Giant Saging? No Problem!
Natatandaan nyo pa ba ang mga sobrang lalaking saging na napakita dito?
Ang lalaki ng mga saging na yon! Pero hindi papatalo ang saging ng kaibigan nating si Anon!
WTFMOGLOLIPOPZ!!!
WHATTASAGING!!!Â
Ingat pareng Anon baka mabilaukan ka LOL!!! Sabagay mukha namang nasa ospital ka kaya ok lang sigurong mabilaukan ka maraming tutulong. Pero pagtatawanan ka muna nila sigurado LOL!
Maraming salamat para sa higanteng saging mo Anon! Enjoy! LOL!
Categories: kapitan saba Tags:
Ang Malaking Saging ni Fionixe
Hindi ko alam kung talagang berde ang isip ni Fionixe o na-impluwensyahan sya ni Kapitan Saba at pati nananahimik na giant saging sa grocery eh pinag-initan nya hahahaha in fairness and in fairytale, ang laki nga!!! hahahaha
Maraming salamat Fionixe para sa higanteng saging! Sana di ka nabilaukan! LOL!!!
Pero mas malaki ang saging ko ahahhahahaahhaha
Eto si Greenpinoy bago maging si Kapitan Saba LOL!
Categories: kapitan saba, true to life Tags:
Ang ikatlong malupit!
Siya si Jenta, a.k.a. Lady Fukiko!
Isang malupit na mandirigma ng mga Banana Ninjas ng bansang Hapon. Nakukuha ng mga Banana Ninjas ang kanilang lakas sa pamamagitan ng pagkain ng saging. Ngunit sa kasamaang palad, ang bansang Hapon ay kailangan mag import ng saging sa mga bansa gaya ng Pilipinas. Nabalitaan ng supremo ng mga Banana Ninjas ang tungkol sa isang mahiwagang saging na maaring makapagpatubo ng kahit gaano karami at kahit anong klaseng saging, ang saging na taglay ni Kapitan Saba! Pinadala ng supremo ng mga Banana Ninjas si Lady Fukiko upang nakawin ang mahiwagang saging mula kay Kapitan Saba!

Categories: kapitan saba Tags:
Ang ikalawang chorva!
Siya si Trishie, isang simpleng dalaga na sa kasamaang palad ay sinasapian ng espiritu ng isang bading na walang ginawa sa buhay kundi kumain ng saging! Sa mga panahong sinasapian si Trishie, siya ay nagiging si VEKLA, ang Bading na Manunubo ng Saging! Gamit ang kanyang hypnotic powers, nagiging tila zombie ang mga kalalakihan at wala silang ibang magawa kundi ipakain ang kanilang mga dalang saging! At dahil si Kapitan Saba ay may napakalaking saging, ito ang gustong makuha at makain ni VEKLA!

Categories: kapitan saba Tags:
Ang Unang Kalaban!
Siya si Boneng. Matalik na kaibigan ni Greenpinoy na may lihim na pagtingin sa binata (na hindi nya alam na si Kapitan Saba pala). Ngunit dahil sa isang malagim na pangyayari*, si Boneng pagnakakakita ng saging ay nagiging si MISS BASSA (Babaeng Ayaw Sa SAging)!
Lahat ng saging na nakikita nya ay pinachacha-chop chop nya gamit ang kanyang Kutsilyo ng Kadiliman! Wala naman syang galit kay Kapitan Saba at sa mga Senorita Boys, ngunit dahil sila ay mga alagad ng saging, pati sila ay gustong paghiwa-hiwain at patayin ni Miss BASSA!Â

*Namatay ang Lola ng bestfriend nyang si Lulu na tinuring ni Boneng na higit pa sa isang ina dahil nabilaukan sa saging na malaki. Mula noon galit na galit na sa lahat ng klase ng saging si Boneng!
Categories: kapitan saba Tags:
Si Tatang!
Siya si Tatang Jofell. Sa unang tingin, isa lamang syang gusgusing matanda na nagbebenta ng mga saging sa tabi ng Simbahan ng Baryo Maypuso.

Lingid sa kaalaman ng lahat, si Tatang Jofell pala sa katotohanan ay ang Haring Saging, ang nagtataglay ng lahat ng lakas ng Pangkalawakang Saba, na binigay nya kay Greenpinoy para sya ay maging tagapag mana ng lakas nito bilang si Kapitan Saba!

Categories: kapitan saba Tags:
The Boy Wonders!
Narito na sila! Ang dalawang binatilyong tutulong kay Kapitan Saba sa pag puksa ng mga masasamang elemento!
Sa normal na araw, sila ay sina Kidlat at Jeck, magkapatid na laki sa yaya dahil ulila na.
Sa panahon ng pangangailangan, silang dalawa ay nagiging sina SB1 at SB2, mga batang saba na kasama ni Kapitan Saba sa pagligtas ng sangkatuahan!!!
Sila ang…

Categories: kapitan saba Tags:
Ang Pinakabagong Pinoy Superhero!!!

Abangan ang mga kapanapanabik na pakikipagsapalaran ni Kapitan Saba dito lang sa www.greenpinoy.com!!!
Categories: cartoons, kapitan saba Tags:




