dear greenpinoy « Oi! Greenpinoy!

Archive for the ‘dear greenpinoy’ Category

Isang timba

Saturday, August 9th, 2008

Dear Grenpinoy,

Nais ko lang ipamahagi itong TRUE-TO-LIFE story na nangyari sa aking kaibigan dito sa opisina. Tuwing naaalala ko itong kwentong ito, lagi akong tumatawa - kesehodang mag-isa ako o sa harapan ng maraming tao na hindi ko kakilala - OK lang! Hehe.

Bagong gising si Dino. Pagkabangon nia, dumirecho sia sa tindahan sa kapitbahay - walang toothbrush, walang hilamos. Inaalimpungatan siang bumili ng coke pang-almusal - parang kape lang. Habang nagbabayad sia, may lumapit na batang namamalimos sa kanya:

Bata:        (may dalang timba, inaabot kay Dino)

Dino:        Anong gagawin ko diyan sa timba, hindi naman ako nag-iigib!!!

Bata:        Kasi po….

Bata:        …umaapaw ang kagwapuhan niyo eh!!!

Dino:        (bumunot ng 20 pesos, sabay ibinigay sa bata)

Huwaaaaaw!!! Tambling!!! At ang bata, umuwi ng tuwang tuwa! Winner ang pickup line niya!!! =)

CRISSYTOT

———

LOL! Natawa ako sa buong sulat kaya nilagay ko lahat hahhahaa ang talino naman ng batang yan. Kung batang babae yan, may future maging GRO. Kung batang lalaki, may future maging scammer LOL!!!

Salamat Crissytots!







The GP Forums!

GP Readers' Gallery!

GP on Youtube!