Totoo po ba ang multo?
Junior: Tay…totoo po ba ang multo?
Tatay: Nako anak hindi totoo ang multo. Sino naman nagsabi sayo?
Junior: Si yaya.
Tatay: Anak…
….
…
WALA KANG YAYA!
—
Ahahahahaha shet!!! Katakot LOL!!!
Kung ako yung tatay hihimatayin siguro ako. Takot ako e. LOL!!!
 Maraming salamat kay Junelle para sa joke na to!
Categories: batang makulit Tags:
Hanapin nyo ako Part 2!!!
Kinuha to noong EDSA 2.
Oo, aaminin ko dati tibak ako LOL! ngayon sibak na hehehe
Andyan din yung ex girlfriend ko na kasama na nya yung bago nyang boyfriend! LOL!!!
Hanapin nyo ako sa litratong yan!
Categories: true to life Tags:
Ang Bagong Ocho Ocho
Dumalaw ang mga pamangkin ko kamakaylan lang at syempre, sa dinner table eh masayang kwentuhan!
Pero ang nagpalabas ng kanin mula sa ilong ko ay ang batang batang pamangkin kong si Jamie (sya yung nagsabing sinubo nya yung elephant sa zoo, ang ibig pala nyang sabihin ay ’sinubuan nya’ yung elepante! LOL!)
Jamie: Tito, tito. I saw a dog ocho ocho another dog!
Ako: Ha? (hindi ko agad nagets, pero nung nagets ko na…) Oh.
Ahahaha yun na pala ang tawag ng mga bata ngayon sa ginagawa ng mga aso!!!
*Tayo’y mag ocho ocho! Ocho ocho! Ocho ocho! Mag ocho ocho na!*
Categories: batang makulit, kwento kwento lang Tags:
Mga bagong Selyo ng Panahon!

Ahahahahahahaha talagang kalahati?! LOL!!!
Maraming salamat kay Fionixe para sa mga selyo!
Categories: cartoons Tags:
Superman Returns…with Piglet!
Ahahahahahahaha hindi na matatapos tong saga ni Superman!!! LOL!!! Eto na naman sya at iba na naman ang costume nya!
Aba, tinalo pa ako! LOL!!! Kasi sya all the way, wala talagang brief hehe
Maraming salamat uli kay Roxy para dito!
Categories: cartoons Tags:
Superman Returns ng Bonggang Bongga!
Ahahahahahahahahahahahahahahahahaha part 2 ni Superman na naka bikini!!! LOL!!!
At may ribbon pa talaga! LOL!
Napansin nyo ba ang kapa? Polka dots!!! At para sa naghahanap ng bakat, ayan na! LOL! Medyo hindi nga lang ganon ka super haha
Maraming salamat kay Roxanne para sa litratong ito!
Categories: badingky-winky, cartoons Tags:
He-mah-lah!

