Ang Aking Top 10 fet feebs!

Lahat ng tao may mga kina-iinisan. Merong malalaking bagay, at meron din namang hindi na kailangan pansinin o kainisan pero hindi natin alam kung bakit tayo iritado sa mga to. Mga iba inis sa ipis, mga iba naman inis sa maiitim. Ako? Eto ang aking top 10!

1) Mga nanay na ewan

     Alam nyo yung mga nanay na hindi kayang magpatigil ng ngumangawang anak sa mall? Pano ba naman titigal ang bata e ganito ang style nila:

Nanay: Buding tumigil ka sa kaiiyak mo! Tumigil ka! (sabay kurot) Tumigil ka sabi sige iiwan kita dito! Ano baaaaa tumigil kaaaaaaa (sabay palo).

Kinurot na, pinalo na, tinakot pa! Hindi talaga titigil ang bata! Ahahaaaay.

2) P en EP depek

     Ahehehe kahit gaano ka kaganda o kagwafo, fasensya na fo, turn op talaga to!

3) Txtn lyk dis. K.

     Ok lang naman magshort cut e. Ok lang talaga. Pero sana naman wag ng umabot sa puntong nagiging pala-isipan ang text.

     “Pnt k n hr mtgl p b u? gtm n q kc. Lm q n mg mgml nlng tau brng kc d2 e. k ngtz.”

     At yang “K” na yan! Ang tinu-tino ng text mo, talagang pinag-isipan ang sagot, excited kang malaman kung ano sasabihin ng katext mo, tapos ang matatanggap mo lang ay “K”. K-k-gigil! Ahahaha

4) Ang hextra heych

    Bakit ba kailangan dagdagan ng “H” ang mga salitang ok naman ng wala ito? Di ba poh nakaka-iritah lhang?

5) Mga crew ng fastfood na nakasimangot

    Sige, sabihin na nating may problema sila ng araw na yon o kaya’y sadyang hindi lang maipinta ang mukha. Pero dapat, pag asa ganong trabaho ka, marunong kang mag-adjust. Konting ”hello”, konting smile, ok na yun. Ayaw ng mga tao na lasang simangot ng kanilang fried chicken!

6) Ang nawawalang medyas

    Kung nagpapalaundry kayo kagaya ko, siguro ay naranasan nyo na to. Nung nakaraang buwan e meron kang benteng pares, ngayon tatlo nalang, hindi pa parepareho!

7) Mga yayang amo

    Hindi na natin kailangan pang pag-usapan ito hahahaha sigurado ako nakaranas na kayo nito!

8 ) “Tara, sa loob ng sinehan tayo mag-kwentuhan!” 

     Inis na inis ako sa mga taong nagkwekwentuhan sa sinehan, lalo na kung nasa kalagitnaan ng pelikula, yung tipong sinasabi na ng istorya na ampon ang bida at kung bakit mas mahaba yung kaliwang paa nya kumpara dun sa kanan. Parang ang sarap nilang pasakan ng popcorn sa ilong, yung barbeque flavor para medyo maanghang-anghang. Magawa nga yun next time. Ahehe

9) Mga pulis sa lilim

    Lunes ng tanghali, may nakita kang traffic violator. Nagleft turn sa no left turn. Nagtataka ngayon kung bakit hindi sya hinuli. Tingin ka ngayon sa paligid kung asan ang mga pulis…ayun sila sa di kalayuan! Sa likod ng squad car na nasa lilim at nagkwekwentuhan! 1,2,3…4! Apat sila! Mahal ko talaga sila. Mahal na mahal. 

10) Where did you bought that?

     Wala na sigurong mas karaniwan pa sa kamaliang ito. Ang daming beses ko ng narinig to mula sa iba’t ibang tao. Kahit sa mga ok naman mag ingles e sumasablay pagdating sa tanong na to. Ano bang meron? 

22 Responses to “Ang Aking Top 10 fet feebs!”

  1. kennyjunkie Says:

    ung #8 nangyari na sakin un habang kme ay nanonood ng Brokeback Mountain. ang akala cguro ng matandang iyon ay kwento ito ng 2 mag bespren lamang.
    sabi nya “huh?! ano yan bading sila? sino sa kanila ang bading?” “bakit sya may asawa kung bading sya? a cguro pinagtatakpan lang nya..” blah blah blah!
    grrr! ang sarap patulan at sabuyan ng kumukulong mantika!
    XD

  2. Jofell Gallardo Says:

    5) Kaya siguro hindi na nila ginagawa yung pseudo-dance step nila na “Bee Hapeee!” Nakakaubos ng lakas! Ngayon, parang “Bee-sakulin ko tonsils mo eh!” ang dating.

    8) Sa GB3 may nagbebenta ng wasabi flavor. Masarap ilagay sa ilong yun.

    9) Ano ka ba… tanghali ‘yun so lunch break na nila. Kailangan nilang pagsaluhan ang “morning harvest” nila. Wekekeke.

    10) I did not said that!

  3. james Says:

    isa ko pang pet peeve, nagpost ako ng comment tapos chine-check ko ngayon hindi pala na post, tang-ina. ayan napamura na ako.

