest at kahit na 6 years old palang sila e kumakanta na ng tungkol sa pag-ibig na parang ang dami na nilang experience dito (with matching pikit pikit ng mata LOL!) Marami ring mga BMM sa simbahan sa linggo ahahaha bumubongga ang mga Sunday dresses nila ahahahaha
Gamit: pag meron lang, as in: “OMG. Kakatakot the BMM!”
6. PKPI (PaKyut ang P*tang Ina) – para sa mga nagpapacute na imbes na matuwa ka e naiirita ka lang. Pwede to sa panget, pwede rin sa cute na mahilig magpacute, na mas nakakainis. LOL!
Gamit: yung tipong KSP na ang dating ng PKPI, as in: “Mare kanina pa yang mamang yan ha. Nagpapapungay ng mata sa akin! PKPI!!!”
WTFOMGLOLZ!
Categories: kwento kwento lang Tags:
Ang Pamilyang Greenpinoy :)

Wala lang. Gusto ko lang sabihin sa inyong lahat ng sobrang tuwang tuwa ako at nakilala ko kayong lahat
Parang napakatagal na nating magkakaibigan sa loob lamang ng maikling panahon! Maraming salamat sa inyong lahat!!!
Categories: kwento kwento lang Tags:



