Tatlong araw nang nagtitibe (constipation) si Nora. Sinubukan nya na ang lahat upang matae lamang. Kumain na sya ng bulok na mangga, ng fishball na nahulog sa sahig at ng dinuguang langaw. Ngunit hindi parin sya ma-jebs jebs. Kulay tae na nga sya e.
scene: kakalabas lang ni Nora sa banyo matapos ang isang oras na pag-upo sa trono
Pip: O Guy ano…success ba?
Guy: WALAAAAAAAH….WALAAAAAAHNG LUMABAS!!!
—end of scene—
Ahaahahahahahahahahahaha ewan ko sa inyo pero tawang tawa ako nung maisip ko to habang naliligo ako kanina LOL!!!
Categories: kwento kwento lang, pang showbiz! Tags:
Rules to be Follows!
Ahahahaha! Bonggang bongga ang summer dito sa Isla Beach Resort!!!
Naka beach ka na, nawindang ka pa!!! LOL!!!
Maraming salamat kay Hazel para sa litratong to!
Categories: true to life Tags:
Order ni Boss…
Ahahahahah bakit hiwalay yung “E”? May space naman. Katabi naman nya yung “TUMA”….
At meron kaya talagang jumejebs sa mga puno?
O baka naman para sa aso yung sign? LOL!!!
 Hmmmm ito ang mga katanungan na hindi masasagot sa buhay na ito…LOL!!!
Categories: true to life Tags:
Kapag tumibok ang puso! :)
Ang saya kagabi!
Kain, inom, kulitan! At narito ang mga litrato!!!
Ang grupo!
Greenpinoy, PB, Chroneicon, Gasoline Dude, Greyweed, Jeckass, Damdam na natakpan ni Mariano, Lethalverses
Chroneicon at PB…bagong love team?!
PB and Greenpinoy…walang shabu kaya kilikili nalang.
PB…dating lalaki. Damdam…dating puti.
Mariano…mariana? Pati si Lethalverses nabading.
Jeckass and Greyweed, sweet.
Gasoline Dude…ayan na…sinasapian na sya…awooooo.
Karaoke time!!!
Close up ni Jabi!
Bat ganon mukha ni Chrone? Trishie o…
Gasoline Dude: Rexona ito. LOL!!!
Lethal Moment: What went wrong?!?!
At malapit nang magunaw ang mundo. SIBAKAN NA!!! LOL!!!
Masayang masaya ako kagabi! Kaya maraming maraming maraming salamat sa mga dumalo sa unang malakihang EB ng greenpinoy!!! Hanggang sa susunod!!!
But wait! There’s more!
Wawa.
LOL!!!
Categories: kwento kwento lang Tags:
EB TONIGHT!!! :)
Tuloy na tuloy na ang unang malaking EB ng mga Greenpinoy.com readers!!!
Meeting place: Starbucks GREENBELT 3
Oras: 630 PM
Ano gagawin? Magkukulitan!!!
Tapos iinom. Tapos sigurado may mga iiyak…Chroneicon? LOL!!!
Punta sa forums para iba pang detalye (andun din telepono ko para ma-contact nyo ako kung sakaling sasama kayo
)
Kita-kita mamaya!!! Weeeeeehoooooooo!!!
Categories: announcements Tags:
I Just Need 5 Things…
Piolo:
I just need 5 things to live…
Some friends…
Some food…
Some work…
Some love…
And some…
Milby.
Ahahahahaahha sweet naman nyan ng bonggang bongga papa! LOL!!!
Categories: badingky-winky Tags:
Panget na Ex!
Lalaki: Mahal, yan ang dati kong girlfriend.
Babae: Ang pangit pangit naman!
Lalaki: Wala akong magagawa, yan talaga ang weakness ko ever since…
Ahahaaaaay LOL!!! Na-gets kaya ng girlfriend? LOL!!!
Categories: mag syota Tags:
Eto na ang mga litratong makukulit!!!
Mga litrato mula sa Anawangin, Zambales! Maraming salamat Gasoline Dude para sa mga to!!!
Â

“May mumu!!!”
Ang isang malaking barkada! Mga matagal at bagong KAIBIGAN!
Ang mga LASING HEROES! (Maraming salamat Jim sa pagbigay ng pangalan namin LOL!!!) *Tignan nyo naman ang kapit ni Gasoline Dude sa mga hita namin ni Lethalverses! LOL!*
Marami pang binigay sa Gasul na mga litrato pero mukhang kahiya-hiya ng ilagay dito hahahaha abangan nyo nalang baka ilagay nila sa blog nila LOL!
Muli, maraming salamat sa mga kasama namin sa Anawangin at sana ay muli tayong magkita-kita!
At maligayang paglalakbay para sa aming kaibigang si FAITH na sobra sobrang bonggang bonggang mag-gitara at kumanta!
Categories: kwento kwento lang Tags:
May Ulo ang P…
Masaya sa Anawangin. Hindi lang dahil sa maganda ang beach at masaya ang mga kasama kundi pati mga signs doon eh masaya rin LOL!
Tulad nalang nitong sign na nakapaskil sa may bombahan (poso ito, wag bastos ang isip, pero kung naisip nyo mang hubaran e pwede rin kasi dito naliligo ang mga tao hehehe).
Ayos diba? Dati ang alam kong may ulo lang e tao at etits hahahahahaha pati pala puso may ulo!!! So ibig sabihin, may ulo rin ang saging! Kasi sabi nga ni Mark Lapid ang saging, may puso! Nyeee! LOL!!!
Categories: true to life Tags:






