Sino sa inyo ang nakakaalala sa palabas na to sa WINS?!
Dito sa opisina marami-rami ang nakapanood nito dati at sobrang aliw kaming lahat sa show na to dahil sa host nyang si Ellen Nishiumi!

Ibang klaseng host kasi tong si Ellen. Sobrang nakakatawa. Simple kung bumanat at mukhang hindi nya sinasadyang magpatawa pero hahagalpak ka talaga sa kakatawa.
May mga signature lines sya gaya ng:
“Sumimasen, kore wa nan desu ka?” (excuse me, ano ito?)
“Ito daw po ay <pangalan ng tinanong>. At ito ay nagkakahalaga ng 1000 yen, sa pera po natin ay mga 500 pesos” - ito parati nyang sinasabi, walang mintis. Lahat ng presyong yen gagawin nyang pesos!
“Mmmmmmm ang sarap sarap!” - with matching kilig face kung gusto nya ang pagkaing tinikman nya
“Mmmmmmm parang di kami magkasundo ng lasa!” - pag di nya nagustuhan! LOL!
At eto talaga ang episode na tumatak sa utak ko:
Scene: Nasa isang parang cat museum sya na kung saan may mga iba’t ibang klase ng pusa sa magagandang “bahay”.
So lakad lakad si Ellen, comment comment sa mga pusang magaganda at mga bahay nila.
Cut to: Nakakita si Ellen ng sphinx, isang pusang walang balahibo.
Ellen: Wow! Tignan po natin yung pusa, walang balahibo! Nakakadiri!
Ahahahahaha EMG talaga! Sabihing bang nakakadiri ang pusa sa international TV?! LOL!!!
Kung sino man sa inyo ang may video clips nito, padala nyo naman!
Sa WINS Channel: Ibalik si Ellen!!! Onegaishimasu!!!






 