  4. Kissy Says:

    #1 hindi lang sa mall, pati sa simbahan yung tipong nakakairita yung ganun diba

    #3 minsan matagal ako makareply kasi iniisip ko kung ano yung text sa akin, minsan naman malalaman ko nalang na mali pala pagkakaintindi ko. hirap diba

    #8 naku nung nanood kami kasama ng officemate ko, bandang gitna kami meron ba namang magsyota sa may gilid na nagkkwentuhan ang lakas pa nakakairita hindi na lang pumunta sa park at doon magkwentuhan lolz…

  5. clare Says:

    Tenks! Hahaha! I just blogged about my peeves, too! kagabi lang. Yung “H” na yan kainis talaga!!!!! tapos yung mga “hir na me” - “wer na u” gaaaaa!!!!!

  6. clare Says:

    where did you bought that?

    — HAHAHA. Shet. OO nga, tapos yung nagtanong pa-sosyal pa talaga with an accent..aynaku.

    Hindi nito kasing-tindi niyan pero nung high school, may nagtanong sa akin, “Did you both fought?”

    Eh, say what?

  7. jimg29 Says:

    Re fastfood crew, tigas nguso; ikaw ang customer na always right so you deserve da best ! Pero hindi ito ang ikaka-high blood mo. Baka mauna ka pang matigok bago mo matikman ang manok. Pero anu ba ang lasa ng simangot?

  8. nina Says:

    d2 na me.

    oh my godness!! what did you did!?!??!

    k. l8ers. hahahaha!

  9. Poli Says:

    Pareho tayo sa 1,3,4,5,7 at 8!

    Yung katulong namin gusto kong patayin! Aba mantakin mong habang nanunuod ng TV sa sala e nakahiga doon sa mahabang sofa, may unan at nakalagay ang dalawang kamay sa ulo. At habang nakatutok sa kanya ang electric fan, ako naman e naliligo sa pawis. Mai-blog na lang kaya siya! Hehe!

    Dun sa 4, idagdag mo na rin yung mga naglalagay ng H at pinapalitan ng Z ang S sa pangalan nila. Gaya ng Jhun, Rhomel, Melizah.

    Ako natatawa ako sa mga may P at EP depek! Nakiki-ride on na lang ako sa kanila! Hehe.

    O siya, parang nobela na ang comment ko.

  10. tiyofox Says:

    Comment lng ako sa may sinehan: nilapitan ko tlga ay ung ngbabantay at kumukuha ng ticket sa deluxe(buti nga di balcony eh.. :”>) as in malayo na kami sa knya pero rinig mo un ka-kwentuhan nya na guard yta un! kasi mas malaks ung kwento nya kesa sa pinapanuod nmin. mg-kagalit pa naman km ng GF ko! ayun! napagbuntunan ko ng inis! =) pero bad trip nmn kasi tlga sa sobrang lakas ng boses nya, wla tlga sa lugar!!! kya ung mga mgkwekwenthan lng sa loob ng sinehan, lumabas na lng kyo!!!

  11. nelo Says:

    uu nga badtrip talaga yung maiingay sa sinehan lalo na yung magbabarakada na nagkukuwentuhan…syempre yung magsyosyota nasa gilid lang yun at nananahimik..minsan yung mga damoves na lang ng lalaki yung pinapanood ko pag wala kwenta palabas..

    ang pinakabadtrip yung mga lalaking nakataas ang paa sa sinehan at nanginginig pa! ang sarap hiwain ng chainsaw…

  12. greenpinoy Says:

    AHAHAHAHAHAAH tawang tawa naman ako sa mga kwento nyong lahat!

  13. Kyle Domingo Says:

    2) P en EP depek

    tae. yung isang nagsasalita sa service ng church na sinalihan ko dati, ganito magsalita “Pather, flease forgive our tressfasses..”

    holy sh*t! (literally) Diyos ko. patawarin nyo po siya at hindi niya alam ang kanyang ginagawa.

  14. Kyle Domingo Says:

    dagdag mo na rin pala yung sTuDlEy CaPs (sTiCkY cAPs).. mas malala yung random ‘h’ effect pag nakaganun

    mZtaH n pOh U? d2 Na PoH mE!

    may ginawa akong pang-convert ng ordinaryong cases to sTiCkY cAPs. di ko na sineryoso at pinaganda. pwede nyo makita dito para may pang-asar kayo hehehe

    http://stimae.freehostia.com/randomcase.php

  15. greenpinoy Says:

    LOL @ Kyle. Fatayin na yan LOL

  16. zorell21 Says:

    WOW!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!NGA MGA EWAN hehehhehehehehehehe..!!!!!@@@@@@

  17. greenpinoy Says:

    LOL ano?

  18. arf Says:

    haha i totally agree!! lalo na yung mga p and ep defects, hehe

  19. arf Says:

    at yung mga malalakas tumawa sa sinehan…
    ai naku, nung nanood kami ng spiderman3, merong 2 babaeng sobrang lakas tumawa kahit walang nakakatawa dun s a scene.. pinagtatawanan lang yata si kirstin dunst. bwisit!

  20. greenpinoy Says:

    hahahahaha bat naman nila pagtatawanan si kirstin dunst?! walang panty?

  21. antuken Says:

    hala, malakas tumawa sa sinehan, baka ako yun ha… hahaha…

    p and ep depek, i totally agree… pati yung b and v defect…

    ang kasamaang ugali ko pa, nagiging habit ko to correct them aloud (sa mga mukha nila, hindi man lang makapag-hintay na umalis na)…

    isa pang kakairita, yung mga nagsasabi ng MORE STRONGER, or more prettier (naman… more na nga eh!)…

    i sooper love reading this blog… i linked you up already ha…

  22. greenpinoy Says:

    hey thanks antuken! hahahaha yung pang correct, i leave that to the brave ones LOL

Leave a Reply