June « 2009 « Oi! Greenpinoy!

Archive for June, 2009

Feel Safe Tonight Daw!

Tuesday, June 30th, 2009

dalton-ohms

WTFOMGLOLIPOPZ!!!

Sinong gagong maniniwala dito? LOL!!!

Halatang may galit sa pulis?

Ahahahahahah!!!

Salamat kay Tejal Tejal Tejal para dito!

Pakornihan Saturday Part 2!!! :D

Saturday, June 27th, 2009

Eto naaaaaaaaa!!!

GORACLE!!!

Tanong: Kung pumasok ka sa sine, anong palabas?

Sagot: Kung Fu!

Ngeeeeeeeeee!

Di gets? Ahahahaha! Eto pang isa!

Tanong: Sa isang upuan, ilan ang kasya?

Sagot: Sais!

WAPAK!

Di parin gets? Eto pang isa!!!

Tanong: Kumakain kami, natinik ako. Ilan kaming kumakain?

Sagot: Tatlo!

Acheche!

Di pa rin? Etong last!

Tanong: May isang puno, anong bunga?

Sagot: Mais!!!

OO! Mais na mais tong Sabadong to! Ahahaha

Game kayo naman!!!

Eto nga pala ang PART 1 :D

Di Ka Naman Galit Edu Manzano?

Friday, June 26th, 2009

edu-pldt2

Yun na!!! LOL!!!

Bakit kaya bad trip si Edu Manzano sa litratong to?

a) maliit bayad sa kanya para sa campaign na ito

b) di sya makasayaw ng papaya sa poster

c) ang kapal ng muk-ap nya sa fez :D

AKO MISMO!

Thursday, June 25th, 2009

Nung unang lumabas ang AKO MISMO, sa totoo lang di ko sya nagets agad.

Ako: ano yang “Ako Mismo”?

Sila: um parang political chenes na ikaw mismo gagawa ng chever.

Ako: aaaah naman pala :)

Tapos hinanap ko sya sa internet. Aba may website!

At!!!

Pwede kang gumawa ng sarili mong “AKO MISMO” slogan!

At kagaya ko, sa tingin ko maraming tao ang hindi pa nakakaintindi kung ano talaga ang “Ako Mismo” kasi naman may mga nagsulat ng:

“Ako mismo hindi ko maintindihan ang ako mismo”

“Ako mismo ang pinakamalaking problema ng Pilipinas”

“Ako mismo sana matapos n po yung korasyon” (anong korasyon?!)

“Ako mismo musician”

“Ako mismo save the earth”

“Ako mismo magpapacute sa buong mundo”

“Ako mismo ako na nga!!!”

WTFOMGLOLIPOPZ!

Ahahaha napatumbling ako sa mga yan!

Kaya naisipan kong AKO MISMO, meron din!!!

akomismo

Anong sayo?! :D

Ketchup at Tuyo?!

Wednesday, June 24th, 2009

Use KETCHUP at TUYO in a sentence!!!

Maria: Ano nakapagdesisyon ka na ba kung magpo-pokpok ka?

Petra: Oo Maria. Gagawin ko na!

Maria: Ketchup tuyo, buhay mo yan.

WTFOMGLOLIPOPZ!!! :D

(lmao)(lmao)(lmao)

BANG!

Dati Yung Room Lang…

Monday, June 22nd, 2009

Iba na talaga ang panahon ngayon mga pare at mare.

boarder-iyaane

WTFOMGLOLIPOPZ!

Dati rati yung kwarto lang ipinaparenta, ngayon pati yung nakatira na sa loob!

*magkano naman teh?*

AHAHAHAHAHA!!!

Maraming salamat kay Iyaane para sa litratong to!

*Iyaane…bat ka nagawi dyan? Ikaw ha…LOL!*

Pakornihan Saturday!!! :D

Saturday, June 20th, 2009

Simple lang, pakornihan lang tayo ng joke ok? LOL!!!

Etong akin:

Kung ang tawag sa star sa north ay North Star at ang star sa south ay South Star, anong tawag sa nasa gitna?

Eh di…

BITUIN! 

Nyahahahahhahahahha!

Kayo naman!!!

Napakasayang Tumalon Talon Ano Po?

Wednesday, June 17th, 2009

japanesegirljumping

WTFOMGLOLIPOPZ!

GOOOOOOOOD MORNING! Ahahaha!

Boink boink boink boink boink boink!

Ahahahaha ibang klase yan.

Pati tuloy yung Transformer na excite LOL!!!

2agjmsy.gif

Galing yung babaeng tumatalon sa Plurk. Sa mga hindi pa nakakaalam kung ano yung Plurk (www.plurk.com), subukan nyo, masaya to! :D

Tas add nyo kami! Weeeee!

