Sabi ng officemate kong babaeng bading kanina:
“In fairness and in fairytale!”
Dati puro “in fairview” at “in furnace” lang ang variation na alam ko dito. Tawa ako ng tawa kasi ngayon ko lang narinig yan! Tumbling!!!
Sabi ng officemate kong babaeng bading kanina:
“In fairness and in fairytale!”
Dati puro “in fairview” at “in furnace” lang ang variation na alam ko dito. Tawa ako ng tawa kasi ngayon ko lang narinig yan! Tumbling!!!
Kaibigan ko. Kaibigan mo. Kaibigan nating lahat (pasensya na kakatapos lang ng election).
Yan ang babaeng bading!
Para sa mga hindi nakaka-alam kung ano ang isang babaeng bading, e hindi sila yung mga babaeng mukang bakla. Panget ang tawag sa mga yun ahehe. Sa katunayan, cute ang mga karamihan sa mga babaeng bading. Kaya sila nabansagang babaeng bading e dahil sa kanilang kilos at pananalita. Gayang gaya nila ang mga tunay na bading at kung minsan e mas grabe pa. Bihasang bihasa sila sa bokabularyo ng mga juding gaya ng chaka, chenelyn, chuva at kung ano ano pang eklat.
Ang nakakatuwa sa mga babaeng bading e ang galing galing ng kanilang sense of humor. Magaling silang silang tumayming at maganda ang delivery. Swak na swak. At eto pa, wala kaarte-arte sa pagpapatawa.
Gaya nalang ng isang kong staff dati na si Becky (hindi nya tunay na pangalan). Setting: Office. Mood: Serious. Binibigyan ko sya ng training sa trabaho.
Ako: Ok so ganito, filter mo, tapos yung mga pangalan, tanggalin mo.
Becky: Ah so shoshonggalin ko yung mga pangalan. Gets.
Ahahay!
Pero san ba nanggaling ang mga babaeng bading? Sa showbiz, nung una si Gizelle Sanchez at Rufa Mae lang. Ngayon andyan na ang mga tulad nina Kay Brosas, Tuesday Vargas, Ella V, Ethel Booba at pati si Toni Gonzaga. Nung college ako, ang dami nila. Ngayong nagtratrabaho na ako, mas marami pa!
Ang isang naiisip kong dahilan kung bakit nagkaroon ng mga babaeng bading e dahil maraming babae na ang best friend ay bading kaya sila nahahawa sa paraan ng pananalita at pagkilos ng mga ito. Tapos yung ibang friends na babae din nung babaeng bading e mahahawa narin sa kanya.
Pwede ring nabuntis yung original na babaeng bading tapos yung anak nya nagmana lang sa kanya. Tapos nanganak rin yung anak nya na nagmana rin sa kanya. Tapos nanganak rin yung anak ng anak ng anak.
Pero ano pa man ang pinagmulan ng mga babaeng bading, dapat tayong magpasalamat na andyan sila at napapatambling nila tayo.
Itong post na to ay para sa lahat ng babaeng bading. Mabuhay ang Pilipinong Babaeng Bading na Makulit!



