LINTIK LANG ANG WALANG GANTI
by: Hermil A. Ilagan
Ako’y naglalakad sa ilalim ng buwan,
Nang ikaw ay aking napagmasdan.
Ako’y napanganga sa taglay mong kagwapuhan,
At ang puso’y lumundag sa katuwaan.
Ikaw ay lumapit at nagtanong ng daan,
Di agad nakasagot sa iyong tinuran.
Ako’y iyong tinapik ng di masagot ang katanungan.
At nakita ka na lamang nakangiti sa kagalakan.
Doon nagsimula ang ating pagkakaibigan,
Na nauwi sa pagiging makasintahan.
Ikaw ay aking lubos na pinaglingkuran,
Ngunit ano ang iyong isinukli puro kahayupan.
Pinaikot-ikot mo ako na parang trumpo,
Sa mga kalokohan at boladas mo.
Tuloy ako ay nagkaganito,
Nabaliw ng dahil sayo.
Napunta kung saan–saan,
Nilait-lait ng kung sinuman.
Wala sa sarili at nasa kawalan,
Hanggang mapadpad sa Mental Hospital.
Ngayon ako ay magaling na,
At akin pa ring naaalala,
Ang mga sandaling kapiling ka,
Na dulot ay sakit at puro pagdurusa.
Pinatalon sa building ng walang saplot.
Pinagulong-gulong sa bangin ng hilakbot.
Ipinakain sa akin ang isang platitong ipot,
At ipinatuwid ang buhok ng ita na kulot.
Pinakanta mo ako ng isang buwan,
Tuloy nagalit sa akin ang Inang Kalikasan.
Umulat bumagyo, nagbaha sa daan,
Tuloy sinisi ng ating mga kababayan.
Pinasayaw mo ako na suot lang ay bra,
Ipinako sa krus na dilat ang mata.
Di man lang naglagay kahit kaunting anestisya,
Pakiramdam ko ay wala na akong hininga.
Pinalagyan mo ako ng tattoo sa puwet,
“Oh my gosh, its so saket!’.
Minsan pa ay nagrequest ka,
Lumipad ako na parang si Darna.
Tumalon sa eroplano’t sinubukang lumipad,
Paglanding ko’y nagkalasog-lasog buto ko’t balat.
Ginawa ko naman dahil mahal kita,
At dahil na rin akoy isang tatanga-tanga.
Ngayon ako ay maghihiganti,
Sa mga pasakit at pang-aapi.
Kaya magtago ka na saanmang sulok o tabi,
Dahil pagnakita kay “LINTIK LANG ANG WALANG GANTI”.