Ang Pagbabalik ni Bertong Libag!
Dahil sa natatanging kapangyarihan, si Bertong Libag at Petrang Galis ay naging mga tapagtanggol ng Bario Tiktik laban sa kasamaan (ngunit sa kasamaang palad ay hindi nila magalaw ang mga politiko) gamit ang Special Libag Haduken at Galis Grenades.
Hindi na sila ngayon pinagtatawanan o kinamumuhian ng mga tao. Sa katunayan, naging inspirasyon na sila para sa madlang people. Kung dati ang uso sa Baryo Tiktik ay mukhang kulay pink at leeg na maitim ng dahil sa kakagamit ng Maxipeel at RDL at Chinchunsu sa mukha lamang, ngayon, ang uso na ay ang magkulay libag sa buong katawan, kagaya ni Berto. At kung dati ay flawless skin ang in na in (pero out parin, ang boyfriend kong baduy, baduy), ngayon, ang mga tao na mismo ang humahabol sa mga mikrobyo para sila ay galisin!
“Berto, ano ba itong nangyayari sa bayan natin, parang…ew.” tanong ni Petra.
“Ayaw mo ba non? Iniidolo na nila tayo!” masayang sagot naman ni Berto.
“But Berto…” sabi ni Petra.
“But what?” tanong ni Berto.
“But…but…” nauutal na pagsalita ni Petra.
“But, but. Batukan kita dyan e!” iritang sabi ni Berto, sabay walkout.
-ituloy mo na!-

November 16th, 2007 at 8:16 pm
“But imagine mixing galis and libag? Don’t you think it’ll cause an epidemic tapos tayo pa masisisi niyan?” si Petra.
“Hindi naman siguro,” si Berto.
Maya-maya pa, may nagtititiling babae sa hindi kalayuan. Hinahabol siya ng isang higanteng kulangot!
Agad na tumakbo sina Berto papunta sa babae, ngunit nagalit ito at sinabing, “Ano ba kayo? Huwag niyo akong pigilan! Ipapalabas na ang ‘Pasan ko ang Tigidig-tigidig’!”
Nasapak pa tuloy ng babaeng tumitili si Petra. “Eh bakit nandito ang higanteng kulangot?”
November 16th, 2007 at 8:38 pm
“Madapa ka sana” sa loob-loob ni Petrang Galis. “But…but weeeeytttt” nagkukuri-kamot pang sigaw nito. No! tili at matinis na boses na daig pa si Regine Velasqueesh.
“My Bertong Libag…my idol…my labiduvs…wag mo naman akong iwanan sa eksena, simula palang ng kabanata dos ay magkagalit na tayo? Baket gwapo ka ba? Akala mo yata ay si Ogie Alcasid ka hane? Tsurang mong to! Hoy bansot…magbalik ka nga dito”!!!!
Nang biglang sumabog ang gusaling kanilang kinaroroonan.
November 16th, 2007 at 10:47 pm
“As usual dear readers simula pa lang ng serye natin pero parang dalawang teasers pa sa pelikula ang simula…higanteng kulangot…o at building na sumabog ala Twin towers sa New York. Kung alin ang akalang tatabo sa box office ay siya mong ituloy”, saad ni Lily Monteverde.
November 17th, 2007 at 4:18 am
(Sorry pareh, kailangang suportahan, heheh)
Biglang nagtaka sina Petrang Galis at Bertong Libag sa nakita nila. May isang imaheng nagpapakita na nasa building sila at mawawasak ito. Nang mawala ang imahe, nakita nila ang higanteng kulangot na tumitirik ang mga mata.
“Kaya mong tumili nang ganun, my luvz?” si Berto patungkol sa Regine Velazquez na birit.
“Hindi ko alam. At ano ang kabanata dos? Tsaka bakit lumitaw si Mother Lily?” sunud-sunod na tanong ni Petra.
Maya-maya pa, natumba ang higanteng kulangot at nagsalita. “Napadpad ako dito upang bigyan kayo ng babala! May isang masamang bagay na mangyayari sa future!”
At maya-maya pa, namukhaan nila ang higanteng kulangot. “Madam Auring?” sabay na bulalas ng dalawa. Sa pagkakasabing iyon, nalusaw ang higanteng kulangot, at naglabas ng isang malakas at mahanging tunog na naririnig sa CR.
November 17th, 2007 at 11:45 am
“prrrooooototototot….tot….tot…tot!”
tunog na may kasama pang pabaon..at mula sa nalusaw na kulay berdeng kulangot, isang pangitain ang nakita nila.
November 17th, 2007 at 4:59 pm
Nakita ni Bertong Libag sa pangitain ang isang matandang lalaki na nag-iisa. Ang matandang lalaking ito ay maputi at mabuhok.
“Parang kilala ko tong lalaking to…” isip ni Berto.
Pinagmasdan ni Berto ng mabuti ang matanda.
“Parang pamilyar talaga ang mukha ng lalaking to! San ko na ba sya nakita?!” aburidong tanong ni Berto sa sarili.
Makalipas ang ilang minuto, naisip na ni Berto kung bakit pamilyar ang matandang lalaki sa pangitain!
“Ah ayun. Naisip ko din. Mukha syang pekpek.”
November 17th, 2007 at 7:25 pm
“Walang bastusan!” sabi ng Ermitanyong may mahabang pakpak, “respetadong arkanghel ang sugong iyong lingkod” di man tuwirang magsalita ang matanda ay nababasa ni Bertong Libag ang sinasabi nito, parang telekinesis o telepathy.
“Maghasik kayo ng kapayapaan sa buong mundo, simula dito sa Baryo Itik-itik (mali-mali pa pala ang Ermitanyo) a este Tic tac tik! Ay anuba kitik-kitik?” nagugulumihanang dagdag pa nito.
“Anuman ang mangyaring masama at di kanais nais sa immidiate future ay maghanda kayo, tandaan nyo ito…malapit na ang delubyo… itigil na rin ang walang kwentangkwentongpangkutchero”
At namangha lamang ang dalawa nating bida, di malaman kung anong
gagawin sa tinuran ng matanda na kahawig pa ni GayDumbledore. Kapwa kunot noo sa libag at galis na nagtanong…”Anu pong hika nyo may bakla sa gitna ng bawat patintero?”
“Bakit may reklamo?…Poop!” Yun lang at parang bulang nawala ang Ermitanyo.
November 19th, 2007 at 10:08 am
Namangha ang dalawa sa tinuran ng matanda.
At dahil sa bigla itong nawala na parang bula with matching effects pa na mausok at parang naglalaglagang bulbol, hindi napigilan ng dalawa pagkairita.
Napakamot si Petrang Galis sa kanyang singit at mula doon ay nagkalaglagan ang mga langib na kulay brown at itsurang pinipig. Hindi inaasahan na Bertong Galis n kumulo ang tsan nya, mabuti na lang sa pagsabog n naganap ay may naligaw na halohalo ang tumambad sa kanilang unahan. Kinain ni Berto ang halohalo sabay sahog ng mga langib na nagmula kay Petra.
“Ew!” wika ni Petra.
“Nakasusulasok ang ugali mo Berto! Alam mo namang may hanging na event na magaarive in da near future eh pagkain pa ng langib ko ang inuna mo.” tumutolong laway na tugon ni Petra.
November 20th, 2007 at 1:24 am
Napalunok si Berto sa kanyang narinig kay Petra. Lunok na nabulonan sa kinaing langib.
“agh! agh! agh!” agaw hiningang sambit ni Berto habang hawak-hawak ang leeg na nakwekwentasan ng malakremang libag.
“pluk!” isang malakas na sidekick galing sa likod ang ibinigay ni Petra sa nagkukumahog ng si Berto.
at mula sa kanyang bibig, sumambulat ang isang ga-kamong bato. gumulong sa lupa at huminto sa harap ng nalusaw na kulangot.
“ito ang susi para kayo ay magtagumpay..tagumpay..tagumpay”
umaalingawngaw na tinig ng Gay Dumbledor. na lumitaw na naman muli sa nalusaw na kulangot.
November 20th, 2007 at 7:53 am
“Berto! Berto! Gumising ka!” aburidong sabi ni Petrang Galis.
“Aba! Isang napakapangit na bangungot lang pala! Buti nalang!” sabi naman Bertong Libag.
Uhaaaaaa! Uhaaaaaaaa! Uhaaaaaaaa!
“Nagising tuloy ang ating anak na si Litong Uhog!” sabi ni Petra, na isa na ngayong ina.
November 20th, 2007 at 9:35 am
“Mabuti pa bumili ka ng diaper ni Lito-bebe ko.” sambit ni PG.
“O siya sige, pakiabot nga yung susi ng Aston Martin ko Petra.” sabat ni Berto.
“Itanong mo na lang kay Inday kung nasan, di ko mahanap eh.”
