Major Major Congratulations Venus Raj! :D
Isang MAJOR MAJOR CONGRATULATIONS KAY VENUS RAJ
sa pagsali sa TOP 5 ng Miss Universe 2010!
Maganda pala sya sa stage no? Hehehe
GO GO GO! Buti naman matapos ang masaklap na kahihiyan na nangyari kahapon sa hostage taking eh binalik ang dangal ng Pilipinas kahit konti. Salamat Venus!
Categories: announcements Tags: ms universe, pageant, venus raj
Greenpinoy’s Favorite Videos From Around The Net!
Dito sa www.greenpinoy.com kung napansin nyo, hindi ako nagpopost ng video na hindi ko gawa. Pero naisip ko, marami akong videos na gustong ipamahagi na hindi akin kasi sobrang nakakatawa, nakakaaliw o talagang interesante!
Kaya gumawa ako ng:
Dito ko ilalagay lahat ng mga nakakatawang mga videos na galing kung saan saan sa mundo!
ENJOY!!!
Categories: announcements Tags:
Happy Birthday To Me! LOLz!!!
Waaaaaaaaaaaaaah tanda ko na! Ahahahahhaa
Celebrate parin! Hehehehe
Maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik nyo ng www.greenpinoy.com!
Mabuhay ang Pilipinong Thunders! Hahahaha
Categories: announcements Tags: birthday
Greenpinoy Presents: Singing, Dancing and Sh*t Load of Road Rage!
Ito na ang bagong video series na sana ay kaaliwan ng marami!
Pwede kayong magrequest ng gusto nyong kanta! Wag lang kayong magagalit kung mababoy ito hahahaha
Yung lang!
Categories: announcements, youtube videos Tags: dancing, driving, road rage, singing
MALIGAYANG PASKO SA ATING LAHAT!!!
Weeeee!
Naka-ilang Pasko narin ang www.greenpinoy.com!
Maraming salamat sa lahat ng suporta!
Maligayang Pasko!!!
Categories: announcements Tags: christmas, pasko
Categories: announcements Tags: boxing, manny pacquiao, pinoy
Greenpinoy sa FEU!
Nasa FEU ako bukas magsasalita sa org ni Mcrey
FEU 1-3pm. Andun din si Mr. Ramon Bautista idol!
Kitakits!
Categories: announcements Tags:
Di Naman AH1N1 LOL!
Matapos ang pagkakasakit ng ilang araw, eto ako’t nakabakasyon muna upang makapagrelax relax at makapagmuni muni!
LOL!!!
Kita kita tayo muli sa Sabado para sa Pakornihan Saturday!!!
*pahid sipon sa inyong lahat!*
Categories: announcements Tags:
Sinong Nanay Mo? :D
Para sa lahat ng mga nanay natin,
HAPPY MOTHER’S DAY!!!
Maraming salamat sa pagbigay nyo sa amin ng buhay, sa pag-aalalaga sa amin, sa pagpunas ng aming mga pwet at sa pagpapakain katapos non gamit ang parehong kamay na pinangpunas! LOL!
Unang Mother’s Day ito na wala si Mommy. Mahirap pero gagamitin ko nalang ang araw na to para isipin ang mga masasayang panahon namin nung buhay pa sya
I love you and I miss you terribly Mom
Categories: announcements Tags:
WOW!!! 2 ROUNDS!!!
WTFOMGLOLIPOPZICLES!!!
Congrats muli sayo Pacman!!!
Ang tindi! Dalawang rounds lang! Rematch na uli may oras pa!!! Ahahahahaha
Mabuhay ka Manny, mabuhay ang Pilipinong Manlalaro!!!
Categories: announcements Tags:
Happy Second Birthday, Greenpinoy.com!!! (May Contest din!)
Matapos ang unang anibersaryo ng mga Lashing Heroes, susunod na ang anibersaryo ng unang pagkikita ng mga Greenies!
Ang nagumpisa sa isang munti salo-salo ay naging isang pagkakaibigang pang habang buhay!
Maraming maraming salamat sa inyo, mga Greenies! Salamat sa isang taon ng jokes, gimik, out reach, iyakan, asaran, ligawan, harutan at kung ano ano pa!
Meron isang video na ginawa si Ate Ayz bilang isang anniversary gift sa lahat ng Greenies!
At sa darating na April 11, second anniversary ng www.greenpinoy.com!
At para i-celebrate ang 2nd Anniversary, may pacontest tayo!