*di pa ako lasing…*

Ito Ang Multi-national! :D

Tuesday, June 16th, 2009

cebuslovakia

WTFOMGLOLIPOPZ!!! Bisayang Czech ito teh! :D

Ahahaha kaya di ako nakapagpost ng ilang araw dahil nag beach kami nina Axel (salamat sa pag asikaso ng buong trip!), Kidlat (salamat sa paghuhubad sa harap naming lahat!), Lethalverses (salamat sa hindi pagpatulog sa amin!), Damdam (salamat sa mga pagdaDamdam hahaha), Ayz (salamat sa regla! ikaw pa, papakabog?!) at si Chroneicon (salamat sa pagsali sa lahat ng games teh!). Papunta sa beach namin nakita yang sign na yan at kabog lahat kami sa kakatawa! :)

Sobrang saya dahil wala kaming ginawa kundi magpasakit ng katawan sa beach LOL!!! At mantakin nyo, di man kami uminom ng alak LOL! Ibang klaseng maturity na to! Ahahaha

Yun lang.

“Wala kang ch*pa sa akin mamaya!” - Wilma Doesnt

Website ng Pilipinong Makulit of the Month! (June 09)

Wednesday, June 10th, 2009

Last month, website ng mga tunay na lalake ang naging Pilipinong Makulit of the Month.

Magtataka ba kayo kung ngayong buwan e mga tunay na badette naman? Ahahahahaha! :)

Inihahandog ng www.greenpinoy.com ng bonggang bongga ang Pilipinong Makulit of the Month para sa Hunyo, ang…

tunaynaveyklas

WTFOMGLOLIPOPZ!

Talagang hindi magpapatalo ang ating mga sisterette! Pati sa manifesto nila, kabog ang TNL sa bilang! Basahin nyo!

ANG MGA PALATANDAAN AT MARKA NG ISANG TUNAY NA VEYKLA (REPEAT AFTER ME)

1. Ang TUNAY NA VEYKLA ay super borlogs kapag may chance. Sleeping beauty galore para (1.) ganda ng fez at skin pagka-gising, (2.) para di ga-maleta ang eyebagey, at (3.) para mega energy sa rampa.
Exception: mga taong bangag ever sa bawal na gamot (pero ang mga gandarang veykla na bangag sa hormonal pills na pampadagdag boobs at pampawala ng bigote at hairla sa kilikili ay pasok!)

2. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mega super text back. Kever kung sang lupalop man ng bansa. Afraid ma-warla ng jowa-jowaan sa text. Kinakarir din ang pagpapasaload sa mga betinang mhenchaluz.

3. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mega long-ish mag-reply sa text. Di pwede ang reply na “K” lang. Sad ever agad kapag di tumutunog ang celphone to the tune ng kanyang latez fave dance tune hudyat na nagtext back na sa wakaz ang tinext n’ya 10 hours ago 10 times ng “Hi. Musta ang sweety ko?”. Meron din s’yang SIM ng lahat ng networks. Para text-proof at call-proof ang buhay

4. Ang TUNAY NA VEYKLA ay alam kung ano ang sinasabing “pekpek shorts” at meron s’ya nitwu o lihim na umaasam na magkaron nitwu. Parang little black dress baga, or kamison ni Mother Lily, dahil may powers itwung taglay.

5. Ang TUNAY NA VEYKLA ay never umaaming nag-e-extra rice.

6. Ang TUNAY NA VEYKLA ay either may (1.) parlor, (2.) bet tumambay sa parlor, (3.) or bet magkaron ng parlor balang araw kung makalusot kay fadir. (note: may mga tunay ding lalakeng tumatambay sa parlor at alam ng tunay na veykla kung ba’t sila andun)

7. Ang TUNAY NA VEYKLA ay may either (1.) may “love handles” (not to be confused with the botchog bilbilicious ng mga menchaluz)–dahil na rin itwu sa kakajoin sa inuman ng mga menchaluz, or (2.) zuper payatollah sa pag-mumudil sa Malate, (3.) may abs para makabingwit din ng kapwa-ko-mahal-ko nilang umaasam din ng mga abs sa Malate.

8. Ang TUNAY NA VEYKLA ay super dance diva sa dance floor or kahit sa shore ng Puerto Galera kung lasengga na.

9. Ang TUNAY NA VEYKLA ay super mega-videoke ang libangang tunay. Ang range ng kanta ay mula sa napaka-birit na kantang “Wherever You Will Go” ng The Calling, “Half Crazy” ni Johnny Gill, hanggang sa super baba na “Emotions” ni Mariah Carey or “Listen” ni Beyonce. Keber na kung may karapatan man sila sumingalore o wala.

10. Ang TUNAY NA VEYKLA ay okrayera pa-simple man o harapan. O kahit sa kapwa tunay na veykla.

11. Ang TUNAY NA VEYKLA ay the best mag-deliver ng joke. Kahit ‘di na nagjo-joke.

12. Ang TUNAY NA VEYKLA ay magaling magsulat ng kwentong ka-elyahan na OM to OM.

13. Ang TUNAY NA VEYKLA ay laging malinis ang p’wet.

14. Ang TUNAY NA VEYKLA ay hate kajoin ang mga tomboyitang babae na nagpapakalalaki.

15. Ang TUNAY NA VEYKLA ay napapa-ingles ‘pag nagagalit. Kahit di tama ang ingles, go lang ng go. Kahit mura lang.

16. Ang TUNAY NA VEYKLA ay the best sumagot sa Q & A portion.

17. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mahilig sa beauty contests, kasali man sila o hindi.

18. Ang TUNAY NA VEYKLA ay kinakarir ang pagsali sa Ms. Gay contests mula Aparri hanggang Jolo.

19. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mahilig magpa-contest ng mga Ginoong something something at magpasuot ng mga skimpy at white na trunks sa mga mhenchaluz na contestants.

20. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mabilis magkabisado ng mga mahahabang sagot sa Ms. Universe beauty pageant man or sa Binibining Pilipinas, o kahit sa barangay level lang.

21. Ang TUNAY NA VEYKLA ay may soft spot sa mga (1.) construction worker, (2.) kargador, (3) security guard, (4.)sundalo, (5.) marino, aminin man o hindi.

22. Ang TUNAY NA VEYKLA ay magaling umanggulo sa piktyuran man o sa halahan.

23. Ang TUNAY NA VEYKLA ay rampadora. Kering keri n’ya ang maglakad ng madaling araw mula sa Quiapo hanggang Fairview sa ngalan ng rampa. Kaya’t pasensya na sa mga mhenchaluz na namataan nila saktong sumisikat na ang araw. Tunay na veyklang hayok ang makikita nila.

24. Ang TUNAY NA VEYKLA, pag mayaman at tumanda na ay natural na napapatambay sa mga basketball courts ng mga schools na sikat.

25. Ang TUNAY NA VEYKLA ay madalas na pang-maton o pang-hoodlum ang pangalan. i.e. Amador.

Mabuhay kayo Mga Tunay Na Veyklas! Kayo ay mga Pilipinong Pilipinang Makukulit! :D

Sampung Mga Daliri And Other Songs of Our Childhood (EMG!)

Monday, June 8th, 2009

Sampung Mga Daliri

Sampung mga daliri nawala ang isa!

Hinanap ko, nakita ko

Nagjaj*k*l pala!

Ahahahahaha! Next song!

Cindy’s Commercial

When you’re hungry

Umutot si Cory

Naamoy ni Enrile

Umuwi ng bahay

Nagpalit ng panty

Nagsabon ng Ivory!

Weeeehoooo! Next song!

Alpine Commercial

Sa dibdib, may dalawang bundok

Sa bundok, may dalawang holen

Sa holen, may dalawang butas,

Sa butas, may lumalabas

ANO YON?

Instant Alpine, Full Cream Powdered Milk! *dalawang susu!*

Hahaahhaa kalokohan talaga ng mga bata o!

Kayo, ano ang mga songs of your childhood?

Isa Na Namang Biktima Ni Hayden Kho

Saturday, June 6th, 2009

Mula noong lumabas ang mga nyex scandal videos ni Hayden Kho at iba’t ibang mga babae, nagka bali-balitang total ng 40 videos ang meron sya. Di naman sinabi kung sinu-sino ang mga ibang babae sa mga videos na hindi pa nailalabas ngunit merong isang babae ang na confirm ng mga reporters na naging biktima na Hayden (Shoulders…sorry di ko mapigilan sarili ko, benta yung text na yun sa akin e LOL).

Sino itong babaeng ito? 

I-Click dito upang makita ang litrato at mabasa ang report!

BABALA (Asawa ni BABALU…sorry ulit LOL):

Hindi ito para sa mahina ang loob…teh.

Wow! Galing Kay Britney No Panty! :D

Friday, June 5th, 2009

drinking-andrew

WTFOMGLOLIPOPZ!

Tubig kaya tong lalabas sa drinking station na to? LOL!

Sadya na bang napakadumi ng utak ko at nasakto lang dun yung sign e iniisip ko nang galing sa keps ang inumin? Ahahaha pero hindi lang naman ako ang naka-isip nyan kasi isinumite ito ni Andrew! Kaya hindi ako nag-iisa LOL!

Maraming salamat pareng Andrew! :D

Ang Energy Drink ng Mga Badingky-Winky!

Wednesday, June 3rd, 2009


chenergy-hazel

WTFOMGLOLIPOPZ!!!

Ahahahahaha iba na to! Chenergy drink talaga! Ahahaha :)

Ano kayang special ingredient nito? Shomod? LOL!!! 

At tignan nyo yung hawak nung macho sa label…

parang…

*bulong*

etits lang!

Maraming salamat kay Hazel para sa litratong to! :)

Bulilit Bulilit, Bading Version

Tuesday, June 2nd, 2009

Na miss ko tong mga ganito! Tandaan nyo ba yung mga dating bading version na na post na dito? (search nyo lang “bading version” lalabas lahat yan)

Eto bago!

Inihahandog ang…

Bulilit Bulilit Bading Version!

Julilit, julilit witih sa masukech!

Kung gumuyang gumuyang ang jutei jutei!

Julilit kung gumuyang ang jutei jutei! 


Ahahahaha parang tanga lang! Maraming salamat kay Jackie para sa text na to! :)







The GP Forums!

GP Readers' Gallery!

GP on Youtube!