“Oo nga pala, yung iPhone ko di ko pa na-charge,” pangambang sabi ni BL.
“Hayaan mo na muna yun, dalhin mo na lang tong ‘blackberry with built-in refrigerator’ ko para may contact ako sa iyo, sabi nga rin nga pala ni ninong PA sunduin mo sya sa Hongkong, naligaw na yata dun ang loko.”
Dali-daling umalis si BL para bumili ng diaper nang biglang….
November 20th, 2007 at 11:25 am
“YUNG ASTON MARTIN!!! NACARNAP!!!” sigaw ni Bertong Libag!
*tootoot! tootoot!* tunog ng kanyang mobile.
“Ser, just took the new aston martin for a spin. Will be back in no time! - Inday”
November 20th, 2007 at 2:20 pm
“Lintek kang Inday ka!” bakat-ugat sa leeg na sigaw ni Berto.
“Petra labidabs, parito ka nga saglit at ipasan mo ako papunta ng tindahan.” pautos n sambit ni Berto.
“Ano ka ba Berto, alam mo namang pag napadikit ang balat ko sayo eh alam mo na kung saan ang deretso naten.” Namumula ang mukha ni Petra na para bang inaakit si Berto.
Nang biglang maalala ni Berto na meron pa pala syang natitirang load..nagdial sya sa ?1515 at tinignan kung pwede pa ipangtawag ang php 7.50…
“Ayos! Humanda ka Inday at magttxtm8 tau..”
“Tutututut tooot tooo tooot tutututut” - cell phone ni Berto..
November 20th, 2007 at 7:21 pm
Susyal ang ipod phone ni Inday, at may sariling ring tone pa…’Im gonna make u luv me…yeah ZAIDO…yeah ZAIDO’
“Ay Sinu ba itu?…Ay si ser Libug Bertu pala!”, si Inday habang nagpapahid ng lipstick at siya ring nagda-drive ng Aston Martin. (multi tasking ang tsimay na ito, dipuba)
Text: Ndie f u don’t come back hir at dis momment, BL will B very2 mad, I’ll kill u & ur goin 2 die!!!
Di nakaligtas sa atensiyon ni Inday ang text at parang walang anumang ibinato sa Canal ang ipod…”Will weel well…Hhhmmpphh…Istorbu!
November 21st, 2007 at 6:58 pm
“Haha! Alam kong ibabato ni Inday ang iPhone niya!” si BL.
“Eh ano ngayon plano mo?” si PG.
“Manood ka at tumingin ka sa direksiyong iyon,” sabay turo ni BL sa bandang hilaga. Kinuha ni BL ang kanyang N95 at ginamit ang GPS doon. May ipinasok siyang commands sa isang bagay na papuntang Club Adonis… ang kanyang Aston Martin. Pag-press ng send button, isang mushroom cloud ang nakita nilang dalawa na pumailanlang sa kalangitan!
“Hani! Bakit mo naman ginawa iyon!” si PG habang galit na sinasalo ang uhog ng anak. “Sayang ang Aston Martin! Eh kakabili ko lang niyan ah!”
November 22nd, 2007 at 11:10 am
“Pabayaan mo na Petra ang Aston Martin n yan! Ang importante eh nawala na sa landas natin si Inday” wika ni Berto.
Sa di kalayuan…
Duguan ang ilong ni Inday na bumangon sa nakataob na Aston Martin..
“Tinuod ku! unsa manay! pagkakirot ng aru duguduguan ko!” gumagapang si Inday.
“Humanda ka Ser! Hende keta patatawaren!” labas ugat sa noong sigaw ni Inday n umecho echo pa.
“Ren! Ren! Ren! Ren!”
“Tangna mo ren! ren! ren! ren!” balikwas ni Inday sa echo coming from nowhere…
November 24th, 2007 at 1:06 pm
May dumating na ambulansya sa pinangyarihan ng aksidente, nadala sa ospital si Inday at nagamot sa tulong ng nagmagandang loob na tumawag sa 911, si Dodong. Si Dodong na din ang nag asikaso ng lahat ng kakailanganin ni Petra hanggang sa makalabas siya ng ospital.
Hindi nalimutan ni Inday ang ginawa sa kanya ni Bertong Libag lalo pa at nag iwan ito ng malalim na pilat, pinalipas lamang niya ang isang taon at sa tulong ni Dodong na kinakasama na niya ay pinagplanuhan nilang kunin an pinakamamahal nitong anak na si Litong Uhog. Na napagtagumpayan din naman nila sa tulong ng mahika.
Labis na naghinagpis si Petrang Galis sa naganap, subalit hindi nila alam ang gagawin lalo ba at naitago ng mahika ang bakas ng pagkakakilanlan nila kay Litong Uhog. Hanggang sa lumipas pa ang sampung taon…
November 25th, 2007 at 2:02 am
“Inay Inday! Inay Inday! Number one po ako sa klase!” masayang sabi ni Litong Uhog sa nakilala nyang nanay, ang kumidnap sa kanya, si Inday at ang legal partner na si Dudung.
“Oh that’s swell my son! You really are one helluva genius! Go tell your father that fantabulous news!” sabi naman ni Inday.
“Sure thing Inay Inday!” sabi ni Lito na tumakbo papunta sa kanyang kinikilalang ama.
“Little do you know, Lito, that I am going to use you one day. And that day would be the day that I make your real parents pay for what they have done to me!” gigil na sabi ni Inday sa sarili habang hinihimas ang peklat.
“Walang ya ka Inday, nagmomonologue ka na naman dyan! Magluto ka na tanghali na!” sigaw ni Donya Kusing, ang bagong amo ni Inday.
December 5th, 2007 at 11:31 am
Sampung taon na ang nakalipas at binata na si Lito. Minsan, nakakuwentuhan niya ang kanyang Inay Inday.
“Mom, why do they always tease me when my nose runs? Am I cursed or something?”
“No son. Just tell them it’s your byproduct of being so blessed with a good mom and a loving dad.”
Ngumiti si Lito. Kunsabagay, hindi naman siya katulad nina Donya Kusing na nakikipag-pot session sa kanyang mga anak. Maayos ang pagpapalaki sa kanya ng mga kinikilalang mga magulang.
Samantala, sa may Tatalon, Quezon City, nagdidildil ng bagoong sina Berto at Petra. Lumala ang galis ni Petra at dumami lalo ang libag ni Berto dahil sa kakadampot ng basura.
“Hani. Mamamatay na yata ako. Hindi ko na kaya ang pagnanana ng mga sugat ko.” At nangilid ang mga luha ni Petra. “Kung nandito lamang si Lito, at kasama ko sa tabi ko, sa aking pagkamatay, magiging maluwag ang aking pagyao.”
“Puwedeh! ‘Yan na lang talent portion mo sa Wowowee!”
December 15th, 2007 at 8:59 pm
asd
December 16th, 2007 at 7:17 am
a sad end 2 da storee? anak nam pucha…di ako papayag kung ako ang masusunod…dipako nakakaganti sa mga mortal kong kaaway…marami pakong mga pangarap…marami pa akong mga inaasam-asam Dong sa kapus kong kinabuhi…maghanda sila hanggat hindi bumababa ang mga bansot at pandak na nakaupo sa trono ng Puting Palasyo…isaisa ko silang ililigpit…magkahalu-halu na ang balat sa tinalupang bayawak…mga ganid at ma-kasariling hinayupak na matakaw sa kapangyarihan…simula sayo Donya Kusing…
May ibinulong at iniutos si Inday sa kanyang binatilyong si Lito…
“Naintindihan mo bako anak o kailangan ko pang ulitin?…”
Kinabukasa’y laman ng bawat pahayagan ang dagling pagkamatay ni Donya Kusing, natagpuang nakahandusay sa tabi ng arinola…di malaman ang sanhi sa sobrang panghe…sa mga kamay ay may mahigpit pang hawak na pirasong papel…huling testamentong ipinamamana ang kanyang lahat-lahat na ari-arian (pulos barya) sa katulong na AYASIB!
Gumuguhit ang dayabolikong ngiti sa mga labi ni Inday…
“Lito…ano ngayon ang TULOK mo?
December 16th, 2007 at 7:18 am
a sad end 2 da storee? anak nam pucha…di ako papayag kung ako ang masusunod…dipako nakakaganti sa mga mortal kong kaaway…marami pakong mga pangarap…marami pa akong mga inaasam-asam Dong sa kapus kong kinabuhi…maghanda sila hanggat hindi bumababa ang mga bansot at pandak na nakaupo sa trono ng Puting Palasyo…isaisa ko silang ililigpit…magkahalu-halu na ang balat sa tinalupang bayawak…mga ganid at ma-kasariling hinayupak na matakaw sa kapangyarihan…simula sayo Donya Kusing…
May ibinulong at iniutos si Inday sa kanyang binatilyong si Lito…
“Naintindihan mo bako anak o kailangan ko pang ulitin?…”
Kinabukasa’y laman ng bawat pahayagan ang dagling pagkamatay ni Donya Kusing, natagpuang nakahandusay sa tabi ng arinola…di malaman ang sanhi sa sobrang panghe…sa mga kamay ay may mahigpit pang hawak na pirasong papel…huling testamentong ipinamamana ang kanyang lahat-lahat na ari-arian (pulos barya) sa katulong na AYASIB!
