Basa. Basang basa.
Kung susumahin ko ang araw na to gamit ang isang salita lang, ang salitang gagamitin ko ay ang salitang “Basa”.
Oo. Buong araw akong basa.
Dinala ko mga pamangkin ko sa Enchanted Kingdom. 10 palang andun na kami kasi Sabado, inisip namin baka maraming tao. Ayun, andun kami, nagrarides mula alas-dyis hanggang alas-dose! Sunog na sa init ng araw, basang basa pa sa pawis.
Nang mapagod kami sa rides, nanood kami ng Pirates (mais kung mais) sa 4D Theater. Anak ng pirata, pati dun basa kami. Pero talsik talsik lang naman.
Lunch. Nabuhos ng pamangkin ko ang inumin nya. Yes, basa.
After lunch, Log Jam (for the longest time akala ko Log ‘Jump’). Basa.
Ng dalawang beses.
Sa unang round.
Eh two rounds kami.
So apat.
Katapos ng Log Jam? Eh ano pa! Ang lecheng Rio Grande. Nagsusumigaw na BASA.
At kumusta naman ang wallet at cellphone na hindi iniwan kay yayabells? Yung wallet ok lang. Yung cellphone ko…nasira. Pinatay ko, sinindi ko. Sumindi naman pero hindi na nya mabasa ang memory stick. Haaaaaaay pakshet. Medyo uminit ang ulo ko. Habang nagmamaneho pauwi, panay check ko phone ko kung ok na. Tumawag ako, ok naman. Nagtext at nagpatext ako ayos. Kaso wala parin ang memory stick. “No Memory Stick Found”. Pucha, kaputen na talaga! Pano na yung porno sa telepono ko!?!?!?!?
Dederecho na sana ako ng Glorieta para ipaayos to. Pero sabi ko sa sarili ko isang subok pa. Eto na. Tinganggal ko ang memory stick…sinuksok ko uli ito ng dahan dahaaaan. “Click!”. Sinubukan kong magbukas ng file. Lumabas ang sand timer! MAY HIMALA! Nabasa ang steeehk! Nabasa ang steeeeeehk! Hindi na ako tumuloy ng Glorieta pero pupunta akong Greenhills bukas para i-trade-in na ang teleponong serena habang gumagana pa to.
Lesson: Wag bibili ng second hand cellphones sa Greenhills dahil dun benebenta ang mga cellphong sumawsaw sa kung saan.

May 20th, 2007 at 1:05 am
eto ang tinatawag na kwentong tenko hahahaha sasabihin ko nga kina roxanne hahahahaa
May 20th, 2007 at 9:55 am
nyahahaha at least bago uli phone ko nyahahaha
May 20th, 2007 at 11:21 pm
na nga. hahaha. mandurugas.