kwento kwento lang - The best pinoy green jokes and jologs culture reference. San ka pa? Mabuhay ang Pilipinong Makulit! - Oi! Greenpinoy!

kwento kwento lang

Clever Pala Ha!

Maraming salamat sa aking mga pamangkin nadiskubre ko ang Cleverbot (www.cleverbot.com).

Isa syang walang kwentang bot website na pwede mong “kausapin”. Sinubukan ko syang gaguhin at eto ang kinalabasan (sya yung blue)!

cleverbot

WTFOMGLOLIPOPS!

Ahahahahah gawin ba akong kiki? LOLz!

Try nyo! Sumasagot din yan sa Tagalog at Hapon!

12 comments - What do you think?  Posted by greenpinoy - April 12, 2010 at 1:35 pm

Categories: kwento kwento lang   Tags:

Idol Ang American Idol!

Sa dami ng mga reality shows sa telebisyon ngayon, hindi ka mauubusan ng papanoorin. Kung malandi ka, andyan ang Paradise Hotel o and Temptation Island. Kung fashionista ka naman andyan ang Stylista at America’s Next Top Model. Kung malakas ang sikmura mo, andyan ang Fear Factor. Kung adventurous ka at mahilig gumala, para sayo ang The Amazing Race at Survivor. At kung gusto mong mabwisit, andyan ang SONA ni Gloria.

Pero sa lahat ng reality shows, parang iisa lang ang pinapanood ng lahat ng tao. Iisang reality show lang ang meron para sa mga malalandi, sa mga fashionista, malakas ang sikmura, adventurous at gustong mabwisit. At yan ang American Idol.

Talagang mahusay ang show na to. Kahit singing contest lang ang American Idol, makakakita ka ng iba’t ibang klaseng pakulo sa auditions. Mga lalaking nagdadamit na parang si Princess Leah, mga sumasayaw imbes na kumanta, mga nagsasabing sila ang biggest fan ng show sabay may dalang higanteng pamaypay at yung mga tipong dapat nang magpatingin ng tenga dahil para bang hindi nila naririnig ang mga karindi-rindi nilang mga boses. Sigurado akong ang mga nilalang na ito ang inaabangan ng marami para sa katatawanan (itaas ang kamay ng guilty! *taas ng kamay si Greenpinoy*). Pero syempre, habang tumatagal ang show, nasasala ang mga contestants at natitira ang mga magagaling.

Isa pa sa nagpapaganda ng American Idol ay ang mga judges. Si Simon, Randy at si Kara (bat nga ba umalis si lola Paula?) na madadagdagan ni Ellen Dege…Didgene…ah basta yung tomboy. Si Simon ang masakit magsalita pero totoo ang sinasabi, si Kara wala lang at si Randy…sya ang token black guy dahil hindi pwedeng walang egoy, magagalit ang mga itim sa Amerika. Sana ok si Ellen.

Sa sobrang successful at galing ng American Idol, nagkaroon ito ng mga versions sa iba’t ibang bansa kasama na ang Pilipinas.

Ngunit alam nyo bang marami pang sumubok gumaya sa format ng American Idol na hindi napalabas sa TV dito sa atin? Mga shows na may auditions din, may tipong Hollywood week, may top 12 at pagbobotohan rin ng madlang people. Pero hindi na sila mga singing contests! Anu-ano ang mga show na to? Eto tignan nyo at malalaman nyo kung bakit hindi sila inaprubahan ng Kapuso at Kapamilya networks!

Quiapo Idol

Ang show na naglalayong hunamap ng pinakamagaling na mandurukot sa Quiapo!

Judges: Nancy Navalta, Lydia deVega at Mike Arroyo and new judge Manny Villar

Closet Idol

Ang show na magkokorona ng bading na pinakamagaling magtago ng kanyang pumipilantik na mga daliri!

Judges: Papa Pee, Yung Anak ni Jolly na si Samil, at Butch Francisco

Chaka Idol

Ang show na nagmamaganda, para sa pinakamagaling mag maganda, na hindi maganda! Di ba ang ganda?!

Judges: (I’ve been asked to remove this section by Chokoleit himself [as the writer claims].)

Dede Idol

Ang show na kung saan ang mga contestants ay magpapalakihan ng hinaharap!

Judges: Si Kiana Reeves at ang dalawang dede nya and new judge, ikatlong dede nya

Kamatis Idol

Ang show para sa mga nagmumurang kamatis! Ang pinakamatanda na makakabingwit ng pinaka batang syota ang champion!

Judges: Madam Auring, Kris Aquino at Viki Belo

Sampalan Idol

Ang show para sa mga babaeng mahilig sumampal at magpasampal! Mas maga ang mukha, mas panalo!

Judges: Gladys Reyes, Juday at Princess Revilla

Dating Idol

Ang show para sa mga dating sikat na ngayon eh di na kilala o kaya nasa Master Showman nalang at sumisigaw ng “Walaaaaaaaaaaaang Tulugaaaan!” kasama si Kuya Germs at John Knight

Judges: Shirley Fuentes at…ano na nga pangalan nung dalawa?

at ang pinaka kulelat sa lahat, ang

M Idol

Ang show para sa mga may bonggang bonggang dysmenorrhea!

Judges: Wala pa, pero malapit nang magkaroon. Nyahahahaha!

Yun lang! :)

13 comments - What do you think?  Posted by greenpinoy - January 24, 2010 at 2:25 pm

Categories: kwento kwento lang   Tags:

Malalang Bagyo Kahapon

Weh pakshet.

Walang kuryente dito sa amin mula alas dos ng hapon hanggang ala una ng madaling araw. Pero mabuti nalang walang baha dito.

Sana ay mabuti ang lagay nating lahat matapos manalanta ng bagyo kahapon. Ingat ingat tayo mga peepholes! :D

13 comments - What do you think?  Posted by greenpinoy - September 27, 2009 at 8:22 am

Categories: kwento kwento lang   Tags:

Kuya, Wala Na Bang Ibang Paraan?

Habang papunta ako ng opisina kaninang umaga, nakinig ako sa programa ni Mike Enriquez sa radyo at nawindang ako sa balitang sinabi nya!

Eto ang kwento!

May isang mama na nangholdap ng isang banko sa isang lugar (halata bang nakalimutan ko ang mga detalye?! LOL!).

Gamit ng mama sa panghoholdap ay isang laruang baril lang. Matapos syang makakuha ng pera sa teller, diba dapat sisibat na sya bago pa dumating ang mga pulis?

Hindi!

Hindi sya umalis ahahahaha ang ginawa nya, pinuntahan nya ang manager ng banko at inutusan itong tawagan ang mga pulis. Ahahaha oo. Ayun, nagpahuli sya.

Bakit daw nya ginawa yun?

Kasi raw yung asawa nya masyadong bungangera!

AHAHAHAHAHAHA

Wala daw ibang ginawa kundi talakan sya araw-araw. Gusto daw ng mama ng tahimik na buhay kaya nagpakulong nalang sya. Ahaha ang adik ni kuya. Pwede naman hiwalayan nalang nya si ate. O baka naman gusto lang ni kuya makaranas ng prison rape? LOL!!!

Yun lang! :D

litolito

25 comments - What do you think?  Posted by greenpinoy - September 10, 2009 at 10:45 am

Categories: kwento kwento lang   Tags:

Maligayang Kaarawan Nanay! :D

Photobucket

Ngayon ang unang kaarawan ni Mommy na wala sya sa aming piling. Medyo malungkot pero alam kong masaya na syang nagmamahjong kasama ng mga angels na malamang wala ng pakpak ngayon dahil yun ang pustahan nila kasi wala namang pera sa langit LOL!

Happy birthday Ma, mahal na mahal ka namin at iba ang buhay na wala ka :)

12 comments - What do you think?  Posted by greenpinoy - August 18, 2009 at 9:44 am

Categories: kwento kwento lang   Tags:

Road Rage is Good Rage!