Gumuguhit ang dayabolikong ngiti sa mga labi ni Inday…
“Lito…ano ngayon ang TULOK mo?
December 17th, 2007 at 8:50 am
Marahang pinagpag ni Inday ang hawak na abaniko. “Now that I have control to Donya Kusing’s wealth, I can now make Bertong Libag and Petrang Galis’s lives a bit more hellish!” Pagkatapos noon ay tyumawa siya ng malakas, parang kung paano tumawa si Pokwang sa mga comedy bar. “Dati rati, ultimo butiki sa bubong, ipinaligo sa akin ng mahaderang si Petra. Siya ang uunahin ko.” Tuloy ang tawa ni Inday.
Dahil sa lakas ng tawa, nayanig ang butiki sa kisame, at nalaglag ito diretso sa nakabukang bunganga ni Inday. Maya-maya pa, nadatnan ni Lito na bumubula ang bibig ni Inday, nakalupasay habang pinapagpag pa rin ang hawak na abaniko.
December 18th, 2007 at 2:58 am
“Inaaaay..Indaaaay…Hwag nyo kong iiwan, hwag ka munang mamamatay” sigaw ng binatilyong si Lito na hawig kay TODD HERZOG
‘PAK’!… masakit na hataw ng abaniko ni Inday ang sumayad sa noo ni Lito.
“At sinong nagsabi sayong kamatayan ko na, sinusubukan ko lang kaining buhay ang butiki…baka isa ito sa talent portion ng susunod na SURVIVOR. Remember Pei-gei? She swallowed the fetus bird BALUT and still voted out of CHINA. Tignan mo BAKLA na naman ang nagtagumpay sa Out-wit, Out-play, Out-last ng episode na ito. Magaling talaga ang mga bading…mabuhay ang kabaklaan!”
Parang echo ang sumahimpapawid sa wavelength nina PG at BL.
“Buhay pa ang anak natin Berto, ramdam ko”, kamot-kati ni Petra.
“Oo gayun din ang peelings ko. Manalig sana tayo. At sa kabila ng ating super-power ay kailangang humingi tayo ng tulong…Oo kay Captain Saba!”, mariing desisyon ni Bertong Libag.
December 18th, 2007 at 10:20 pm
“As in ngayon niyo lang naalalang meron kayong superpowers?” Harurot ni Captain Saba sa nabutas na bubong nina PG at BL. “Antagal ko na kayong idol ah! Sampung taon na kayong hindi nang-iinspire!” Nagagalit na ang saging na nakakabit sa leeg ni Captain Saba.
“Our hero! Ang tanging hero na may puso!” Sina PG at BL.
“At sinong may sabi sa inyong tutulungan ko kayo? May sarili akong book at gusto ko, ako bida doon!” Nagulantang ang mag-asawa dahil hindi lang sila iniwanan ni Captain Saba, winasak pa niyang tuluyan ang bubong nila.
Hinawakan ni Bertong Libag ang magkabilang nagtututong na balikat ni Petrang Galis. “Di bale, hani, manggugulo tayo sa aklat niya!”
Maya-maya pa, may nakita si PG na kakaiba. “Hani, nakita mo yung sa TV?”
December 19th, 2007 at 1:33 am
“Totoo Ba Ito.. Di kaya ito’y panlilinlang? Another fakery? Tulad ng pagkaguho ng Twin Towers sa 911, dinoktor ng major networks ang mga aeroplane shot footage? Mahirap nang panilwalaan ang lahat ng bawat makita sa TV, DINAKO BILIB!”
At pumalakpak ng 2 beses si BL, KLAP-KLAP at biglang namatay ang TV.
KLAP-KLAP, si PG muli, at biglang nabuhay ang TV.
“Wag ka kasing kumurap-kurap, talasan mo ang yong mga mata, tignan mo, tignan mo! Diba’t si Inday yang kausap ni Girl Abunda”?
“OONGA…Anong nangyari na kay Kris Kunyeho?”
December 19th, 2007 at 7:11 am
“Soooo Inday, your story is I guess what we can call a ‘rags to riches’ one. A Cinderella story of some sort.” pa T-H na ingles ni Boy kay Inday.
“No Girl, er, Boy, mine is not your ordinary story. I didn’t have any fairy godmother nor did I get my riches out of good luck. I’ve worked extra hard to be where I am today.” mataray na sagot ni Inday.
“And where are you today?” tanong naman ni Boy.
Sasagot na sana si Inday ng biglang sumabog ang pinto ng studio!
Nang mawala ang usok, nakita ni Inday ang hindi nya inaasahan…
“Ibalik mo sa amin ang aming anak Inday!” sigaw ni Bertong Libag na muling nakasuperhero costume, syempre kasama ang kanyang asawa at partner in crime-fighting na si Petrang Galis!
“Wow bongga.” yun lang ang nasabi ni Girl Abunda bago sya namatay.
December 21st, 2007 at 3:04 am
“May sa balat-kalabaw ka talaga, Inday! Hanggang ngayon, hindi ka pa rin tinablan ng Banil Blast ko at Naknak Attack ni Petra!” Si BL, habang pumormang parang Powder Ranger.
Maya-maya pa, may dinukot sa bulsa si Inday. Isang feather duster iyon. Humanda ang dalawang superhero para sa kung anumang atake ni Inday, ngunit laking gulat nila nang nilulon ni Inday ang feather duster.
“Arnola!” Sigaw ni Inday, ngunit hindi tumalab iyon. Nabulunan si Inday sa laki ng feather duster na nilulon. Maya-maya pa, lumitaw si Dudung Defender, ang alter-ego ni Dudung na asawa ni Inday.
December 21st, 2007 at 8:51 pm
“At sino ka naman?” tanong ni Bertong Libag at Petrang Galis sa misteryosong lalaking tumambad sa kanilang harapan!
“Aq c Dudung! Aswa n Nday! Hmnd keo @ pptyn q keo!” sabi ni Dududng Defender!
“Ano daw?” gulong tanong ni Berto.
“Nasobrahan ata sa kakatext…” bulong naman ni Petra.
“Sht! La na me load!”
December 22nd, 2007 at 4:35 am
“Punyetang blackberries yan hanggang ngayo’y kaagaw sa kaek-ekan.
Wala namang silbe…laging jutay ang juicy plan!”
Sa wakas nagkahara-harap din ang ating mga bida at antigonista…daig pa ang kalerkyng finale ng X-Men series sa pelikula…habang ang ating mga masugid na mambabasa ay kumabog kabog ang tibok ng dibdib sa antisipasyon.
“Walanghiya Ka!”, si PG habang nilalampaso niya sa pusali ang mukha ni Inday.
KA-BLAG! KA-BOOM! KA-POW! SFX ng MANNY O MANNY nina BL at DD.
At nag PAQUIAO-AN (bakbakan) Bakat-Bayag, walang urungan!
“Nasan na si Lito? Ang aming bunso, NASAAN?”
December 27th, 2007 at 1:16 am
Sa dating Hacienda Buding (ngayon ay Indey’s Valais na ang tawag dito), nakasakay sa kabayong hindi naman tumatakbo si Litong Uhog. Bigla niyang naalala na meron nga palang talk show na pupuntahan ang kanyang nanay(-nanayan… hindi pa rin niya alam, mga kaibigan). Nakita niya ang MyTV device sa kuwadra… mga sampung talampakan ang layo nito. Napa-buntunghininga ito… nang malakas.
Nagulat na lang siya nang biglang lumabas ang uhog nito at humaba hanggang sa lapag. Dumikit ang uhog na parang web ni Spiderman. Maya-maya pa, nag-eksperimento siya. Tumingala siya at inasinta ang MyTV device sa kuwadra. Nang maramdaman niyang may nakabitan na ang uhog niya sa kabilang dulo (hindi niya nakita ang kinabitan dahil nakatingala nga siya), sininghot niya ang uhog ng ubod-lakas.
Nagulat na lang siya nang biglang may palang (shovel) lumipad papunta sa kanyang direksyon. Nagising siya pagkatapos ng sampung minuto at nagtatatalong parang baliw. “Damn! I’m a superhero! I can even lift heavy objects using my snot!”
January 11th, 2008 at 11:00 pm
Itutuloy, sa aklat na pinamagatang… Sa Gatas Mo, Aking Ina…
(Nang matapos na itong post! Hehe.)
January 11th, 2008 at 11:20 pm
LOL pwede! hahahaha