Dahil maraming natuwa sa mga linyang galing sa Iisa Pa Lamang, narito ang mas marami pang linya galing sa bading na bading na teleserye!
“Gusto mo ikaw ang itali ko? Pasweet sweet ka pa diyan, ganid ka rin pala!” - Isadora
“Ang bigat naman ng salitang ‘yon Isadora, pero totoo, oo ganid ako! At gusto ko, ni singko walang matira sa’yo! Kaya manginig ka na Isadora, dahil uubusin ko ang lupang tinatapakan mo!” - Katherine
“Iba na ang sitwasyon ngayon Isadora. Marami akong pera, kaya ko nang bilhin ang kahit na ano. Kahit ikaw, magkano ka ba?” - Katherine
“Hayop ka! Kahit kailan hindi mo ako mabibili, at hindi mo ako kayang bilhin!” - Isadora
“Sabagay, ayoko sayo. Mumurahin ka eh, pero yung anak mo ibebenta mo ha. Sige na, promise hindi ako tatawad. Kahit used goods na, ok lang. Pag-isipan mo.” - Katherine
“Katherine….Katherine di pa tayo tapos. Lalabanan kita, sinisigurado kong walang judge ang sinumang maniniwala sayo dahil sirang-sira na yang reputasyon mo! You’re just a whore!” - Scarlett
“Whore? Oh, Scarlett? Ako whore? At least ako di ko kailangan magbayad ng 2 million pesos para lang may makipag-date sa akin. Nung una si Miguel binili mo, ngayon naman si Rafael.” - Katherine
“Walang hiya ka!” - Scarlett
“Mas walang hiya ka, Scarlett!” - Katherine
“Home-wrecker!” - Scarlett
“Adulteress!” - Katherine
“Social climber!” - Scarlett
“Slut!” - Katherine
“Black widow!” - Scarlett
“Desperate housewife from hell!” - Katherine
Isadora to Rolando: “Aalis ka ba dyan (dahan-dahang hinuhugot ang baril sabay tutok)? O babarilin ko yang bad trip mong mukha?
Isadora: “School, school, school. Puro ka na lang school. Kita mo namomroblema nga ako eh! Ikaw talaga napaka-selfish mo!”
Isadora: “Ang Hacienda Amadesto hindi pang kawang gawa. Gusto mo ba talaga palitan si Rosa Rosal?”
Isadora: “Anak, dapat mag-English ka!”
Batang Sophia: “Mommy, bakit ko naman kailangang mag-English? Nakakaintindi naman sila ng Tagalog!”
Isadora: “Ano ka ba? Lahat ng mga mayayaman dito sa Maynila, nag-e-English! Remember, isa kang Castillejos, kaya dapat mag-English ka rin!”
Batang Sophia: “Ayaw ko Mommy!”
Isadora: “Hay naku! Kapag sinabi kong mag-English ka, mag-English ka!”
Scarlett: “Ano ba ‘yan! Nagsi-swimming ka lang naka-diamonds ka pa!”
Katherine: “Siyempre, diamonds are forever…like me!”
Isadora to Katherine: “Wow! Ang ganda-ganda mo na ngayon, Katherine. Ang sarap mong patayin!”
Katherine: “Pagod ako. Huwag kang loloko-loko. Baka gusto mo ihampas ko ‘tong bag kong mas mahal pa sa’yo!”
Isadora: “Sabagay, ako rin eh! Pagod makipaghampasan. Next time, ok? In fairness ah, ang ganda ng damit mo. Pahiram minsan ha?”
Isadora: “Hay naku mare! Alam ko ang kuwento tungkol dyan. Bayaan mo at sasabihin ko sa’yo. Pero, bawasan mo muna ng 10,000 utang ko sa’yo!”
Scarlett: “Gusto kong makita na luluhod ka sa harapan ko at magmamakaawa ka na tanggapin kita ulit!”
Miguel: “Kumain ka na, gutom lang yan!”
Scarlett: “Ano ba talagang pakay mo? I’m sure hindi naman ang kapakanan ng dental industry ang pinunta mo dito di ba? Business? Monkey business?”
Isadora: “Oo, at napakadisenteng monkey business! Politics.”
Scarlett: Same to you anak, remember? Pareho na tayong nasasadlak ngayon. Damn you, damn me. Karma’s a bitch and so are we!”
Isadora (nang mawala ng ang mga ari-arian): “Ito na kasi ang uso ngayon. Oh di ba ang ganda? Very minimalist!”
Mortgage Agent: “Kayo po ba si Isadora Castillejos?”
Katherine: “Bakit? Mukha ba akong demonyo?”
Reporters: “Ano ba ang mayroon kay Miguel Castillejos na wala si Enrique Torralba?”
Isadora: “Cuteness at kabataan!”
Isadora: “Katherine…what a bwisit surprise!”
Scarlett: “From now on, may bago na akong motto: Never settle for second best because I am the best!”
Isadora: “Alam mo Rafael, akala ko pa naman, matalino ka. Pero pagdating kay Katherine, bobo ka! Makaalis na nga rito at dumarami kayo!”
Isadora: “Inday, pakisagot ang telepono!”
Manang Elvie: “Ma’am hindi po Inday ang pangalan ko, Elvie po.”
Isadora: “Ah ganun ba…Pwes, Inday, pakisagot ang telepono! At kapag hinanap ako pakisabi, patay na ako!”
Isadora: Nakidnap si Katherine! (smile) Sabi na nga ba’t tama ang horoscope ko. Today is my lucky day!
