7 Truths About Me
Na-tag ako ni “Your Love Coach“ (hindi ko alam kung bakit mo ako napiling i-tag hehe pero maraming maraming salamat sayo!) para magsabi ng pitong katotohanan tungkol sa akin. Ano ba bat naman pito lang. Ahehe biro lang
Ito ang Pitong katotohanan tungkol kay Greenpinoy!
1) Nakapagpatanggal na ako ng dalawang nunal sa mukha ahahahaha promise.
2) Hindi ako kumakain ng banana cake (eh ano naman diba? ahaha)
3) Mahilig ako sa mga laruan, pero ngayon lang ako natutong mag-alaga ng mga ito. Nung bata ako sira lahat ng laruan ko haha kaya alam nyo na ireregalo nyo sa akin sa pasko *wink wink*
4) Mahilig akong magputok ng mga pimples at blackheads at whiteheads. Kahit hindi akin. Yuck ahahaha
5) Hindi ko alam kung bakit pero hindi na ako nagtatagalog pag lasing na lasing na ako. Say what?
6) Dahil ayokong magpapapasok sa school nung bata ako, pikon na pikon ako sa nag-imbento ng eskuwelahan. Ginusto ko pang mag-imbento ng time machine para lang patayin ko ang nag-imbento ng school.
7) Sinadya kong sirain ang mga mata ko dahil gusto kong magsalamin nung bata ako. Sinusuot ko yung reading glasses ng nanay ko at yung 5-inch thick eye-glasses ng aking lola hanggang mahilo-hilo ako. Hanggang ngayon gusto ko parin kaya nagcocontacts lang ako pagnagshe-shades
Yun lang!
Wala na akong ita-tag kasi sigurado ako lahat kayo na tag na nito ahehehe

November 6th, 2007 at 8:09 pm
parehas kayo ng tatay ko hindi nagtatagalog pag lasing hahaha.. At relate na relate ako sa number 6 o diba naman
November 6th, 2007 at 9:18 pm
hahahaha mga tamad pumasok LOL
November 7th, 2007 at 12:50 am
YUng number 1… kelang yung pangalawang nunal? di namin alam yan ah!
November 7th, 2007 at 1:36 am
gaga sabay lang sila LOL
November 7th, 2007 at 2:14 am
pero bakit nga ba nung bata pa, naa-amazed kapag nakasalamin… ginawa ko din yan eh… ung salamin ng lola ko basta nabisita kami sa bahay nila, lagi kong sinusuot ng patago.. un nga lang… di naging effective…
ung tamad pumasok… di ko naman naisip na gumawa ng time machine.. nagdadahilan na lang ako paa lang maka absent, hehehhe!!!
November 7th, 2007 at 3:40 am
#3: u didn’t specify what kind of toys so na-curious ako…sex toys ba? lol
#4: marami rin akong blockheads at whiteheads, cge magpaputok na tayo! early new year celebration yan! talo “lebentador” (something like that) nito
#5: hu da pak du yu tenk u r?!? u pakken sayin english tu me? waaaa! noot drank her…nibir! *lupasay*
#6: sige meet up tayo. pakapalan tayo ng eyeglasses! talo ka! mas makapal akin! a la magnifying glass glasses ko lol! nerdddd! contacts? hmm…hirap isaksak sa mata lol!
November 7th, 2007 at 1:47 pm
di mo na naman ako tinag!
November 7th, 2007 at 9:15 pm
hahaha LOL shay. sa akin effective LOL
idot, click mo yung link, makikita mo collection ko
ano ba grado ng mata mo?
maggie!!! sige tag na kita!!! promise!!! mwah!
November 7th, 2007 at 10:04 pm
oy oy, may blag (blog) na si magay?
sabay pala, hmmm. di ko maalala yung isa eh hahaha
November 7th, 2007 at 10:15 pm
ha? anong sinasabi mo? LOL
November 7th, 2007 at 11:11 pm
yung nunal mo. hmpf.
November 7th, 2007 at 11:52 pm
ah. kala ko nababaliw ka na. LOL
November 22nd, 2007 at 9:29 pm
#6: Sino bang bata ang hindi nangarap nun?
November 23rd, 2007 at 12:20 pm
yung mga chuchu sa teacher hahaha