Eto ang rules:
1) Kilalanin si BACHEENGOO! (Sino sya? Hanapin sa blog!)
2) Magsulat ng kwento tungkol sa kasaysayan niya! San sya galing? May magulang ba sya? Galing ba syang itlog? Sa Pilipinas ba? Basta ganon!
3) Yung kwento dapat hindi lalampas ng 300 words! Mas kwela, mas masaya! Mas original, mas ok!
4) Submit on or before April 11, 2009, 11:59pm sa oi_greenpinoy@yahoo.com.ph na may subject na “ANG BUHAY NI BACHEENGOO”
5) Ang mananalong entry ay makakatanggap ng gift certificate mula sa SM
Magkano? Secret pero malaki! Ahehehe
Ayos ba? GAME NA!
Categories: announcements Tags:
Isang Taon ng Pagiging Isang Hero
Lashing Hero!
HAPPY ANNIVERSARY CHRONEICON, LETHALVERSES, GASOLINE DUDE AT SA AKIN!
Pagpatuloy ang naumpisahang bromance! LOL!!!
Weeeehoooo uwi ka na dito Gasul!!!
Categories: announcements Tags:
Greenpinoy sa QTV sa THURSDAY, March 19!
Eto na siguro ang pagbabalik ko matapos ang ilang linggong pananahimik.
Gusto ko kayong imbitahan upang panoorin ako sa bagong show ng QTV na QTUBE!
Meron akong ginawang video na dito unang lalabas
THURSDAY, March 19, 2009, 10:15PM, sa QTV!

“This is your on-line magazine show that brings you all about what’s hip and hot in cyberspace!
It is hosted by radio DJ / MTV VJ Andi Manzano and model/athlete Andy Smith. “Your 100% virus free internet TV”
*Sayang hindi na mapapanood ni Mommy ito, pero ganun pa man, inaalay ko parin ito para sa kanya!
—
PR para sa show :
http://www.gmanews.tv/story/153160/Plurk-wearable-art-blogworlds–Wizard-of-Oz-Green-Pinoy
Categories: announcements Tags:
Paalam, Greenpinay
Kahapon pumanaw ang pinaka importanteng babae sa buhay ko. Ang babaeng nagbigay sa akin ng buhay at nagpalaki sa akin upang maging isang maayos na tao (sana…EMG!). Ang babaeng bumuhay sa anim na magkakapatid katulong ang aking ama. Ang babaeng nagturo sa akin ng halos lahat ng dapat kong malaman sa buhay. Ang babaeng pinagmanahan ko ng kalokohan. Ang original na Greenpinay, ang aking nanay.
Para sayo Ma, alam mong mahal na mahal kita at sobrang ipinagmamalaki kita. Ipinagmamayabang kita sa lahat ng mga kaibigan ko, at patuloy kitang ipagmamayabang. Habang buhay ako, buhay ang mga ala-alang iniwan mo. Hindi ka makakalimutan ng mga apo mong mahal na mahal mo. Hindi mawawala si Mama Pearl. I love you Ma. I will see you again.
Para sa lahat ng mga tumawag, nag-email, nag message at nagtext para ipamahagi ang pakikiramay sa akin at sa aking pamilya, maraming maraming salamat. Pinapagaan nyo ang kalooban namin.
Para sa mga nagpamisa kay Mommy, maraming maraming salamat. Alam kong ikatatuwa ito ng nanay ko. Nagsisimba yun e, di tulad ko
Para sa lahat ng mga bumisita dito sa bahay upang makita si Mommy, maraming maraming salamat. Hindi nyo alam kung gaano ako kasaya ng makita ko kayo, kahit papano, kahit sandali, nakalimutan ko ang bigat ng nararamdaman ko.
Para sa mga kaibigan nating nagbabasa at sumusuporta sa Greenpinoy, hindi muna siguro ako mag-uupdate ng ilang araw o linggo. Parang mahirap pa sa akin ang maging masaya sa mga panahong ito. Sana patuloy parin kayong sumuporta at andyan kayo sa aking pagbabalik.
Maraming salamat sa inyong lahat.
At muli, paalam, Greenpinay.
Categories: announcements Tags:
Dahil Birthday Ni Kris Aquino…

Para sa mga babae, lalaki, bading, tomboy, lolo, lola, sa mga single, sa mga double, pati na mga triple (lupaypay mga to ngayon sigurado!), may date o wala, HAPPY VALENTINE’S sa ating lahat!
Categories: announcements Tags:





