Ang Aking TOP 10 Pinoy Comedies!

1) Booba

     Ang pinkapaborito kong Pinoy comedy of all time! Idol ko talaga si Rufa Mae haha san ka pa makakakita ng magadang vavavoom na walang arte sa pagpapatawa? :)

    “Gatas? Gusto mo ng gatas?”

2) Jologs

     Sa totoo lang, iritang irita ako kay Vhong Navarro bago ko to napanood. Pero nung napanood ko na ang Jologs, aba! Fans ko na sya! :)

3) Ang Tanging Ina

     Basta si Ai-ai benta sa akin!

     “Akala mo lang wala, pero meron, meron!”

4) Crying Ladies

     Drama ba to o comedy? Ewan, basta nakakatawa silang tatlo! Ang sakit kaya mag lagay ng white flower sa mata! Ahaha

5) Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros

     Isa pa to…drama ba o comedy? Pero the best yung Miss Gay beauty pageant nila! Ahahaha at yung inggiterang bakla!!! Character!!! :)

6) D Lucky Ones

     Minus Joseph Bitangcol ahahaha Dito ko naging idol si Pokwang at si Eugene. Ang galing ng tandem nila!

     “Ang ganda mo…wala sa hitsura!”

7) Kahit anong pelikula ni Kris Aquino

     Drama, horror, action…kahit ano! Basta si Kris ang umarte, natatawa talaga ako! :)

8 ) Tiyanaks

     Ang laki pala ng boobs ni Jennylyn Mercado no? Siguro iniisip nyo “Eh horror to no!”. Panoorin nyo, sigurado akong magbabago ang isip nyo ahaha

9) Bridal Shower

     Ang galing ni Cherry Pie Pikachu dito. Dito rin unang sumikat si Alfred Vargas, sobrang bagay sa kanya yung role ahahaha di mo aakalaing galing Ateneo hehe

10) Ang Cute ng Ina Mo

     Hindi naman ako masyadong fan ni Ai-ai at ni Eugene  hahaha medyo nakaka-irita lang si Luis Manzano kasi hubad ng hubad, pero tawang tawa ako lalo na pag nag o-Australian accent si Eugene hahaha

“ITALY, I Trust And Love You!”

    

21 Responses to “Ang Aking TOP 10 Pinoy Comedies!”

  1. Jofell Gallardo Says:

    Kung napanood mo ‘yung “Gagay: Ang Prinsesa ng Brownout”, tsaka ‘yung mga Rene Requiestas movies, tatambling ka sa kakatawa.

  2. james Says:

    sa maximo:
    “Inay, ang pansit lalamig!”

    Totoo ba yang Luis#10? Kailangan kong mapanood yan, ahhaha.

  3. greenpinoy Says:

    hahaah oo gusto ko rin ng Gagay! Lalo na yung opening scene, yung nanganganak yung ina ahahahahahahahhahahahahaa

    james, oo hubad ng hubad promise. LOL

  4. benj Says:

    Lola, ang buhay parang gulong… Minsan nasusunog. Hahahahahhahahaha

  5. james Says:

    napanood ko na! ahehe tama ka nga. nandun pala si dj durano. sana sya na lang ang naghubad, haaay. ano ba to, ginawa ko nang badingky-winky tong movie entry mo. ’sensya na.

  6. greenpinoy Says:

    LOL benj! “Booooobaaaa buhay pa akooooo” LOL

    James, si DJ durano ba yung hanep sa OA? Ahahahahaha ok lang james! walang prejudice dito LOL

  7. Jofell Gallardo Says:

    Actually may scene sa Gagay ‘yung sequence na pinapakita yung transfromation niya from “Gagay” to “Prinsesa ng Brownout”. Hindi ko makakalimutan dun yung manikurista, ginamitan niya ng plais (pliers), paet (chisel), at martilyo para lang matanggal yung dumi sa kuko ni Gagay. Maya-maya, bumubula na yung bibig nung manikurista. After ‘nun, bumababa na sa hagdan si Gagay (portrayed by Gelli de Belen), with all the poise she could bear, tapos nahulog siya sa hagdan, “Bakit, kaya n’yo ‘yun?”… Kulet!

    Good choice din ‘yung kay Roderick Paulate, ‘yung “Bala at Lipistik”… “Meron akong lipstick, isang box, galing Japan.” Kulet!

  8. kennyjunkie Says:

    panalo sakin ung crying ladies..mapa-comedy or drama.
    si ruffa mae..panalo sakin ung “masakip sa dibdib” nya..dinugo ako dun! haha

    masarap din panoorin ung mga 80’s na comedy kahit corny pero ewan ko kung pano nila ako npapatawa! and ung mga panahon ni eddie garcia, gloria diaz and amy austria (na-forget ko n ung title ng movie nila e..bsta ung sexy comedy na un).
    ;P

  9. greenpinoy Says:

    LOL panalo nga ang Gagay! Taga benta ng uling LOL uling-powered generator!

    kenny, yung masikip sa dibdib ok sana kaso ayoko nung mga roles nina john lapuz at sunshine dizon hahaha parang mga ewan LOL pero tawang tawa ako tuwing dumudugo mga tenga nila hahhaa buong pamilya!!!

  10. kennyjunkie Says:

    meron din akong napanood na old skool na comedy, starring tito, vic and joey w/ herbert bautista..ung may butingting shop sila tapos mahilig din silang rumaket sa pelikulang iyon.. hehe ;P

  11. denciojuan (apathy) Says:

    iwelcome mo muna ako greenpinoy at dahil ako’y nagbabalik sa himpapawid…

    agree din ako sayo sa number one choice mo…booba forever…hahaha

  12. David Says:

    ang paborito ko sa ang tanging ina yung nawala si tenten!! XDDD
    at fake po ang boobs ni jennylyn!! XDD

  13. clare Says:

    uy may magandang black and white movie na comedy - as in gloria romero times na bata pa siya pero di ko alam kung starring diya dun. yung magkakapatid na mga bading tapos ipinasok sa army school. sayang di ko maalala yung title. shet.

    yung petrang kabayo, namimiss ko na. yung gagay, masaya yun!


    tenks, yung sumigaw ka hanggang gusto mo - hindi mo top 10? hehehehe

  14. greenpinoy Says:

    hahahaha clare…i wanna suck your blood! ahahahaha welcome back dencio!!! david, muka ngang peke kasi biglang laki ahahaha kenny, minsan nakikita ko sa cinema one yung mga lumang comedy at meron talaga silang appeal! :)

  15. Dan Salamante Says:

    Salamat naman po at nagustuhan niyo ang “Gagay”.

  16. greenpinoy Says:

    mahal ko ang gagay prinsesa ng brownout!!! LOL

  17. Anastacio Cruz Says:

    haler???

    ako yung intrigerang bakla na sinasabi nyo noh!!!

    sa maximo oliveros…

    haha./..

    can’t forget that movie…

    grabe…

    naging trademark ako ng movie na yan kahit na minor role lang ako…

    tnx sa mga pumansin…

  18. Anastacio Cruz Says:

    “nay, lalamig ang pansit…

    mas malamig pa kayo sa pansit.. huhu”

  19. greenpinoy Says:

    hahahah di nga?! ayos!!! :)

  20. Anastacio Cruz Says:

    yah.. ako yun!!

    lol

  21. greenpinoy Says:

    wowowowow :) idol!!!

Leave a Reply