Taga san daw sya?!
Ahahahahahaha parang pakulit ng pakulit ang mga gumagawa ng mga profiles sa Friendster! LOL!
Tambling talaga ako sa “gin san” at sa occupation ni Mommy Dionisia!
Eto pa ang mga ibang lumabas sa search ng Friendster gamit ang key words na “Aling Dionisia”!
Location: Philippines
Hometown: basi town
Location: Philippines
Hometown: viGaN
WTFOMGLOLIPOPZ!
Mabuhay ka Mommy Dionisia!
Categories: friendster, pang showbiz! Tags: dionisia, friendster, pacquiao
Pakornihan Saturday Part Siiiibeeen!!!
Juanito: Tatay ko sobrang galing!!! Alam mo, yang Pacific Ocean, siya ang humukay nun!
Pedrito: Wala yan sa tatay ko! Alam mo yung Dead Sea?
Juanito: Oo…
Pedrito: Siya ang pumatay nun!
NYEEEEE!
Categories: mais! Tags: pakornihan saturday
Greenpinoy sa FEU!
Nasa FEU ako bukas magsasalita sa org ni Mcrey
FEU 1-3pm. Andun din si Mr. Ramon Bautista idol!
Kitakits!
Categories: announcements Tags:
Presidential Quiz Part 4!
1) Sa litratong ito, si Gloria ay…
a) nag-iispaghetting pataas at pababa
b) sinusukat ang etits ng naka-anong egoy nung dalaga pa sya
c) nagpapanggap syang cowboy. Bang! Bang!
2) Masayang inihahandog ni Gloria ang watwat sabay sabi ng…
a) “OK America, we’re yours!”
b) “OK China, we’re yours!”
c) “OK party mates, it’s ours!”
3) Si Mikey ay nag-ngangatngat ng kuko dahil…
a) matagal pa ang meeting ngunit natatae sya
b) nakalimutan nyang magdala ng nail cutter
c) gutom sya at ubos na ang kanyang libreng congress turon
4) Ano ang sinasabi ni First Gentleman habang nakataas ang kamay nya?
a) “Mam, may I go out?”
b) “Hi teh.”
c) maliit na boses “Ako ang sugo ng Langit. Sambahin nyo ako!”
5) Sa litratong ito…
a) nag-mala kabayo at natulog nang nakatayo
b) umiihi si First Gentleman habang hawak ni Gloria ang birdie
c) may ka threesome sila hindi lang kasama sa litrato
6) Ano ang binubulong ni First Gentleman kay Gloring?
a) “Babe, liit ng dede mo no?”
b) “Ang taas naman ng bewang mo teh…”
c) “Dito ba napunta yung lahat ng kinain mo sa New York?”
Andito ang mga nakaraang Presidential Quizzes!
Maligayang Kaarawan Nanay! :D

Ngayon ang unang kaarawan ni Mommy na wala sya sa aming piling. Medyo malungkot pero alam kong masaya na syang nagmamahjong kasama ng mga angels na malamang wala ng pakpak ngayon dahil yun ang pustahan nila kasi wala namang pera sa langit LOL!
Happy birthday Ma, mahal na mahal ka namin at iba ang buhay na wala ka
Categories: kwento kwento lang Tags:
Pakornihan Saturday Part…Seeeeeks!
Customer: Waitress!!!
Waitress: Yes sir?
Customer: Langya naman tong steak nyo! Ubod ng tigas!
Waitress: Ay ganon ba sir? Tikman ko nga!
*tinikman ng waitress ang steak*
Waitress: Sir, ok naman…malambot naman po!
Customer: Eh pano di lalambot yan e isang oras ko ng nguniya yan!!!
Yuck. LOL!!!
Game!!!
Categories: mais! Tags: pakornihan saturday
Road Rage is Good Rage!
Naalala ko ang aking “Road Rage is Good Rage” na kasabihan ng mabasa ko ang post ni Pareng Axel tungkol sa pagbangga sa kanya ng isang motor.
Isang motor. Na naman.
Isang motor na naman ang nakadali ng sasakyan. Mga tatlong linggo ang nakaraan ako naman ang nabiktima. Binangga din ako sa harapan ng isang motor. Di naman kalakihan ang gasgas sa bumper pero shiet…dalawang linggo palang yung sasakyan ko non. Wala pa ngang plaka e. LOL!!!
Ewan ko ba kung bakit ang daming shungang nagmamaneho ng motor. Sa daan e kung saan saan sila sumusulpot! Sa kanan, sa kaliwa, sa harap, sa likod. Di ako magtataka kung isang araw e may motor na manggaling sa taas ng koche.
Pero isa lang ang motor sa mga problema sa daan. Hindi lang sila ang nakakapagpamura sa akin habang nagmamaneho. Andyan ang mga karamihan ng bus, mga jeep, mga taxi at ang ibang mga koche (kung may makina lang ang mga tauhan ng MAPSA at MMDA e isasama ko sila sa listahan!) . At dahil mahal na mahal ko sila, meron akong terms of endearment sa kanila! Sinisigaw ko ito sa loob ng sasakyan (syempre di naman ako nagbaba ng bintana para sumigaw, ang war freak naman non LOL!) sa tuwing i-hahassle nila ako!
BUS – Gagong Bus
JEEP – Tang*nang Jeep
Ibang koche – Pakshet na Car / Pakyu Car (pero pag magandang pickup gaya nung bagong Strada o kaya Ranger eh pinapalampas ko kasi obsessed ako sa mga trucks ngayon ahahaha)
TAXI – A**hole Taxi
MOTOR – Bobong Motor
Bwahahaha kaya sa lahat ng may road rage, maliit o malaki, sabay sabay nating isigaw!
“ROAD RAGE IS GOOD RAGE!”
Categories: kwento kwento lang Tags:
Ding Ang Batoink! :D
Dahil walang Pakornihan Saturday last week, eto ang pambawi! LOL!!! Tatambling si Mars Ravelo sa kakornihan!
Tanong: Anong sabi ni Darna sa kalaban nyang malapit ng mamatay?
Sagot: Eh di…”DIE NA!”
LOL!!!
Tanong: Ano naman sabi ni Darna nung gabi na?
Sagot: Eh di…”DARK NA!”
Wahahahaha!!!
Tanong: Ano naman sabi ni Darna kung nasan na yung hiniram nyang panty?
Sagot: Eh di…”THERE NA!”
Nyaaaaa
Tanong: Anong sabi ni Darna nung tapos na sya sa ginagawa nya?
Sagot: Eh di…”DONE NA!”
Weeeeeeeeh hahaha
Tanong: Anong sabi ni Darna pagkalunok nya ng bato nung may sipon sya?
Sagot: Eh di…”NARNIA!”
Ahahahahahah eto last!
Tanong: Anong sabi ni Darna nung namatay ang kuryente sa bahay nila?
Sagot: Eh di…”Brownout!”…duh.
WTFOMGLOLIPOPZ!
Maraming salamat kay Meeko para sa pagsama sa aking magbrain storm ng mga to!
Hanapin ang Mali!
Hanapin ang mali sa litratong ito! LOLz!
Clue: Buti nalang hindi alam ng bata (na ang inaanak kong cute na cute na si Yapi) kung ano yun! Ahahaha
Categories: true to life Tags:














