March « 2009 « Oi! Greenpinoy!

Archive for March, 2009

Totoo pala sila! WTFOMGLOLIPOPZ! :D

Monday, March 30th, 2009

Akala ko nung una mga patawa lang sila sa email na kasama ng Elizabeth Tailoring!

Pero totoo pala sila!

Presenting…

cooking1-santelmo

AND

cooking2-santelmo

Ahahahaha EMG! :)

Maraming salamat kay Santelmo para sa mga patunay na to!

Double Double!

Thursday, March 26th, 2009

Naalala nyo ba nung dati e may mga sinehan na may double showing? EMG! Apat na oras ka sa sinehan! Ahahaha

NOW SHOWING:

Anak ni Baby Ama DOUBLE WITH Anak ni Zuma!

Parang ganon. LOL!

Ngayon wala na. Kaya ang mga double showing e sa DVD nalang! (minsan umaabot hanggang dose…double with double with double with double with hahahaha)

Pero may mga ibang DVD na tipong nanggu good time lang e. Mga inimbentong title, iba ang laman na pelikula sa nakasulat sa harap o kaya wala lang talagang laman LOL! Gaya nalang nitong litrato ng DVD na pinadala sa atin ng ating kaibigang si John, napatambling talaga ako!

kees-johnsal

WTFOMGLOLIPOPZ!!!

Anong pelikula ang Kees Meeh, Manananggal Me?!

Ahahahaha at starring Snooky Serna!!! LOL!!!

Ibang klase. Papanoorin ko talaga yan kung totoo man yan! Ahahaha

Maraming salamat kay John para sa litratong to! :)

Ang Kakaibang Charitable Organization

Monday, March 23rd, 2009

Maraming mga charitable organizations dito sa Pilipinas.

Sila ay mga grupo ng mga taong may puso at may layuning makatulong sa mga kababayan nating mahihirap. Kadalasan ang mga charitable institutions na ito ay humihingi sa mga taong nais tumulong din. Ang mga hinihingi nilang tulong ay pera, pagkain, damit, mga laruan, at kung minsan pati scholarship sa eskuwelahan.

Ngunit may isang charitable institution na kakaiba ang hinihinging donation! Hindi ko alam kung anong klaseng grupo ito o kung ano ang layunin nila sa paghingi ng donation na hinihingi nila. 

Ano ang kanilang hinihingi?

Eto o…donate-gerhard

WTFOMGLOLIPOPZ!!!

Ahahahaha bakit sila humihingi nyan?! EMG! Wag naman sanang gawing wig ang mga nakolekta nila at ipagbili. Ahahaha

Maraming salamat kay gerHARD para dito!

Ikaw Nga (Full Video)

Friday, March 20th, 2009

 

Eto na yung buong video ng Ikaw Nga na pinalabas kagabi sa QTUBE ng QTV! :) Salamat sa lahat ng nanood kagabi!!! Salamat din QTUBE para sa feature!

Mabuhay ang Pilipinong Makulit!

WTFOMGLOLIPOPZ! Enjoy!

PS - Wala pa kasing pangalan yung babaeng character ko. Isipan nyo naman! Sulat nyo sa comments tapos pipiliin ko yung pinaka ok na pangalan para sa kanya! :) Salamat!

Greenpinoy sa QTV sa THURSDAY, March 19!

Wednesday, March 18th, 2009

Eto na siguro ang pagbabalik ko matapos ang ilang linggong pananahimik. 

Gusto ko kayong imbitahan upang panoorin ako sa bagong show ng QTV na QTUBE!

Meron akong ginawang video na dito unang lalabas :)

THURSDAY, March 19, 2009, 10:15PM, sa QTV!

qtube

“This is your on-line magazine show that brings you all about what’s hip and hot in cyberspace! 

It is hosted by radio DJ / MTV VJ Andi Manzano and model/athlete Andy Smith. “Your 100% virus free internet TV”

*Sayang hindi na mapapanood ni Mommy ito, pero ganun pa man, inaalay ko parin ito para sa kanya!

PR para sa show :

http://www.gmanews.tv/story/153160/Plurk-wearable-art-blogworlds–Wizard-of-Oz-Green-Pinoy

Paalam, Greenpinay

Sunday, March 1st, 2009

Kahapon pumanaw ang pinaka importanteng babae sa buhay ko. Ang babaeng nagbigay sa akin ng buhay at nagpalaki sa akin upang maging isang maayos na tao (sana…EMG!). Ang babaeng bumuhay sa anim na magkakapatid katulong ang aking ama. Ang babaeng nagturo sa akin ng halos lahat ng dapat kong malaman sa buhay. Ang babaeng pinagmanahan ko ng kalokohan. Ang original na Greenpinay, ang aking nanay.

Para sayo Ma, alam mong mahal na mahal kita at sobrang ipinagmamalaki kita. Ipinagmamayabang kita sa lahat ng mga kaibigan ko, at patuloy kitang ipagmamayabang. Habang buhay ako, buhay ang mga ala-alang iniwan mo. Hindi ka makakalimutan ng mga apo mong mahal na mahal mo. Hindi mawawala si Mama Pearl. I love you Ma. I will see you again.

Para sa lahat ng mga tumawag, nag-email, nag message at nagtext para ipamahagi ang pakikiramay sa akin at sa aking pamilya, maraming maraming salamat. Pinapagaan nyo ang kalooban namin.

Para sa mga nagpamisa kay Mommy, maraming maraming salamat. Alam kong ikatatuwa ito ng nanay ko. Nagsisimba yun e, di tulad ko :)

Para sa lahat ng mga bumisita dito sa bahay upang makita si Mommy, maraming maraming salamat. Hindi nyo alam kung gaano ako kasaya ng makita ko kayo, kahit papano, kahit sandali, nakalimutan ko ang bigat ng nararamdaman ko.

Para sa mga kaibigan nating nagbabasa at sumusuporta sa Greenpinoy, hindi muna siguro ako mag-uupdate ng ilang araw o linggo. Parang mahirap pa sa akin ang maging masaya sa mga panahong ito. Sana patuloy parin kayong sumuporta at andyan kayo sa aking pagbabalik. 

Maraming salamat sa inyong lahat. 

At muli, paalam, Greenpinay.







The GP Forums!

GP Readers' Gallery!

GP on Youtube!