AHAHAHAHAHAHAHA bagay dito yong “maholi bogbog!” WTFOMGLOLZ!!!
Maraming salamat kay Axel para sa litratong to na galing Bora!
Alam nyo bang isang Pinoy ang nag pangalan sa Staten Island, New York sa Amerika?! Oo!
Ganito kasi yun. May isang Pinoy na nagpuntang New York. Tapos sumakay sya sa ferry, mula sa malayo, may natanaw syang lugar. Kinalabit nya ang katabi nyang Kano at tinanong:
“Hey Joe, what’s that? Staten island?!“
Na-tag ako ni Toxic Eyeliner!
Kailangan ko magsabi ng sampung…ano ba random sa tagalog?…random na bagay tungkol sa akin. Hmmmmm dati walo lang, ngayon sampu na LOL!
Eto na!
1) Dito ko lang sa greenpinoy natutunan ang mga salitang “lambi” at “buwa”. Sana hindi ko nalang sila natutunan! WTFOMGLOLZ!
2) Mahilig ako magpamasahe. Dati, nagpa home service massage kami sa bulag…
Nanay ko: Andito na yung masahista, hawakan mo yung kamay nya at alalayan mo papasok ng kwarto mo.
So kinuha ko yung kamay nya at inalalayan ko naman. Makalipas ang ilang hakbang nakalimutan kong bulag sya at hindi ko nasabing may kanto pala. Ayun, nauntog sya sa pader. LOL! Hindi ko alam nung mga panahon yung kung tatawa ako ng malakas. Pero tumawa ako deep inside LOL!!!
3) Hate ko math. Pero hindi naman ako bano dun LOL hindi ko alam kung bat ko sya ayaw hehe
4) Mabilis ako magtype!!! Ambilis o! Wow! Ambilis nga!
5) Ayoko ng banana bread. Or banana anything. Turon, saba con hielo at banana-cue lang!
6) May binili akong laruan kagabi. Hindi sya Batman related pero sobrang cute kasi kaya natuwa ako LOL! Favorite ko sya ngayon hehe Eto si KUMA ng Afro Samurai:
7) Inaabot ako ng ilang buwan bago makatapos ng pagbabasa ng isang nobela. Meron akong binabasa ngayon na mahigit anim na buwan na LOLZ!
8 ) Natutuwa ako sa mga Honey Bees sa programang The Singing Bee ng ABS-CBN. Ginagaya pa namin ng brother-in-law ko ang sayaw nila! LOLZ!
9) Gusto ko maging pari nung bata pa ako. Buti nalang nagbago ang isip ko nyahahahahaha
10) Mahilig akong bumili ng mga dvd pero hindi ko naman pinapanood LOLZ!!!
Ayun sampu na!
Salamat Steph!
Maria: Mare! Ano ba yang ginawa mo sa buhok mo! Parang wig!
Bebang: Mare, wig nga ito!
Maria: Ay ganon, ba? Hindi halata! Ang galing!
WTFOMGLOLZ ang labo! Ahahaha!
Nagresign ako ngayong araw na to.
Makalipas ang tatlong taon dito sa kumpanya, nagkaroon narin ako ng lakas ng loob na gawin ang matagal ko ng pinag-iisipan.
Maraming masasayang panahon na hinding hindi ko makakalimutan. Mahal ko ang mga tao dito, dahil lahat sila sa isang punto ay naging malapit kong kaibigan at meron akong baong isang kwento mula sa bawat isa sa kanila.
Sa isang punto minahal ko rin ang kumpanya dahil sa laki ng tulong na naibigay nito sa aking buhay at pagkatao. Lahat ng hindi ko natutunan sa bahay, eskwelahan at sa paglalakbay, natutunan ko dito.
Dito ko nalaman na ang isang boss na mahirap pakisamahan sa trabaho ay pwedeng maging barkada sa labas. Nalaman kong pwedeng maging higit pa sa ka-opisina ang mga katrabaho mo. Na pwede mo silang ituring na pamilya.
Dito ko rin nalaman na marami ang nagsasakripisyo. Na totoong may mga nagpapa-aral ng kapatid, nagbibigay sa magulang o kung ano pa mang malaking responsibilidad. Nabuksan ang aking isipan na hindi lahat ng ayaw sumama sa gimik e KJ o di kayay kuripot lang. Meron silang mas malalim na dahilan. At sobrang laki ng respeto at paghanga ko sa kanila, dahil higit sa sarili nila ang iniisip nila kaya sila nagtratrabaho.
Ngunit talagang dumarating sa buhay ng isang tao na kailangan nyang gumawa ng isang napakalaking desisyon. At dumating na ang panahon ito para sa akin.
Mananatili ba ako sa isang kumpanyang nagbibigay sa aking ng malaking seguridad sa buhay ngunit halos araw araw ay kinakalaban mo ang sarili mo dahil malaking bahagi sayo ay hindi na kayang umapak pa sa opisina o tatahakin ko ba ang landas na wala pang seguridad sa ngayon ngunit alam kong ito ang mahal kong gawin at alam kong magiging matagumpay ako sa hinaharap?
Pinili ko ang ikalawa. Gusto ko ng maging malayang pumili ng aking gagawin at gawin ang magpapasaya sa akin.
Kaya ako nagresign.
Malungkot na masaya ako. Pero sigurado ako ngayon lang to. Mas matimbang parin ang saya sa aking puso, dahil alam kong sa pag-alis ko sa kumpanya, maraming pinto ang bubukas pa sa akin.
Kailangan ng sundin ang sinasabi ng aking puso.
Music, pasok!
“Sharamdaram, shudaram…Sharamdaram, shudaram…Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito!”