Naalala ko ang aking “Road Rage is Good Rage” na kasabihan ng mabasa ko ang post ni Pareng Axel tungkol sa pagbangga sa kanya ng isang motor.

Isang motor. Na naman.

Isang motor na naman ang nakadali ng sasakyan. Mga tatlong linggo ang nakaraan ako naman ang nabiktima. Binangga din ako sa harapan ng isang motor. Di naman kalakihan ang gasgas sa bumper pero shiet…dalawang linggo palang yung sasakyan ko non. Wala pa ngang plaka e. LOL!!!

Ewan ko ba kung bakit ang daming shungang nagmamaneho ng motor. Sa daan e kung saan saan sila sumusulpot! Sa kanan, sa kaliwa, sa harap, sa likod. Di ako magtataka kung isang araw e may motor na manggaling sa taas ng koche.

Pero isa lang ang motor sa mga problema sa daan. Hindi lang sila ang nakakapagpamura sa akin habang nagmamaneho. Andyan ang mga karamihan ng bus, mga jeep, mga taxi at ang ibang mga koche (kung may makina lang ang mga tauhan ng MAPSA at MMDA e isasama ko sila sa listahan!) . At dahil mahal na mahal ko sila, meron akong terms of endearment sa kanila! Sinisigaw ko ito sa loob ng sasakyan (syempre di naman ako nagbaba ng bintana para sumigaw, ang war freak naman non LOL!) sa tuwing i-hahassle nila ako! :D

BUS – Gagong Bus

JEEP – Tang*nang Jeep

Ibang koche – Pakshet na Car / Pakyu Car (pero pag magandang pickup gaya nung bagong Strada o kaya Ranger eh pinapalampas ko kasi obsessed ako sa mga trucks ngayon ahahaha)

TAXI – A**hole Taxi

MOTOR – Bobong Motor

Bwahahaha kaya sa lahat ng may road rage, maliit o malaki, sabay sabay nating isigaw!

“ROAD RAGE IS GOOD RAGE!” :D

20 comments - What do you think?  Posted by greenpinoy - August 12, 2009 at 9:45 am

Categories: kwento kwento lang   Tags:

AKO MISMO!

Nung unang lumabas ang AKO MISMO, sa totoo lang di ko sya nagets agad.

Ako: ano yang “Ako Mismo”?

Sila: um parang political chenes na ikaw mismo gagawa ng chever.

Ako: aaaah naman pala :)

Tapos hinanap ko sya sa internet. Aba may website!

At!!!

Pwede kang gumawa ng sarili mong “AKO MISMO” slogan!

At kagaya ko, sa tingin ko maraming tao ang hindi pa nakakaintindi kung ano talaga ang “Ako Mismo” kasi naman may mga nagsulat ng:

“Ako mismo hindi ko maintindihan ang ako mismo”

“Ako mismo ang pinakamalaking problema ng Pilipinas”

“Ako mismo sana matapos n po yung korasyon” (anong korasyon?!)

“Ako mismo musician”

“Ako mismo save the earth”

“Ako mismo magpapacute sa buong mundo”

“Ako mismo ako na nga!!!”

WTFOMGLOLIPOPZ!

Ahahaha napatumbling ako sa mga yan!

Kaya naisipan kong AKO MISMO, meron din!!!

akomismo

Anong sayo?! :D

30 comments - What do you think?  Posted by greenpinoy - June 25, 2009 at 3:38 pm

Categories: kwento kwento lang   Tags:

I Heart You, Starbucks!

Isang araw (actually kahapon lang), may isang lalaki (hindi ako to, promise) na nasa Boni High Street. Kumain sya sa isang restaurant kasama ang kanyang kaibigan habang naghihintay na dumating ang iba pa nila mga kachokaran (80’s ito!). Matapos kumain, naglalakad lakad ang mag kaibigan hanggang nauwi sila Fully Booked. Tingin tingin ng libro, basa basa ng konti ng biglang naramdaman ng lalaki na najejebs sya. Nung una di nya ito pinansin. Sabi nya sa sarili nya

“Sus, pagilan ko nalang. Aabot pa to sa bahay.”

Sabay dighay dighay nalang kasi naisip nya na baka maging UST (Utot Sabay Tae) pa, delikado na. Kaya pinilit nalang ng lalaki na isara ang pwet nya hanggang makauwi.

Ngunit sadyang malakas ang pwersa ng mga jervy. Hindi na kinaya ng sexy ass muscles ng lalaki ang pagpigil sa mga nagwewelgang morcon. Kaya nagpunta sya sa kubets ng Fully Booked sa third floor. 

Pag bukas ng lalaki ng pintuan sa banyo… OML! (Oh Mahabaging Langit!) walang tissue! Nag-isip ang lalaki. Tinignan nya ang kanyang bag para maghanap ng tissue kahit alam nyang walang tissue doon. Naisip pa nga nyang magpunta sa loob ng CR ng babae para kumuha ng tissue ngunit may narinig syang babae na nagsabing “Ay, walang tissue.”. Muling nag-isip ang lalaki. Desperado na sya. Papel nalang kaya galing sa notebook?! Shet tigas non. Yung brief nya nalang kaya? Shet may gimik pa mamaya! Wag na magpunas? EMG di pwede yun!

*KA-CHING!* (pasok giant bumbilya!)

May Starbucks sa tabi! Dali daling pumunta sa Starbucks ang lalaki at kumukha ng tissue, bumalik sa CR at nagpasabog ng lagim. 

starbucks_napkins

Hinding hindi naisip ng lalaki na ni minsan sa buhay nya ay mamahalin nya ang Starbucks gaya ng naging pagmamahal nya dito sa mga oras na yon.

Pagkahugas ng kamay, lumabas ang lalaki sa banyo.

Dumaan sa harapan ng Starbucks.

Tumigil sandali, ngumiti.

At nag beautiful eyes.

40 comments - What do you think?  Posted by greenpinoy - May 22, 2009 at 11:10 am

Categories: kwento kwento lang   Tags:

HAPPY APRIL FOOLS DAY!

Ito ang araw ng lahat ng mga makukulit sa mundo! :)

bw3

Natatandaan ko dami kong mga nabibiktima pag April 1 at ganyan sa litrato sa taas ang mga itsura nila LOL!

Tanong:

Ano ang pinakamakulit na gimik na nagawa nyo sa isang tao sa APRIL FOOLS DAY?

WTFOMGLOLIPOPZ! KWENTO NA!

Excited na akong mabasa mga kwento nyo hahahaaha wag masyadong rated x ha? ahehehe


26 comments - What do you think?  Posted by - April 1, 2009 at 11:17 am

Categories: kwento kwento lang   Tags:

Life’s An Itchy Beach

Scene:

Enjoy na enjoy ka sa beach. Maganda ang buhangin, masarap ang hanging *tslap tslap tslap*, preskong presko! Naisip mo na may dalang camera ang kaibigan mo. Papicture ka ngayon nyan diba? Popose ka ng parang model! Perfect beach shot! Pang profile pic! 

Pero nung makita mo yung litrato, eto ang bumulaga sayo!

funny-one

Sira ang buhay.

WTFOMGLOLIPOPZ! :)

Maraming salamat kay Alona para dito!

26 comments - What do you think?  Posted by - February 27, 2009 at 12:11 pm

Categories: kwento kwento lang   Tags:

Apo Reef Adventure!

Oo! Nawala ako mula Miyerkules hanggang Sabado dahil nagpunta kami ng mga kaibigan ko sa Apo Reef! :)

apo2

Sobrang ganda ng lugar! At kahit halos kalahating araw ang byahe papunta dun (lupa, dagat, lupa, dagat!), sobrang sulit! Tignan nyo naman o!

apo3

At kahit sa island, nako, hindi kami pinatawad ng katawatawang sulat sa pader!!!

apo4

WTFOMGLOLIPOPZ! May pinaghugutan ng pait! Ahahaha

Maraming salamat sa lahat ng myembro ng A.S.S.! (Apo Snorkeling Society) sa Mayo, Pangasinan naman tayo! Bolinao-Anda-Hundred Islands! :)

Maraming salamat kay Ate Rea at Kuya Ricky na naging tour guide namin sa island! Ang kukulit nyo! :D

Maraming salamat sa lahat ng mga tumulong maging masaya at makulit ang trip na to! :)

Punta nang APO REEF! :)

35 comments - What do you think?  Posted by - February 22, 2009 at 4:03 pm

Categories: kwento kwento lang   Tags:

Gawa Tayo Ng Pangungusap!

Simple lang! Ilagay lang ang salita mula sa column A, B, C sa mga blanko at tignan natin kung anong pangungusap ang magagawa natin! Let’s go mga bata! :)

Ang __A__, dapat nasa __B__, hindi sa __C__!

listahan

Sampol: Ang panty, dapat nasa bibig, hindi sa ulo!

WTFOMGLOLIPOPZ!

Anong sa inyo?!

47 comments - What do you think?  Posted by - February 17, 2009 at 1:41 pm

Categories: kwento kwento lang   Tags:

Muntik na akong atakihin sa puso!!!

Seryuslee!

Pano ba naman, may mga nabura akong files sa CPANEL ng greenpinoy. Walang ya biglang nawala ang mga comments, mga archived pages, lahat pwera lang ang front page!!!

WTFOMGLOLIPOPZ!

Buti nalang magaling ang tech support ng host ko! Naretrieve nilang lahat at ngayon balik na sa normal!

Kaya pangako ko sa sarili ko:

1) Wag magdedelete ng hindi naiintidihang mga files, baka kailangan ang mga ito!

2) Magbackup monthly. Dahil kung hindi nabalik ang mga nabura ko, October pa yung last backup ko. Ibig sabihin, mawawala lahat mula November 08 hanggang ngayon. EMG di ko kayaaaaaa!

3) Pag-aralan ang CPANEL! LOL!!!

Anyway by the way highway Hemingway, balik na sa normal ang lahat. Gusto ko sanang magupdate ng WP version kaso natakot ako. LOL!!!

Tuloy ang ligaya!!!

 thumbs_up.gif

20 comments - What do you think?  Posted by - February 10, 2009 at 12:52 pm

Categories: kwento kwento lang   Tags:

Greenies in Golden Acres

Noong sabado nagpunta kaming mga Greenies sa Golden Acres Home for The Aged upang magbigay ng konting pakain at kasiyahan sa mga lolo at lola doon.

Maliban sa amin, dumating din si Jollibee (hindi si Chie!) at sumayaw pa ng LOW para sa mga LOWLO and LOWLA ahahaha

Sa lahat ng mga sumama sa Golden Acres, maraming maraming salamat sa oras at pagod nyo!

Sa lahat ng mga nagbigay ng donation, sobrang laking tulong ang binigay nyo. Maraming maraming salamat!

Kay Chroneicon at Cyberlola na nag-ayos ng lahat ng mga kailangan ayusin para mangyari ang outreach, maraming maraming salamat sa inyo!

Sa mga nagdala ng camera, pa upload na ng pics :) Salamat!

Hanggang sa susunod na outreach!

Mabuhay ang Pilipinong Makukulit!

21 comments - What do you think?  Posted by - January 25, 2009 at 1:32 pm

Categories: kwento kwento lang   Tags:

Ang Buhay nga naman…

Minsan ang buhay parang telepono…

 oldphone.jpg

BUSY!!!

(yung phone sa litrato busy yan promise LOL)

EMG! :)

19 comments - What do you think?  Posted by - January 22, 2009 at 4:42 pm

Categories: kwento kwento lang   Tags:

Next Page »



My favorite videos!





Refer Publisher