Miguel (to Scarlet): Lagi mong sinasabing karmas a bitch. Look at what happened Na out-karma ka na, na out-bitch ka pa.
Isadora: Di pwedeng mawala sa akin ang Amadesto. Di pwedeng mapunta yun kay Aura! Anong gagawin niya dun? Home for the aged?
Isadora: Yes, I’m one in a million! I’m one in a million pesos!
Isadora (to Vernon, Jestoni Alarcon): Ikaw naman! Sa lahat ng kriminal ng kilala ko eh, ikaw ang pinaka-honest!
Isadora: Buntot mo, hila mo!
Lola Aura: Oo, may buntot ka nga! Buntot ni satanas!
Isadora: Oo tama ka! Kaya mag-ingat ka. Baka mahagip ka nito at tumilapon ka! Kasama ng apo mong haliparot!
Sophia: Ma, naputulan tayo ng kuryente.
Isadora: Sus, ito naman. Sabihin pa ba ang obvious?
Isadora: Gusto mo ipag-bake kita ng pizza? (Laugh) Wala tayong pizza. Ipagbubukas na lang kita ng de lata.
Isadora: Katherine Ramirez, Viuda de dela Rhea… Torralba? Hahaha. ILUSIONADA DE PRIMERA
Isadora (nagsindi ng kandila): Sa lahat ng mga namatay, ikaw lang ang pinagsindi ko Rolando……. Walang hiya ka, ang lakas mo sa akin! O siya, hanggang dito na lang Rolando at baka matunaw pa ako sa harap ng birhen. Rest in peace na lang.
Isadora: Hoy! Pati ba naman basura hahalughugin niyo!
Police: Maaring nandito ho ang pumatay kay Rolando Ramirez.
Isadora: Nandyan? Nandyan sa basura? KAKASUHAN KO KAYO NG HARASSMENT. Kakasuhan ko kayo ng harassment, tsaka stupidity! Pati ba naman basura papatulan nyo!?
Scarlet: Misery loves company. You’re Misery no. 1, and I’m Misery no. 2.
Isadora: Tumigil ka muna sa pag-aaral.
Sophia: Ma?! Pa’no ‘yung education ko?
Isadora: Anong education? ‘Yung nagtitinda nga ng kalamay diyan nakakatapos ng pag-aaral.
Katherine: Ikakasal na ako sa isang desenteng lalaki. Hindi na ako dapat nagpapa-eskandalo sa mga babaeng sinasapian ng asong ulol. dahil sa selos. Kung gusto mong magkalat ng rabies, wag dito
Scarlet: Hahaha! Ako, parang asong ulol? Huwag kang mag-alala Katherine dahil hindi ako ang sasagpang sa iyo kung hindi ang mga preso sa correctional na gustung-gusto ang mga tisay na katulad mo. Hinihintay ka na ng selda mo.
Scarlet: Huwag kang mag-alala. Baka naman pwede mo pang gapangin ‘to. Bakit hindi mo pakasalan ang piskal o kaya ang judge para ma-abswelto ka na naman? Or else ang dating gold digger in red, MAGIGING JAILBIRD IN ORANGE! Hahahaha! Nakakatakot! Hahahaha!
Estelle: Nagbago na isip ko sa pagbili ng hacienda
Isadora: Sige na Mare… Presyong kaibigan naman… May kasama pang kabayo….
Estelle: EH TALAGA NAMANG MAY KABAYO DUN!
Estelle: At wala akong alam sa pagpapatakbo ng hacienda
Isadora: Mare tutulungan kita. MAY MGA SEMINARS AT WORKSHOP NAMAN… Pwede kitang samahan.
Estelle: Mare, ang dami mo nang nainom! Ngayon ka lang ba nakatikim ng wine na ‘yan?!
Isadora: Ano ka ba Mare? Marami kaming ganito noong Pasko! IPINAMIGAY KO NGA LANG!
Katherine: Ako na ang nagma-mayari ng Dela Rhea Foods! At gusto kong tawagin mo akong Ma’am!
Scarlett: At kanino ka naman nakakuha ng malaking pera? Wala kang pera! Sabagay, mukha naming kumabit ka na naman sa isang matandang mayamang madaling mamatay! ONCE A SLUT, ALWAYS A SLUT!
Katherine: Ang hirap kasi sa’yo, hindi mo kinikilala kung sinong babanggain mo! By the way, pagpasok ko, GUSTO KONG IPAGTIMPLA MO AKO NG KAPE. YUNG BLACK! YUNG VERY BLACK! SIMPAIT NG BUHAY NA IPAPATIKIM KO SAYO!
Scarlett: GOTO HELL!!! GO TO HELLL!!! GO TO HELLL!!!
Katherine: I’LL SEE YOU THERE!!!
Scarlett: Anong gusto niyong palabasin? Na mas magaling sa akin yang Katherine nay an?
Katherine (papasok sa pinto ng conference room): Oh yes!!!
Scarlett: ISA KANG PUTIK!!!
Katherine: Bago mo pansinin ang putik sa mukha ko, PANSININ MO MUNA YANG PUSALI SA MUKHA MO! ANG BAHO!!! NANGANGAMOY NA!
Scarlett: Ang naamoy mo ang labi ng tatay kong pinagmumultuhan ka dahil sa kababuyan mo!
Katherine: UMALIS KA NA SA TRONO MO, DAHIL NAGBALIK NA ANG TUNAY NA REYNA!
—
Ahahahahahah WTFOMGLOLIPOPZ!!!
SOLID!!!
I-part 2 na yan!!!
Maraming salamat Sirk para sa mga bonggang bonggang Isadorisms!