Ang plastic spoon

Kagagaling ko lang sa isang resort na itatago ko sa pangalang “Caylabne Bay Resort”. Medyo malayo sya sa kabihasnan. Pagdating namin don, ok naman yung istura ng mga kwarto, maayos naman. Pero nung nag-ikot ikot na ako nako po, eto na. Sunod sunod na mga kalunos lunos na pangyayari.

Una, ang tanghalian. Buffet. Merong chopsuey, pero ang pangalan dun ay “vegetable forestaire”. Nung dinner na, parehong parehong klase ng gulay, pero ang pangalan na ay “vegetable gardenaire”. Utang na loob hahahaha

Yung beach, hindi sya beach. Fish pond sya. May mga talangka at mga gurami.

Ang pool, abay basag basag ang tiles.

May tennis court din don. Nagrenta kami ng mga raketa at mga bola. Apat sa limang bola, hindi na tumatalbog. Nabutas pa yung dalawa. Ang saya!

Pero eto ang the best. Nag-order ako ng ice cream. Binigay saking naka plastic cup with matching plastic spoon. Napansin kong may sulat yung kuchara. Alam nyo ba kung anong nakasulat? Syempre ang pangalan ng resort! Pero hindi!!! Ang nakasulat ay…

“Tropical Hut”.

Hindi ko natanong sa mga kasama ko kung Tropical Hut din ba yung nakasulat sa mga kuchara nila. Baka naman may Jollibee o Mcdo rin. Ayoko nang isipin pa kung bakit yung ang gamit nilang kuchara at kung pano nila nakuha yon. Sana nalang, please lang Lord, yung may ari ng resort e may ari rin ng isang franchise ng Tropical Hut.

13 Responses to “Ang plastic spoon”

  1. james Says:

    Si Teresita Reyes ang may-ari nyan. Nakatira sya sa Hawaii at nagpapayaman habang bahala nang magpatakbo ng negosyo ang empleyado sa Pilipinas. May home care racket pa yan sa Guam (ahahaha ano raw! sobrang inside information na ‘to!).

  2. denciojuan Says:

    paano kung hindi?paano kung yung kutsarang ‘yon ay nakuha nila nung sila ay kumain sa tropical hut, hinugasan, at pinagamit sa’yo?paano kung ganun?ano ang gagawin mo? :-)

  3. greenpinoy Says:

    LOL ang galing mo james!

    dencio, kaya nga ayoko ng isipin kasi nakain ko na yung ice cream.

  4. kennyjunkie Says:

    sana ipinagdasal mo na lang na hindi pa sana gamit ung plastic spoon!
    ung chopsuey baka may quail eggs sa umaga tapos sa gabi wla na! hehe

  5. greenpinoy Says:

    walang itlog!!!! walaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!! hahaha gulay lang talaga.

  6. denciojuan (apathy) Says:

    isipin mo na lang na mas masarap yung ice cream kaysa sa laway ng unang gumamit nun…

  7. greenpinoy Says:

    kadiri ahahahahahah

  8. nina Says:

    panalo talaga yung tropical hut na spoon mo haha!
    saan kaya next outing natin? sana sa star city! haahhaahha!

  9. greenpinoy Says:

    ahahahhaa tapos yung kuchara dun EK. ahahaha

  10. denciojuan (apathy) Says:

    kurek!

  11. greenpinoy Says:

    ahehehe

  12. arf Says:

    haha… one of the best vacations of all times!!!

  13. greenpinoy Says:

    korakkkkk!

Leave a Reply